Namamayani pa rin ang takot at trauma sa mga residente ng Lapi, Peñablanca, halos isang buwan matapos ang aerial bombing at istraping ng mga tropa ng 502nd IBde, 5th ID at TOG2-PAF. Sa pinakahuling ulat ng DSWD Region 2, umabot sa 690 pamilya o 2,765 indibidwal ang naapektuhan at pansamantalang lumikas dahil sa naturang terorismo […]
Kasabay ng deklarasyon ng upisyal na pagtatapos ng El Niño ay ang pagbaon sa limot sa sinapit at ininda ng mga magsasaka at mangingisda dahil dito, at ang pagbabalewala sa kriminal na kapabayaan ng estado. Hindi pa man nakakabawi at bagkus ay nabalaho pa rin sa paghihikahos, panibagong penomenang pangklima na naman ang haharapin ng […]
Malakas ang loob ng 502nd Infantry Brigade, 5th Infantry Divisision, Tactical Operations Group-2 (TOG2-PAF), at Task Force Tala na walang-patumanggang bombahin ang komunidad ng Lapi, Peñablanca ngunit bahag naman ang buntot nito na panindigan at akuin ang pananagutan sa idinulot nitong matinding takot at trauma sa mga mamamayan. Ngayong nagisa sila sa sarili nilang mantika, […]
Binulabog ng malalakas na pagsabog at ingay ng fighter jets ang mga residente ng Peñablanca, Tuguegarao City, Baggao at mga kalapit na bayan matapos magpakawala ng tinatayang tatlong bomba (batay sa mga nakasaksi at panimulang ulat) ang mga eroplano ng Tactical Operations Group (TOG)2-Philippine Air Force simula alas-2 hanggang alas-3 ng madaling araw noong Mayo […]
Sa harap ng malawakang gutom at kalbaryo ng mga magsasaka at mamalakayang Cagayano sa gitna ng pananalasa ng El Niño, namahagi ang lokal na gubyerno ng Cagayan ng 120 kabang bigas sa mga tropa ng 17th Infantry Battalion. Katumbas ito 6,000 kilong bigas na kung ipinamahagi sana sa mga residente ng Dungeg o Aridowen sa […]
Ngayong araw, ika-29 taon na mula nang ipinatupad ang Philippine Mining Act of 1995 o RA 7942. Labag man sa reaksyunaryong konstitusyon 1987 ang 100% dayuhang pagmamay-ari, ito ang naging tiket ng mga dayuhan at lokal na negosyante sa pagmimima upang lubos na sinirain ang kalikasan, dambungin at gahasain ang mga likas na yaman, palayasin […]
Kalpasan a mapatakyas ti pamilya Marcos sadiay Malacañang ken panagleppas ti martial law nga inyetnag idi Setyembre 21, 1972 ti rehimen US-Marcos Sr, tinawen a mairusrussuat ti pananglagip iti kalilideman a paset ti pakasaritaan ti pagilian tapno singiren ti pamilya Marcos ken irupir ti hustisya para kadagiti rinibu a biktima ti pammapatay, panagdukot, iligal a […]
Nalunod at tinangay na ng rumaragasang tubig-baha ang pangako ng gubyerno at EDCA na “disaster relief missions at humanitarian assistance.” Apat na araw na mula nang unang tumama sa kalupaan ng Cagayan ang super bagyong Egay, nakalabas na ito ng PAR at may nagbabadya na namang sama ng panahon ngunit sa kasamaang-palad, “Walang tulong mula […]
24 Mayo 2023 | Niyanig ng malalakas na pagsabog ang mga residente ng Sta. Teresita at Buguey matapos magpalawala ng kanyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kasagsagan ng Balikatan 2023 sa prubinsya ng Cagayan, gabi ng Abril 22 at Mayo 3. Taliwas ito sa pahayag ng AFP at mga lokal na […]
Sukdulang kinukundena ng National Democratic Front-Cagayan (NDF-Cagayan) ang paglapastangan ng kasundaluhan ng 77th Infantry Battalion Philippine Army na pinamumunuan ni Lt. Col. Magtangol Panopio, sa isa na namang kaso ng paghuhukay sa mga labi ng bayani at martir ng Bagong Hukbong Bayan. Tahasang paglabag sa internasyunal na makataong batas ang paggamit sa bangkay o mga […]