Archive of NDF-Southern Tagalog

Puspusang labanan ang panunupil ng estado! Makibaka, huwag matakot!
May 20, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kailangang maghanda ang lahat ng nakikibakang mamamayan sa nagbabadyang pinabangis na pang-aatake ng estado sa demokratikong karapatan at mga batayang kalayaan sa tabing ng kontra-insurhensyang gera. Malinaw ang bantang ito sa pinakahuling pahayag ng ultra-Kanang pasista at National Security Adviser na si Eduardo Año kung saan muling malisyosong binansagan na prente ng CPP-NPA-NDFP ang mga […]

Pagwawalambisa sa moratorium ng pagmimina sa Occidental Mindoro, malaking banta sa buhay ng mga Mindoreño!
May 18, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng rebolusyonaryong mamamayan, kasama ang mga mamamayan sa Mindoro ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapawalambisa sa moratoryum sa pagmimina sa prubinsya ng Occidental Mindoro na nagbabawal sa malakihang pagmimina. Ito ay matapos maghain ng petisyon sa Korte Suprema at kwestyunin ng Agusan Petroleum and Mineral Corporation, isang subsidiyaryo ng San Miguel Corporation […]

Tanging nasa armadong rebolusyon ang pag-asa ng mamamayan para sa tunay na pagbabago!
May 17, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Sa paglabas ng resulta ng Halalan 2025, tumatambad ang kabulukan ng sistemang pampulitika sa Pilipinas at lahat ng “demokratikong” palamuti nito, laluna ang huwad na prosesong elektoral. Naiulat sa maraming lugar sa bansa ang maraming anomalya sa mismong araw ng halalan kabilang ang pamimili ng boto, red tagging, presensya ng mga pulis sa mga presinto […]

Bagong AFP Strategic Command: Instrumento ng gera at pangyuyurak sa pambansang soberanya
May 17, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Tahasang pangyuyurak sa pambansang soberanya ng bayan ang nakatakdang pagbubuo ng rehimeng US-Marcos II ng bagong AFP Strategic Command sa taong ito. Pinalalabas itong gagamitin sa pagdepensa ng Pilipinas ngunit ito ay pangangayupapa sa imperyalismong US. Dagdag kadena itong gagamitin ng US para kaladkarin ang Pilipinas sa gerang niluluto laban sa China. Ang AFP Strategic […]

Labanan ang mga bulok na dinastiya ng mga burukrata kapitalista sa probinsya! Isulong ang rebolusyon bilang tunay na solusyon sa kahirapan ng mamamayang Palaweño!
May 11, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Sa panahon ng reaksyunaryong eleksyon, nasasaksihan ng sambayanang Pilipino ang paligsahan para sa kapangyarihan ng mga nagriribalang paksyon ng mga naghaharing-uri. Mistulang mga bwitre ang mga burukrata kapitalista na nagpipista at nag-aagawan sa salapi at poder na mapipiga mula sa nagnanaknak na malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino. Sukang-suka na ang mamamayang Palaweño sa pagpapabaha […]

Ibangon at palakasin ang kilusang paggawa! Makibaka para sa nakabubuhay at makatarungang sahod, disenteng trabaho at makataong kundisyon sa paggawa!
May 01, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Taas-kamao at rebolusyonaryong pagbati ang ipinaabot ng nakikibakang mamamayan ng Mindoro sa lahat ng manggagawa sa buong daigdig sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa! Sa buong daigdig, ang Araw ng Paggawa ay panawagan para sa militanteng pagkilos laban sa makauring pagsasamantala. Ang makasaysayang pagkilos ng mga manggagawa para sa makatarungang sahod at makataong kundisyon […]

Mamamayang Palaweño, palakasin at palawakin ang NDF at isulong ang demokratikong rebolusyong bayan laban sa imperyalismong US at lokal na naghaharing-uri!
May 01, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Sama-sama at lubos na kasiyahan nating ipinagdiriwang ang ika-52 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines. Itinatanghal natin at ipinagbubunyi ang mga nakamit na tagumpay ng NDF sa mahigit limang dekadang pagbubuklod sa sambayanang Pilipino laban sa imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Mula nang itatag ang NDFP noong Abril 24, 1973, gumampan ito […]

Magsasaka sa Rizal, dinukot ng ilang oras ng 80th IB
April 29, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Rizal | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Rizal |

Desperadong-desperado na ang 80th IB na matugis ang NPA-Rizal sa ilalim ng Narciso Antazo-Aramil Command, sukdulang dukutin ang isang magsasaka sa Tanay, Rizal. Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamang kinuha ng mga militar si Jonathan del Castello, 24 taong gulang na naninirahan sa Sityo Saksak, Barangay Madilay-dilay ng Tanay. Nangyari ang pagdukot noong Abril […]

Ika-52 Anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP): Patuloy na Laban ng Kabataan para sa Kalayaan at Katarungan
April 28, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Kabataang Makabayan-Southern Tagalog | Karina Mabini | Spokesperson |

Sa ika-52 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), muling binibigyang-diin ng Kabataang Makabayan-Timog Katagalugan ang kahalagahan ng kilusang rebolusyonaryo sa pagsusulong ng pambansang-demokratikong rebolusyon laban sa imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo. Sa kabila ng mga patuloy na hamon at pagsubok, patuloy ang ating pakikibaka na naglalayong makamtan ang kalayaan, katarungan, at panlipunang pagbabago—mga […]

Ipagbunyi ang Ika-52 Taon ng Pagkakatatag ng NDFP! Palagablabin ang Sulo ng Demokratikong Rebolusyong Bayan sa Buong Kapuluan hanggang sa Tagumpay!
April 24, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Walang pagsidlan ng kagalakang ipinagbubunyi natin ang ika-52 taong pagkakatatag ng NDFP bilang pinakakonsolidadong bag-as ng pambansang nagkakaisang prente. Sapul nang pagkakatatag nito, masugid at konsistente nitong pinukaw at pinakilos ang lumalawak na hanay ng sambayanang Pilipino na lumalaban sa paghahari ng imperyalismong US, pyudalismo, at burukratang kapitalismo sa Pilipinas. Mula nang pinasimulan ang mga […]