Isang nagtraydor sa masa at nagpakakasangkapan sa pasistang militar ang inabutan ng mga partisano ng NPA ngayong araw sa Barangay Manapao bayan ng Gubat. Naisagawa ng mga partisano ang parusang kamatayan laban kay Romel Hapa alyas Ian kaninang alas-12 ng madaling araw. Si Hapa ay nahatulan ng Pamprubinsyang Hukumang Bayan sa kasong pagsalong ng dalawang […]
Nakikiisa ang Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Tao sa panatang paigtingin ang digmang bayan upang tuluyang matuldukan ang deka-dekadang panunupil at pagyurak ng estado sa karapatan ng mamamayan. Makatarungan para sa mamamayang Masbatenyo na maghimagsik. Karapatan nilang humawak ng armas at makidigma laluna’t ang estado mismo ang […]
Magiting na hinarap ng isang yunit ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate ang traydor na pag-atake ng mga elemento ng 96th Infantry Battalion Phil. Army sa Sityo Macabuhay, Barangay Dorongan, bayan ng San Jacinto noong Disyembre 1. Gamit ang command-detonated explosive, pinasabugan ng mga mandirigma ng BHB ang sumasalakay na mga militar. Lima ang […]
Malugod na sinusuportahan ng buong rebolusyonaryong kilusan sa probinsya ng Sorsogon ang pinirmahang Oslo Joint Statement na nagsasaad ng hangarin na muling isagawa ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at Government of the Republic of the Philippines. Ang pirmahan ng dalawang panig na naganap sa Oslo, Norway nitong Nobyembre […]
Mariing kinukundena ng rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon ang ekstrahudisyal na pamamaslang kay Arnel Halum kahapon, Nobyembre 5, sa pagitan ng alas 12 hanggang ala-1 ng hapon, sa Sitio Kamandag, Barangay San Pascual, Casiguran. Si Halum, 42 taong gulang, ay isang magsasaka na residente ng Barangay San Pascual, Casiguran at naging myembro ng NPA noong 2007-2009. […]
Nakatakdang i-demolis ngayon ang mahigit 100 na mga bahay sa panabing kalsada ng Purok 3, 4, 5 at 6 ng Barangay Exciban sa bayan ng Labo dahil sa pagpapalaki ng kalsada na bahagi ng pagpasok at pag-opereyt ng pagmimina ng MLEDC sa Barangay Dumagmang, katabing baryo ng Exciban. Ang nasa likod ng road widening na […]
Hindi totoo at walang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan ng Armando Catapia Command at tropa ng militar noong Setyembre 23, 2023 sa Barangay Malaya bayan ng Labo, Camarines Norte. Hindi rin totoo ang iniulat ni Lt. Col. Dennis A. Santos na mayroong isang katribu ang nahuli at kusang nagsuko. Si […]
Tunay ngang pulubi ang pagtingin ni Marcos Jr sa bawat pamilyang nagugutom sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ito ay kasunod ng inilabas nitong Executive Order no. 44 o ang “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” na kung saan ay ipinagmalaki pa ng adiministrasyon nito na isa umano sa mga mayor na programa ng gobyerno para […]
Napatay si Rey Esposado alyas Rigor sa operasyong partisano na isinagawa ng NPA ngayong araw, Oktubre 14, 3:30 ng hapon, sa sabungan ng Barangay Ginlajon, Sorsogon City. Pagpapatupad ito ng parusang kamatayan na inihatol sa kanya ng Probinsyal na Hukumang Bayan sa kasong pagtataksil sa rebolusyon. Si Esposado ay kabilang sa grupo ng mga gerilyang […]
Sinalakay ng 15 elemento ng 2nd Infantry Battalion-Phil. Army ang barangay tanod at kumakandidatong kagawad sa Barangay Matubinao na si Ariel Urag noong Oktubre 12, alas-7 ng umaga. Sinakal si Urag, isinubsob sa lupa at pinagbantaang papatayin kapag nagbukas pa ng cellphone. Ang pananakit at pambabanta kay Urag ay tiyak na bahagi sa kampanya ng […]