Nananatiling hamon sa sambayanang Pilipino ang patuloy na paggunita sa Hunyo 12 bilang Araw ng huwad na Kalayaan ng Pilipinas. 125 taon na ang nakakaraan mula nang sinaklot ang bansa ng imperyalistang US, kakutsaba ang mga lokal na naghaharing-uring malalaking panginoong maylupa (PML) at bagong litaw na mga burukrata ng bagong tatag na republikang Pilipino. […]
Kinukondena ng NDFP – Mindoro ang patuloy na panggigipit kina Mary Joyce Lizada at Arnulfo “Ompong” Aumentado, mga volunteers ng grupong Bigkis at Lakas ng Katutubo sa Timog Katagalugan (BALATIK), at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo sa isla ng Mindoro. Iligal silang dinakip at inaresto noong Abril 26, higit isang buwan na ang nakakaraan, […]
Nag-trend sa social media ang post ni Bb. Karla Estrada sa Instagram noong Hunyo 7 kung saan nagkamali siyang gamitin ang awiting “Ang Bagong Hukbong Bayan” na anthem ng New People’s Army (NPA) bilang background music ng kanyang video reel. Sa kanyang video reel, ipinakita ang mga larawan ng kanyang pagpasok sa Philippine Army bilang […]
Tulad ng mga huwad na reporma sa lupa ng lahat ng rehimen, walang makabuluhang reporma sa lupa ang nakamit ng mga magsasaka sa 26 taong pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) mula noong 1988 sa ilalim ng rehimeng US-Corazon Aquino hanggang magtapos ito noong 2014. Hindi kailanman tinugunan ng mga batas sa huwad na […]
Kinikilala natin ang buwan ng Hunyo bilang Pride Month, o buwan ng pagtangi sa pagkakilanlan sa mga bakla, lesbyana, bisexual, transgender, at iba pang identidad sa bandila ng LGBTQ+. Hunyo 28, 1969 nangyari ang Stonewall Riots — isang serye ng aksyong masa na pinangunahan ng LGBTQ+ laban sa matinding diskriminasyon at panunupil na ginawa ng […]
Nananawagan ang NDFP-ST sa mamamayang Pilipino na ubos-kayang labanan at igiit ang pagbabasura ng pakana ng ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte na gawing ligal ang pagnanakaw nito sa pera ng bayan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF) na mas dapat tawaging Marcos Investment Fund. Nakagagalit ang pagmamadali ng dalawang kapulungan ng Kongreso na ipasa ang nasabing […]
Nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa panawagan ng mga katutubong Palaw’an at mamamayan ng Brooke’s Point na suportahan ang kanilang makatwirang laban sa mapaminsalang proyektong naninira sa kanilang kalikasan. Malinaw sa apela ng Palaw’an Cultural Community at Mga Kalebonan Et Bicamm ang kanilang mga reklamo — ang pangwawasak ng kumpanyang Ipilan Nickel […]
Nakikiisa ang NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan sa welga ng mga manggagawa ng Wyeth Nutrition Philippines laban sa biglaang pagtatanggal sa 140 manggagawa, kabilang ang 125 mababang empleyado, 14 supervisor at isang manager. Makatarungan ang pakikibaka ng mga manggagawa laban sa iligal na tanggalan, para sa kanilang karapatan at regularisasyon sa gitna ng labis […]
Kagalang-galang na Atty. Dennis Mosquera Regional Director CHR MIMAROPA Mainit at mapagpalayang pagbati! Kaisa ang NDFP-Mindoro, sampu ng mga alyadong rebolusyonaryong organisasyon nito, sa adhikain at mandato ng inyong ahensya para sa proteksyon ng karapatang pantao na nilalaman ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas at sa mga kaukulang batas, patakaran at programa sa […]
Dapat na maging alerto ang mamamayang Mindoreño sa nakaambang proyekto ng inutil na rehimeng US-Marcos II sa isla. Kamakailan lang ay ipinagmalaki ni Marcos ang plano ng NuScale Power Corporation, isang kumpanyang nagpoprodyus ng small modular reactor (SMR) o maliliit na plantang nukleyar na pinopondohan ng gubyernong US, para di umano magsuplay ng dagdag kuryente […]