Archive of NDF-Southern Tagalog

Maharlika Investment Fund, ibasura
July 19, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Lubhang pang-iinsulto sa sambayanan ang pagdiriwang ni Ferdinand Marcos Jr habang pinipirmahan ang batas na lilikha sa Maharlika Investment Fund (MIF). Napakalaking kataksilan ng pagsasabatas nito sa gitna ng malakas at malawak na oposisyon ng taumbayan. Nakagagalit na inuna pa ito ng gahamang Marcos sa gitna ng mga kalamidad at krisis na bumabayo sa sambayanan. […]

Hustisya para kay Kyllene Casao, Maximino Digno at lahat ng biktima ng teroristang estado!
July 19, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing nananawagan ang NDFP-ST ng hustisya sa unang taong paggunita sa pagpaslang ng 59th IB sa 9-taong gulang na si Kyllene Casao at magsasakang si Maximino Digno sa Batangas. Napakalaking sugat ang iniwan ng krimen na ito sa mamamayan ng Timog Katagalugan, lalo sa kanilang mga naulilang pamilya at komunidad. Hindi ito magsisimulang maghilom hangga’t […]

Landslide sa Antipolo, babala sa papalalang epekto ng mapanirang mga proyekto
July 18, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Rizal | Arman Guerrero | Spokesperson |

Ang naganap na landslide kahapon, Hunyo 17, sa Barangay Sta Cruz, Antipolo City ay patunay ng lumalalang krisis sa klima bunsod ng mapangwasak na aktibidad ng mga korporasyon ng mga monopolyo kapitalistang dayuhan, malalaking burgesya-kumprador at uring panginoong maylupa. Patanaw ang insidente sa maaaring kahinatnan ng mga barangay sa pagtatayo ng Wawa-Violago Dam. Kinitil ng […]

Fake news, ilantad at labanan! Iwaksi at itakwil ang SMNI at ikulong ang huwad at kriminal na Pastor Apollo Quiboloy
July 06, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Isinara ng Youtube at Tiktok nitong Hunyo 21 at Hulyo 3 ang dalawang account ni Apollo Quiboloy. Si Quiboloy ay sangkot sa karimarimarin na mga kaso na iniimbestigahan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa US. Noong Nobyembre 10, 2021, naglabas ang FBI ng warrant of arrest para kay Quiboloy sa mga kasong smuggling, sex […]

Tuloy ang laban ng mamamayan ng Sibuyan!
July 06, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Romblon sa nakamit nilang writ of kalikasan, isang tagumpay sa korte at dagdag balakid sa pagbabalik operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation sa isla ng Sibuyan. Ang positibong tugon ng Supreme Court (SC) sa petisyon ng mga taga-Romblon para sa writ of kalikasan ay resulta ng determinadong paglaban ng […]

Ang hatol ng mga Palaweño sa unang taon ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II: TUTA, PALPAK AT PAHIRAP!
June 29, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Sa unang taon ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II, ibayong kahirapan ang dinanas ng mamamayang Palaweño sa higit na paglala ng pamalagiang krisis ng sistemang malakolonyal at malapyudal ng Pilipinas. Dahil dito, hinahatulan ng buong rebolusyonaryong kilusan sa Palawan ang unang taon ng panunungkulan ng rehimeng US-Marcos II na bigo sa paglilingkod para sa kagalingan, kabuhayan […]

Pantay na karapatan sa lahat ng kasarian, ipaglaban! LGBTQ+, lumahok sa rebolusyon, palayain ang bayan!
June 29, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDFP-ST sa lahat ng bakla, lesbiyana, bisekswal, transgender, iba pang may piniling kasarian at kasapi ng LGBTQ+ community ngayong Pride Month upang kilalanin at igiit ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa bansa. Ang pakikibaka rito ay hindi nahihiwalay sa pakikibaka ng mamamayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Sa okasyong ito, binibigyang pugay […]

Mga magbubukid, hindi lamang ayuda ang kayang makamit ng ating pagkakaisa!
June 23, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Batangas |

Tagumpay ang inisyal na inabot ng kampanya ng mga magtutubó para sa ayuda matapos ipamahagi ng DSWD nareng Mayo 30 ang unang bugso ng Php 10,000 hanggang Php 30, 000 kada pamilya ng magtutubó na apektado ng pagsasara ng Central Azukarera de Don Pedro, Inc. (CADPI). Kaisa rin ang mga magbubukid ng Batangas sa “Martsa […]

Dakilain ang ala-ala ni Gregorio “Ka Roger” Rosal! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
June 22, 2023 | NDF-Laguna | Malaya Asedillo | Spokesperson |

Ngayon, Hunyo 22, ay ang ika-12 na anibersaryo ng pagpanaw ni Gregorio Rosal, o mas nakilala ng sambayanang Pilipino bilang si Ka Roger. Lubos na nakilala siya bilang Tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan mula 1994 hanggang sa pagpanaw niya noong 2011 dahil sa stroke. Tubong magsasaka si Ka Roger […]

Sibilyang iligal na inaresto ng AFP-PNP sa Rizal, palayain!
June 15, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Rizal | Arman Guerrero | Spokesperson |

Kinukundena ng NDF-Rizal ang iligal na pag-aresto kay Danilo Acayin, isang residente ng Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal noong Hunyo 5, ala-1 ng hapon. Dinakip si Acayin sa covered court ng Brgy. Puray nang walang ipinapakitang warrant of arrest. Sinampahan siya ng gawa-gawang kasong murder. Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-CIDG sa Antipolo City si Acayin. Walang […]