Halagang ₱2,000, kapalit ng isang baboy na apektado ng ASF

Labis na nag-aalala ngayon ang mga hograiser sa ilang bayan ng Camarines Sur, dahil sa muli na namang pag-atake ng African Swine Fever sa kanilang mga alagang baboy.

Nito lamang nakaraan, umabot ng nasa 11 na baboy ang pinatay sa Brgy. Baya sa bayan ng Ragay. Dahil sa pag positibo umano ito sa ASF.

Ayon sa ibang magbababoy, maganda sanang hakbangin ng Veterinary office at ng lokal na pamahalaan na makontrol ang pagkalat ng naturang sakit. Ngunit ang ikinadidismaya ngayon ng mga hograiser ay ang kakapiranggot na ibinibigay na kompensasyon ng lokal na pamahalaan na halagang ₱2,000 kapalit ng bawat baboy na pinapatay.

Hindi biro ang pagkakaroon ng kapital para makabili ng isang biik at sobrang mahal rin ng feeds. “Saan aabot ang ₱2,000? Ang mahal mahal ng biik, ₱3,500. Idagdag pa yung presyo ng feeds. Tapos gaun lang?” Ang nag-aalalang sinabi ni Mirna, isang hograiser na apektado ng pagkalat ng ASF.

Ayon din sa nakalap na impormasyon. Nasa tatlong barangay na ang apektado ng pagkalat ng ASF sa bayan. Apektado rin ang mga karatig nitong bayan na kung saan, humigpit sa mga labasan ng baryo dahil sa posibleng paglabas ng mga buhay na baboy at mga prinosesong karne nito. Bihira na rin umano ang bumibili ng karne dahil sa takot na makabili ng mayroong ASF. Kahit pa bumagsak na ang presyo nito.

Ang pagkalat ng sakit na ASF sa mga alagang baboy ay isang mabigat na pasanin ngayon ng mga magbabaoy sa lugar. Ang inaaasahan sana nilang makakaagapay sa halos araw-araw na krisis — ang di maampat na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing konsumo ng bawat pamilya. Idagdag pa ang mga mayroong anak na pinag-aaral.

Kaya marapat lamang na mag-demand ng sapat na tulong ang mga magbababoy na ito sa gobyerno pati na sa lokal na pamahalaan.

Obligasyon ng anumang estado na tulungan at bigyan ng makatarungang tulong ang kanyang mamamayan lalo na kung kabuhayan ang nakataya. Hindi sapat ang ayudang ₱2,000 kapalit ng bawat ulo ng baboy na kinaikailangang patayin.

Halagang ₱2,000, kapalit ng isang baboy na apektado ng ASF