Archive of Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)

Alok ni Marcos Jr. na amnestiya para sa mga rebolusyonaryo, patibong ng kapahamakan
August 17, 2023 | New People's Army | NPA-Camarines Sur (Eduardo Olbara Command) | Ramona Caceres | Spokesperson |

Lubusang itinatakwil ng Eduardo Olbara Command BHB-Camarines Sur ang alok na amnestiya ng rehimeng US-Marcos Jr. Ang naturan ay isa lamang maruming taktika upang itulak ang mga rebolusyonaryo na ipahamak at ibuyangyang ang sarili para sa pang-aatake ng kaaway. Napakamapanganib at higit na mabagsik ito kumpara sa kampanyang pagpapasuko ng nagdaang rehimeng US-Duterte sa panahon […]

Hedkwarters ng 2nd Infantry Battalion, matagumpay na napaalis ng mamamayan sa Milagros
August 14, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Dulot nang hindi na maatim na epekto sa kabuhayan at pangamba sa buhay, ispontanyong kumilos ang mga mamamayan sa bayan ng Milagros upang palayasin ang punong himpilan ng 2nd Infantry Battalion-Philippine Army na nakabase sa naturang bayan. Ayon sa nakuhang ulat ng Jose Rapsing Command-BHB Masbate, nagtipon sa bulwagan ng munisipyo ang mga residente ng […]

Hindi dapat magpatinag sa takot ang mga Masbatenyo sa atakeng militar na hatid ng Filminera at ng AFP!
August 14, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate ang nagpapatuloy na malawakang militarisasyon sa mga bayan ng Mobo at Uson. Kahindik-hindik na terorismo at abusong militar ang ipinararanas sa mga komunidad sa naturang mga lugar upang takutin ang mamamayan at supilin ang kanilang pagtutol sa nagbabadyang ekspansyon ng mapaminsalang operasyong mina na […]

Pagbayarin ng mahal ang mga taksil sa masang Masbatenyo!
August 11, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Sugatan sa pananambang ang barangay Kapitan ng Barangay Bonifacio, Uson na si Democ Movera at dalawa nitong kasamahang CAFGU noong Agosto 9, 2023. Sakay ang tatlo sa isang pick-up trak nang pasabugan ng isang tim ng mga pulang mandirigma ang kanilang sinasakyan. Sila Movera at kasamahan ay mga kasapi ng ALSA MASA o mga ahente […]

Terorismo ng Estado sa Sorsogon, Lalong Lumalala
August 06, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Noong Agosto 4, alas 10:00 ng gabi pinaulanan ng bala ng dalawang elemento ng 31st IBPA ang bahay ni ABC President at Punong Barangay na si Erwin Vista ng Alin, Donsol, Sorsogon. Nangyari ito ilang araw matapos iparating ni kapitan sa CO ng 31st IBPA na nakabase sa Pangpang, Donsol ang tungkol sa pagkakalat ng […]

Halagang ₱2,000, kapalit ng isang baboy na apektado ng ASF
August 01, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-West Camarines Sur (Norben Gruta Command) | Michael Robredo | Spokesperson |

Labis na nag-aalala ngayon ang mga hograiser sa ilang bayan ng Camarines Sur, dahil sa muli na namang pag-atake ng African Swine Fever sa kanilang mga alagang baboy. Nito lamang nakaraan, umabot ng nasa 11 na baboy ang pinatay sa Brgy. Baya sa bayan ng Ragay. Dahil sa pag positibo umano ito sa ASF. Ayon […]

Manindigan sa pambansang soberanya!
August 01, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Patuloy na ilantad at labanan ang dayuhang agresyon at pang-uupat ng imperyalismong US ng gera sa mga bansa sa Asya. Walang ganansya ang mamamayang Pilipino sa patuloy na pakikialam ng Imperyalismong US sa isyu ng bansa sa West Philippine Sea laban sa karibal nitong imperyalismong China. Patuloy nitong nililikha ang kondisyon sa usapin ng West […]

Taas kamaong pagpupugay sa iyo Ka Karen!
July 29, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Download the video here. Pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng Celso Minguez Command-NPA Sorsogon at ng buong rebolusyonaryong kilusan kay Fernado “Ka Karen” Dialogo na pinaslang ng mga armadong ahente ng AFP noong Hulyo 15, 2023 sa Brgy. Boton, Casiguran, Sorsogon sa edad na 47. Nagmula si Kasamang Karen sa pamilya ng maralitang magsasaka sa […]

Atake ng 9IBPA, binigo ng NPA
July 21, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Aktibong nakadepensa ang yunit ng Armando Catapia Command-New People’s Army laban sa 9th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines noong Hulyo 8, alas-singko ng umaga sa Barangay Sta.Cruz, bayan ng Jose Panganiban. Ang yunit ng ACC-NPA ay nasa lugar para maglunsad ng panlipunang pagsisiyasat sa kasalukuyang kalagayan ng mamamayan sa baryo nang tangkaing kubkubin ng sundalo ng 9IB.

Kasinungalingan ang mga ulat ng 22nd IBPA
July 11, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Pinagtatawanan ngayon sa bayan ng Bulan, laluna sa Barangay Calpi, ang post ng 22nd IBPA sa kanilang Facebook page na umano’y matagumpay nilang pakikisagupa sa mga mandirigma ng NPA noong Hulyo 6 at Hulyo 10. Anang 22nd IBPA sa Facebook account nito, nagresponde ang mga sundalo sa ulat ukol sa presensya ng NPA sa Sityo […]