Archive of Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)

Handang harapin ng BHB-Camarines Norte ang sakripisyo para sa pagsulong ng armadong pakikibaka sa prubinsya
September 15, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

“Saan man mayroong pang-aapi at pagsasamantala ay mayroong armadong pakikibaka”. Laging nakahandang harapin at suongin ng BHB gaano man kadilim at kasalimuot ang landas na binabagtas, dahil ito lang ang natatanging paraan upang makamit ang lipunang magbibigay sa taumbayan ng tunay na malaya, masagana at makatarungan. Animoy nanaginip ng gising si Descallar, Director ng NTF-ELcac […]

Ilantad ang pasismo at pagiging desperado ng AFP at pagbaling sa mga karaniwang mamamayan sa tuwing natatalo sa mga labanang nilulunsad ng Bagong Hukbong Bayan!
September 15, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Nauulol ang pasistang AFP sa paggamit ng hinabing mga kasinungalingan kaugnay sa nahukay nitong bangkay ng isang BHB na umanoy hindi binigyan ng disenteng libing at inihambing pa sa pinabonggang lamay at libing ng mga naparusahang CAFGU sa isang matagumpay na aksyong militar ng BHB-Quezon (Apolonio Mendoza Command). “Ang sukatan ng pagkilala sa isang tunay […]

Kumilos at hadlangan ang bantang pagbomba ng Filminera – MGP at 2nd IBPA sa bundok ng Bagulayag sa bayan ng Uson
September 13, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Kasuklam-suklam at isang kahibangan ang planong pagbomba ng 2nd Infantry Battalion Phil. Army sa bundok ng Bagulayag sa bayan ng Uson. Ilalagay sa panganib ng militar ang buhay at kabuhayan ng mga residente upang bigyang-laya ang ekspansyon ng Filminera – Masbate Gold Project sa mga bulubunduking nagdudugtong sa mga bayan ng Uson, Milagros at Mobo. […]

Bukas na Liham sa mga incumbent at kandidato sa halalang pambarangay
September 12, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

JOSE RAPSING COMMAND BAGONG HUKBONG BAYAN PRUBINSYA NG MASBATE Setyembre 2023 Rebolusyonaryong pagbati! Nasa kalunus-lunos na kalagayan ang ating pinakamamahal na prubinsyang Masbate at ang buong Pilipinas sa ilalim ng rehimeng US – Marcos, Jr. Lunod sa walang kaparis na paghihirap, gutom at pang-aapi ang ating mga kababayan. Patuloy sa pagsadsad ang buhay at kabuhayan […]

Paalala para sa pamilyang Kho: Kung gaano katayog ang naabot, siya ring tarik ng pagbagsak
September 11, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Hindi na kagulat-gulat para sa mga Masbatenyo ang nadiskubreng mga kolorum na operasyon ng Kho Shipping Lines, isa sa mga negosyong pag-aari ng dinastiyang Kho sa prubinsya. Ayon sa balita, karamihan sa mga barko’y sinuspinde ang operasyon dahil hindi rehistrado. Ibig sabihin, iligal na nag-oopereyt. Malamang ay may mga maaari pang masilip sa likod ng […]

Haras ilinunsad ng Milisyang Bayan sa syudad ng Masbate
September 10, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Binabati ng Jose Rapsing Command – NPA Masbate ang matagumpay na haras na ilinunsad ng isang yunit ng milisyang bayan noong Setyembre 3, alas-7 ng gabi sa Sityo Kampoon, Brgy. Batuan, Masbate City. Tatlo ang sugatan sa mga pulis na nagtatago lang sa masukal na bahagi ng naturang lugar. Matagal ng ginagalugad ng mga militar […]

Mamamayan ng Camarines Norte, magkaisa at todo-pwersang labanan ang ilehitimong Marcos Jr sa mas pinalala at mapangwasak nitong sistema na patuloy na pumapatay at sumisiil sa kabuhayan at karapatan ng malawak na masa ng sambayanan!
September 09, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Nakakapanigas-bagang para sa masang CamNorteño ang mga lutang na hakbangin ni Marcos Jr sa mga problemang kinakaharap ng bansa. Puro pag-aangkat, ayuda at pagbebenta ng bansa sa mga dayuhan sa halip na ipatupad at isakongkreto ang pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa. Trending sa ngayon ang patuloy na pagsirit sa presyo ng bigas […]

Tularan ang paninindigan at hindi pagsuko ng mga kababaihang minasaker ng militar sa Jagnaan!
September 06, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Nakaabot sa kabatiran ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate ang mga naging pahayag ni Monreal, Masbate Mayor Glenda Villahermosa sa pagkamatay ng tatlong kababaihang sibilyan na sina Divina Lubiano Ajitan, Sheryl Dejomo Salazar at Jenlyn Guis Matimtim sa kamay ng militar. Sila ay walang pagtatanging dinamay ng militar sa isang labanan sa pagitan ng […]

Ang matagumpay ninyong taktikal na opensiba ay tagumpay ng buong rebolusyonaryong kilusan at magbibigay hustisya sa lahat ng masa na biktima ng pasismo at terorismo ng AFP-PNP sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr
September 02, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Pulang pagbati sa mga pulang kumander at magigiting na mandirigma ng Apolonio Mendoza Command-BHB-Quezon sa matagumpay nitong taktikal na opensiba laban sa 85th IBPA sa Sitio Pag-asa, Barangay Mapulot Tagkawayan, Quezon noong Setyembre 01, 2023. Ang matagumpay na bigwas ng AMC sa hanay ng mga berdugong militar ay tagumpay ng rebolusyonaryong kilusan. Magbibigay ito ng […]

Para sa mga kaanak ng lahat ng biktima ng karahasan ng estado at para sa masang Bikolano
August 31, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Dama namin ang inyong hinagpis ngayon. Maging kami ay kumukulo ang galit sa kahayupan at kabrutalan ng duwag na militar at pulis. Silang mga tunay na teroristang walang ibang kayang gawin kundi mandahas at pumatay ng mga walang kalaban-laban. Masakit sa loob na ang ating mga nanay, tatay, anak, kapatid at kaibigan—mga pinakamamahal sa buhay […]