Sa paggunita ng ika-160 taong kapanganakan ng magiting na bayani ng masang anakpawis at isa sa mga tunay na anak ng bayan na si Gat Andres Bonifacio, muli nating sariwain ang diwa ng kanyang pagmamahal sa bayan at sa kanyang adhikain para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Karugtong ng dakilang rebolusyong 1896 nina Bonifacio ang […]
Sampu ng buong kilusang rebolusyonaryo sa Palawan, nagpupugay ang National Democratic Front-Palawan at lahat ng yunit ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan sa dakilang buhay ni Josephine “Ka Sandy” Mendoza. Si Ka Sandy ay isang dakilang pinuno at gabay ng rebolusyon sa Palawan. Sa rehiyong Timog Katagalugan, tumayo siyang ikalawang pangalawang kalihim ng Partido, at sa buong bansa bilang kagawad ng Komite Sentral. Pumanaw siya sa sakit noong Nobyembre 10, sa edad na 59.
Nangangarap nang gising ang rehimeng US-Marcos II sa pagdedeklarang ‘insurgency-free’ ang probinsya sa pagbubukas ng National Peace Consciousness Month kahapon, Setyembre 1 sa Puerto Princesa City. Ipinagmalaki ni Marcos II ang tagumpay umano ng gubyerno, ng AFP at ng NTF ELCAC sa pagsugpo sa rebolusyon sa Palawan at buong bansa at na nalinis na umano […]
Peke, hungkag at ipokrito ang alok ng rehimeng Marcos II na amnestiya para sa lahat ng miyembro ng New People’s Army habang walang-patlang ang inilulunsad nitong militarisasyon sa buong bansa na naghahatid ng pinakabrutal na pag-atake at paglabag sa karapatan ng mamamayan. Sa loob pa lamang ng isang taong pag-upo sa poder, naitala ang 97 […]
Mariing tinututulan ng BVC-NPA Palawan, kaisa ng mamamayang Palaweño, ang pagkukunsidera sa lalawigan bilang ideyal umanong lokasyon para pagtayuan ng pasilidad ng small modular reactor (SMR) bilang solusyon sa kakulangan ng kuryente at enerhiya sa bansa. Ang SMR, isang anyo ng plantang nukleyar, na inilalako ay hindi estableng enerhiyang nukleyar, hindi pa napatutunayan ang epektibidad, […]
Sa okasyon ng Linggo ng Pambansang Pag-alaala sa mga Martir ng Rebolusyong Pilipino, iginagawad ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan, kasama ang buong rebolusyonaryong kilusan sa Palawan, ang pinakamataas na parangal, pagsaludo at pagpupugay kina Kasamang Benito “Ka Laan” Tiamzon at Wilma “Ka Bagong-Tao” Austria-Tiamzon, mga dakila at kapita-pitagang lider ng Komite Sentral ng Partido Komunista […]
Mariing kinukundena ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang kasalukuyang nagaganap na Balikatan Exercises sa South China Sea sa pagitan ng mga mersenaryong tropa ng imperyalismong United States, Pilipinas at Australia. Nagsimula ang pagsasanay militar noong Abril 11 na magtutuluy-tuloy hanggang Abril 28. Ito ang pinakamalaking pagsasanay militar sa buong kasaysayan na inilunsad sa rehiyong Indo-Pasipiko […]
Mariing kinukundena ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang nakatakdang pagtatayo ng base militar sa isla ng Balabac, isa sa apat na bagong base militar ng imperyalismong US sa pinalawak na kasunduan sa depensa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Inianunsyo kahapon ni Carlito Galvez Jr, kalihim ng Department of National Defense (DND) ang […]
Hinahamon ng Bienvenido Vallever Command (BCV) – NPA Palawan ang mga bagong sundalong nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ngayong taon na buong pusong maglingkod sa sambayanang inaapi at pinagsasamantalahan. Upang maisakatuparan ito, nararapat munang talikuran ang pasistang punong-kumander ng AFP at presidente ng reaksyunaryong gobyerno na si Ferdinand Marcos Jr. at matapang na labanan […]
Mariing kinukundena ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang pagpaslang ng berdugong 1001st Bde at hepe nitong si Jesus Durante III sa modelong si Yvonne Chua-Plaza. Ang pagpaslang sa kanya ay bahagi ng maruming gera ng sabwatang Marcos-Duterte laban sa mamamayan at lahat ng kritiko nito at hindi isang simpleng crime of passion na gustong palabasin […]