Lumalakas ang panawagan ng taumbayan para panagutin ang magnanakaw at gastador na si Sara Duterte sa korapsyon at kasalanan niya sa mamamayan. Patunay ito sa masidhing kagustuhan ng sambayanan na litisin si Sara at panagutin siya sa pagnanakaw at pagwawaldas ng pondo na dapat pinakikinabangan ng sektor ng edukasyon at iba pang batayang serbisyo at […]
Pinakamataas na pagpupugay at pagdakila ang iginagawad ng NDFP-ST kay Luis “Ka Louie” Jalandoni, internasyunal na kinatawan ng NDFP at isa sa matatagal nang negosyador ng NDFP sa pakikipag-usapang pangkapayapaan sa reaksyunaryong GRP. Pumanaw siya noong Hunyo 7 dahil sa isang karamdaman sa edad na 90 sa Utrecht, The Netherlands, sa piling ng kanyang pamilya […]
Ipinaaabot ng NDF-Palawan, kasama ang lahat ng alyadong organisasyon nito laluna ang SUPOK (Rebolusyonaryong Organisasyon ng mga Katutubo ng Palawan), ang pinakamataas na pagkilala at pagpupugay kay Kasamang Louie Jalandoni. Lubos ang pagdadalamhati ng buong rebolusyonaryong kilusan sa probinsya sa pagpanaw ng isang matatag na tagapagtaguyod ng kapayapaan, huwarang rebolusyonaryo at tapat na lingkod ng […]
Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-127 na taon ng pag-deklara ng taksil na si Emilio Aguinaldo sa kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Espanyol habang buong lugod niyang pinapapasok ang imperyalismong US na nagpataw sa Pilipinas ng mas malupit at mapagsamantalang kolonyal na paghahari. Matapos ang ilang taong pagsasanay ng US sa mga lokal na naghaharing […]
Pinakamataas na pagpupugay ang ibinibigay ng NDF-Mindoro at ng mamamayang Mindoreño kay Ka Luis Jalandoni—isa sa mga haligi ng pambansa demokratikong rebolusyon—para sa buhay na kanyang inialay sa paglilingkod sa sambayanan at kanilang mithiin para sa katarungan, kalayaan, demokrasya at kapayapaan. Ipinanganak si Ka Louie noong Pebrero 26, 1935 sa pamilya ng mga malaking panginoong […]
The National Democratic Front of the Philippines in Laguna, along with all revolutionary forces in the province, give our highest salute to comrade Luis Jalandoni, internationalist and revolutionary. We grieve with all those saddened by the loss of a stalwart of the Philippine revolution and a true comrade to all proletarians worldwide. In his life, […]
Sa pagpanaw ni Ka Louie Jalandoni ngayong Hunyo 7, 2025 sa edad na 90, isang rebolusyonaryong haligi ang bumalik sa piling ng masa na kanyang buong-buhay na pinaglingkuran. Sa kanyang mga huling sandali, siya’y pinalilibutan ng mga kasama, pamilya, at ng diwang taglay ng isang mapanlikha, matatag, at tunay na bayani ng sambayanan. Ngunit hindi […]
Muling pinatunayan ng nagdaang eleksyon na kailanman ay wala tayong aasahan na matapat, malinis at tunay na demokrasya’t kasarinlan sa isang reaksyunaryong halalan. Sagad ang pagiging bulok at mapanlinlang ng aparatong ito ng mga naghaharing uri upang tabingan ng demokrasya ang kanilang mala-kolonyal at mala-pyudal na paghahari at mapanatili ang kanilang poder sa dikta ng […]
Bitbit ang panawagang “rebolusyon hindi eleksyon,” mapangahas na pinintahan ng mga rebolusyonaryong kabataan ng KM-Dani Lagrama ang mga pader sa lalawigan ng Quezon. Giit nila, ang eleksyon sa ilalim ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan ay laro lamang ng iilang mga naghaharing uri tulad ng pangkating Marcos at Duterte upang ipangalandakan ang huwad na demokrasya. […]
Mariing kinukundena ng rebolusyonaryong kilusan, kaisa ng mamamayang Palaweño, ang pinatitinding panggigipit at mga paglabag sa karapatang tao ng mga katutubo at residente sa isla ng Sitio Mariahangin, Bugsuk, Palawan. Dapat paigtingin ng mga residente ng Mariahangin ang kanilang pakikibaka laban sa okupasyon at pangangamkam ng lupa kasabay ng lumalalang pang-aatake ng San Miguel Corporation […]