The recent issuance of Wanted posters by the revolutionary movement in Southern Tagalog region that contained names and photos of individuals that the masses want to punish and bring to justice are based on legitimate cases filed against them by the people. Processing their cases and issuing the said posters are in accordance with policies […]
Ang kamakailang paglalabas ng mga Wanted poster na naglalaman ng mga pangalan at litrato ng mga indibidwal na nais patawan ng masa ng hustisya ay nakabatay sa lehitimong mga krimen sa mamamayan. Ang pagpoproseso ng kanilang mga kaso at paglalabas ng naturang mga poster ay nakaayon sa mga polisiyang ipinapatupad ng Demokratikong Gubyernong Bayan bilang […]
Makasaysayang ginugunita sa araw na ito ang ika-162 kaarawan ni Andres Bonifacio sa gitna ng umaalimpuyong galit ng mamamayan at sa paghahangad ng tunay na pagbabago sa sistema ng ating lipunan. Ipinagpapatuloy ng rebolusyonaryong pwersa ng CPP-NPA-NDFP ang hindi nalubos na Rebolusyong 1896 nina Bonifacio sa pamamagitan ng isang bagong-tipo na pambansa Demokratikong Rebolusyong Bayan […]
Ang pagtayo ng Wawa Dam sa Rizal ang malaking salarin ngayon ng pagbaha sa Rizal at mga karatig na syudad sa Metro Manila. Malaon nang tinutulan ng mamamayan ang pagtatayo ng nasabing dam dahil sa posibleng likhaing pinsala nito oras na bumagyo. Ngunit baluktot pang ipinagmalaki ito ni Marcos Jr at ng mga nagpasimuno nito […]
Muling pinatunayan ng nagdaang eleksyon na kailanman ay wala tayong aasahan na matapat, malinis at tunay na demokrasya’t kasarinlan sa isang reaksyunaryong halalan. Sagad ang pagiging bulok at mapanlinlang ng aparatong ito ng mga naghaharing uri upang tabingan ng demokrasya ang kanilang mala-kolonyal at mala-pyudal na paghahari at mapanatili ang kanilang poder sa dikta ng […]
Binabati ng National Democratic Front of the Philippines-Rizal (NDFP) ang mga pulang mandirigma at kumander ng Narciso Antazo Aramil Command-NPA-Rizal (NAAC) sa magiting na pakikipaglaban sa mga pasistang tropa ng 80th IBPA at PNP sa magkasunod na labanan noong Pebrero 16 at 17 sa Anitpolo City. Aktibong nakapagdepensa at nakapanlaban ang pulang hukbo sa nag-ooperasyong […]
Hindi pa man nakababangon nang lubusan sa salanta ng Bagyong Carina ay muling nalubog ang mamamayan sa delubyong dulot ng Bagyong Enteng. Mabilis na pagtaas ng mga ilog, pagragasa ng baha at landslide ang kumitil sa 12 buhay sa lalawigan ng Rizal, 3 ang nawawala at 33,481 ang lumikas sa kanilang mga tirahan. Mula ito […]
Ilang araw lamang matapos ang State of the Nation Address ng reaksyunaryong pangulo, agad na tumambad ang kapalpakan sa likod ng kanyang pinabangong Ulat sa Bayan nang salantain ng Bagyong Carina ang Luzon. Ang pinatindi nitong Habagatin ay naglantad sa kawalan ng kahandaan, at sa mga peligro ng mga ipinagmamalaking proyekto ng rehimen. Sa Rizal, […]
Ang National Democratic Front-Rizal at ang buong rebolusyonaryong mamamayan ng lalawigan ay taas-kamaong nagpupugay kay Kasamang Wally “Km” Agudes na nag-alay ng kanyang buhay para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino at ng kanyang mahal na kababayang Rizaleño. Nais din naming ipaabot sa kanyang pamilya at mga kaanak ang taos-pusong pakikidalamhati at pakikiramay. Nagpupuyos ang aming […]
Nananawagan ang National Democratic Front-Rizal sa lahat ng mamamayang Pilipino na nagmamahal sa ating bansa na patuloy na sumuporta at lumahok sa isinusulong na bagong-tipo na demokratikong rebolusyong bayan ng CPP-NPA-NDF. Ito lamang ang tanging paraan upang makamit ang ganap na kalayaan mula sa di-tuwirang paghahari ng imperyalismong US sa pamamagitan ng kanilang mga lokal […]