Archive of Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)

Nauulol sa takot na mga militar, binaril-patay ang dalawang binatilyo sa bayan ng Uson
December 31, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Tinutuligsa ng Jose Rapsing Command-New People’s Army (NPA-Masbate) ang pagbaril-patay ng mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa dalawang binatilyo na sina Redjan Montealegre, 18-anyos, residente ng Barangay Mongahay at JP Osabel, 14-anyos, residente ng Barangay Mabini, sa bayan ng Uson noong Disyembre 27. Naganap ang pamamaslang bandang alas-3 ng madaling araw […]

Pakikisa sa paggunita sa ika-124 na kamatayan ni Dr. Jose Rizal
December 30, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Ipinaaabot ng Jose Rapsing Command-New Peoples Army (NPA-Masbate) ang pakikiisa sa paggunita sa ika-124 na kamatayan ni Dr. Jose Rizal. Ngayong araw, higit na dapat alalahanin ng mamamayan laluna ng mga kabataang Masbatenyo ang mga aral at turo ni Rizal. Balik-aralan ang mga akda at sulatin nito na nagtuturo sa atin na pakamahalin ang ating […]

Kundenahin ang 22nd IB sa mga kaso ng pagdukot
December 20, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Higit isang buwan nang nawawala si Gerald Gestole mula nang dukutin at sikretong idetine ng mga elemento ng 22nd IBPA noong Nobyembre 17 sa San Pedro, Laguna. Sa kabila ng pag-mamaangmaangan, hindi nila maikukubli ang katotoohanang sila ang salarin sa naturang krimen. Si Gestole ay myembro ng NPA Sorsogon na pinahintulutang magpahinga upang ipagamot ang […]

Ilitaw si Gerald Gestole, dating myembro ng NPA Sorsogon
December 13, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Mariin naming kinukundena ang sapilitang pagdukot at sikretong detensyon ng mga elemento ng AFP kay Gerald Gestole alyas Ka Chris noong November 17, bandang 4:30 ng hapon sa may terminal ng tricycle sa Barangay Crysanthemum, San Pedro, Laguna. Si Gestole ay myembro ng rebolusyonaryong kilusan na pinahintulutang umuwi noong Oktubre upang magpagamot sa iniinda niyang […]

Payo ng NPA kay Mayor Ates Tuazon: ang posturang anti-komunista ay pagpapatiwakal
December 12, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Kinikilala ng rebolusyonaryong kilusan ang kapangahasan ni incumbent Masbate City Mayor at kumakakandidatong pagkagubernador ng prubinsya na banggain ang paghahari ng mga Kho. Subalit may ilang obserbasyon at matapat na puna ang kilusan na maaaring pakinggan ni Mayor Tuazon para sa kanyang pampulitikang reputasyon. Kapansin-pansin ang partisipasyon ni Mayor Tuazon sa kampanya ng paninira laban […]

Ang demokratikong rebolusyon ay karapatan at tungkulin ng mamamayan
December 10, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, dapat mabatid ng mga Masbatenyo na tanging armadong paglaban ang solusyon upang nawakasan ang armadong pang-aapi. Ipinagkait sa mga Masbatenyo ang karapatan sa tunay at libreng serbisyong panlipunan. Sa Masbate, mas marami pa ang ditatsment at kampo ng militar kumpara sa mga pagamutan at pasilidad pangkalusugan. Walang […]

Dapat magkaisa ang mga Masbatenyo at NPA para sa pagpapahinto ng operasyon ng Filminera Mining!
December 04, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng mamamayang Masbatenyo ang kumpanyang Filminera Mining sa paggamit ng dahas at panlilinlang bilang bahagi ng agresibo nitong pagpapalawak ng operasyon. Nananawagan ang Jose Rapsing Command-NPA Masbate sa mga Masbatenyo na huwag magpatinag sa pandarahas at panlilinlang ng Filminera Mining at lumaban kasama ang NPA upang tuluyang mapahinto ang mapaminsalang operasyon ng kumpanya. […]

Pagbayarin ang pasista at berdugong militar sa paglabag sa karapatang pantao ng tribung Manide!
November 29, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Iligal na dinakip ng 85th IBPA si Allan Aragon, katutubong Manide, at pinagbababaril naman ang ilan pang kasamahan nito sa kanilang komunidad noong ika-20 ng Nobyembre, alas 11 ng umaga sa Barangay Cabatuhan, bayan ng Labo. Hanggang sa kasalukuyan, hindi inililitaw at walang pagkakaalam ang pamilya at komunidad sa kinaroroonan ni Allan. Pamalagiang target at […]

Labing-apat na kaswalti sa hanay ng militar sa magkakasunod na kontra-kubkob sa bayan ng Uson at Baleno
November 25, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Pito ang patay habang pito ang sugatan sa hanay ng militar matapos makontra ng Hukbo ang tangkang pagkubkob ng mga militar sa magkakasunod na labanan sa mga bayan ng Uson at Baleno noong ikatlong linggo ng Nobyembre 2024. Sa labanang naganap sa Sityo Pile, Barangay San Jose, bayan ng Uson noong Nobyembre 22, napaghandaan ng […]

Hustisya para sa panibagong sibilyang biktima ng pagpaslang ng mga militar-CAFGU sa Donsol, Sorsogon
November 23, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sorsogon (Celso Minguez Command) at mamamayang Sorsoganon ang AFP-CAFGU sa panibagong kaso ng walang awang pagpaslang sa sibilyan. Nobyembre 2 nang gabi, sa Sityo Balogo, Barangay Cristo, Donsol, Sorsogon, sapilitang pinasok ng 2 armadong lalaki at pinagbabaril hanggang sa mapatay ang maybahay na si Honeylet Herrera, may asawa at […]