Traydor sa masa, pinarusahan ng NPA sa Sorsogon

Isang nagtraydor sa masa at nagpakakasangkapan sa pasistang militar ang inabutan ng mga partisano ng NPA ngayong araw sa Barangay Manapao bayan ng Gubat. Naisagawa ng mga partisano ang parusang kamatayan laban kay Romel Hapa alyas Ian kaninang alas-12 ng madaling araw.

Si Hapa ay nahatulan ng Pamprubinsyang Hukumang Bayan sa kasong pagsalong ng dalawang baril ng M-16, mga bala at iba pang kagamitang militar na pag-aari ng NPA at Partido Komunista ng Pilipinas. Nasangkot din sa Hapa sa panunutok at pamamaril sa mga sibilyan.

Lubos na ikinalugod ng masa ang balita ng pagparusa kay Hapa na matagal nang nagdudulot ng perwisyo sa kanila.

Naging myembro si Hapa NPA noong 2012 ngunit ilang beses na nag-AWOL at pina-uwi dahil sa kaso ng pambababae. Sumuko at nagpagamit siya sa reaksyunaryong estado noong Hulyo 2022.

Matapos sumuko at magsalong ng mga baril, si Hapa ay nagsilbing giya sa mga operasyong kombat ng 22nd IBPA at kasama ng mga pasista sa panghaharas sa mga inaakusahan nilang sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan. Sinampahan din siya ng mga sibilyan ng kaso ng panunutok ng baril. Nitong Hunyo 2023 ay may binaril siya na sibilyan sa Barangay Manapao.

Ang pagnanakaw ng mga gamit militar ng NPA, pananakit at pagpapahamak sa mga sibilyan ay isang mabigat na krimen. Ang sandata ay isa sa mga pangunahing kagamitan upang maipagtanggol ang sambayanang inaapi at maisulong ang rebolusyon.

Buhay at kamatayan ang binubuwis upang makasamsam ng armas. Magsilbi itong babala sa mga traydor sa sambayanan.

Traydor sa masa, pinarusahan ng NPA sa Sorsogon