Pinakamataas na pagpupugay at parangal ang iginagawad ng LdGC-NPA-Mindoro sa apat na kasamang namartir sa isang labanan sa pagitan ng LdGC at ng 4th IB sa ilalim ng 203rd Brigade-Philippine Army noong Disyembre 14, 2020 alas-sais ng umaga sa Sitio Surong, Barangay Aguas, Rizal, Occidental Mindoro. Sina Dario “Ka Poldo” Almonte, Irene “Ka Analyn” Yam-ay, […]
Matagumpay na inambus ng isang yunit ng Lucio de Guzman Command – New People’s Army-Mindoro ang nakasakay na pwersa ng 403rd Regional Mobile Force Battalion ng Philippine National Police MIMAROPA (403rd RMFB-PNP-MIMAROPA) sa kahabaan ng national highway sa sityo Mabajo, Barangay Sta Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro. Sugatan ang dalawang tropa ng RMFB sa ambus. […]
Matagumpay na nailunsad ng isang tim ng LDGC ang operasyong isnayp sa isang platun ng 4th IBPA na nagsasagawa ng Retooled Community Support Program Operations (RCSPO) sa Sityo Mantay, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro noong Septyembre 16 bandang 4:16 ng hapon. Isang sundalo ang bumulugta sa isang bala na pinakawalan ng tim. Ligtas na […]
Pahirap sa kanilang buhay at pagyurak sa kanilang karapatan. Ito ang hatid ng Retooled Comunity Support Program Operations (RCSPO) ng 203rd Infantry Brigade ng Philippine Army sa buo-buong komunidad ng mga katutubong Mangyan. Kasalukuyang nakapwesto ang laking platung pwersa ng RCSPO unit ng AFP sa So. Mantay, Brgy Monteclaro, San Jose, sa So. Batosingit, Brgy […]
Iginagawad ng Lucio de Guzman Command NPA – Mindoro ang pinakamataas na pagpupugay kina Ka Lorelyn Saligumba aka Ka DF/Fara at Ka Elmar Murillo aka Ka Gino/Jorel na nagbuwis ng kanilang buhay sa magiting na pakikipaglaban sa pasistang pwersa ng 203rd Brigade sa dalawang pinakahuling labanan sa isla ng Mindoro noong Mayo 31 at Hunyo […]
Matagumpay na naisagawa ang aktibong pagdepensa ng isang yunit ng Lucio de Guzman Command (LDGC-NPA-Mindoro) laban sa pag-atake na isinagawa sa kanila ng 203rd Brigade Phil Army noong 30 Abril 2020, ganap na 9:30 ng umaga sa interyor na bahagi ng Barangay Lisap, Bongabong Oriental Mindoro. Naganap ang pagsalakay ng pasistang tropa, 14 na oras […]
Peke at Mapanlinlang na UCF ng Rehimeng Duterte, nalantad! Sa pagtatapos ng idineklarang unilateral ceasefire [UCF] ng Rehimeng US-Duterte, saksi ang mamamayang Mindoreño na walang pinag-iba ito sa karaniwang araw ng buong layang paglulunsad ng Focused Military Operations /Retooled Community Support Program [FMO/RSCP] sa isla sa balangkas ng kontra-insurhensyang programang JCP-Kapanatagan. Mula ng inilabas ang […]
Pagpapatupad ng UCF ni Duterte inutil! Mariing kinukondena ng Lucio De Guzman Command [LdGC] – NPA Mindoro ang kasalukuyang inilulunsad na operasyon laban sa mga yunit ng NPA at mamamayan ng 4th IB, 203rd Brigade Philippine Army. Pagpapakita ito ng kawalang malasakit sa kapakanan ng mga Mindoreno at mamamayang Pilipino sa harap ng paglaban sa […]
Sa kabiguan ng SOLCOM na durugin ang NPA sa Timog Katagalugan, muli na namang nagbubuga ng lason ang hepe ng SOLCOM at ng civil-military operations ng AFP na si Gen Antonio Parlade upang pasamain ang imahe ng NPA sa okasyon ng pagdiriwang nito ng ika 51 taong anibersaryo ng pagkakatatag. Kung papansinin ng taumbayan, tuwing […]
Rehimeng US-Duterte nanloloko sa sariling deklarasyon ng UCF Tatalima ang CPP-NPA-NDF sa Mindoro sa idineklarang Isahang-panig na Tigil Putok ng pambansang pamunuan ng CPP. Nauunawaan ng rebolusyonaryong kilusan sa Mindoro ang kabuluhan ng deklarasyon bilang pagtugon sa panawagan ng UN Sec Gen Antonio Guterres para sa pandaigdigang tigil putukan ng lahat ng nagdidigmaang partido sa […]