Archive of NDF-Southern Tagalog

Magbigkis at lumaban! Pag-alabin ang mga pakikibaka para sa trabaho, sahod, karapatan at hustisyang panlipunan!
May 01, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Taas-kamaong pagbati ang ipinaaabot ng NDFP-ST sa manggagawang Pilipino sa okasyon ng ika-118 Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Sa harap ng panunupil ng rehimeng US-Duterte at pandemya, kapuri-puri ang kanilang pagpupursige na isulong ang kahilingan para sa disenteng trabaho, nakabubuhay na sahod, ayuda, karapatan at kagalingan para sa buong bayan. Nagpupugay ang NDFP-ST sa mga lider-manggagawa […]

Manggagawang Pilipino, Ibayong Magkaisa! Ipaglaban ang kabuhayan at karapatan sa gitna ng pananalasa ng pandemyang COVID-19 at ng terorismo ng estado! Ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte!
May 01, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Ngayong Mayo 1, 2021, pinakamahigpit na pakikiisa ang ipinapaabot ng Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU-NDF-ST) sa lahat ng mga manggagawang Pilipino at mamamayan sa paggunita at pagdiriwang sa makasaysayang Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Ipinagbubunyi ngayon sa iba’t ibang panig ng daigdig ng uring manggagawa at buong uring anakpawis ang makasaysayang pagkakaisa at pagkilos ng […]

Paglaban ng mamamayan ng Rizal, rumaragasang tubig na hindi mapipigilan ng rehimeng US-Duterte
April 27, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Rizal | Arman Guerrero | Spokesperson |

Sa kabila ng mga pahayag ni Duterte sa kawalang pag-asa na masugpo ang pandemyang COVID 19 at hintayin na lamang ng mga Pilipino ang unti-unting nilang pagkamatay, pinatunayan ng mamamayan ang lakas ng kanilang pagkakaisa sa pagtugon sa krisis dulot ng pandemya. Kahanga-hanga ang inisyatiba at kolektibong pagtutulungan ng mga indibidwal at mga organisasyon sa […]

Mamamayan ng Rizal, singilin ang P20 milyong pondo ng NTF-ELCAC
April 25, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Rizal | Arman Guerrero | Spokesperson |

Puno ng kasinungalingan ang pahayag na ibinubuga ni Antonio Parlade Jr. ng NTF-ELCAC na pinakikinabangan ng mamamayan ang P19B pondo ng NTF-ELCAC sa pamamagitan ng Barangay Development Program (BDP) nitong P20M. Makapal ang mukha ni Parlade na pinangangalandakan na may P 20 milyong pondo na gagamitin para sa pagpapaunlad ng mga baryong tinatakan nilang “cleared […]

Pondo ng NTF-ELCAC, panustos sa panunupil sa Kadumagetan
April 25, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | KADUMAGETAN | Nicanor 'Ka Kano' Nakar | Spokesperson |

Bumubula na naman ang bibig ni Antonio Parlade Jr. sa pagsasabing inilalaan ang malaking bahagi ng pondo ng NTF-ELCAC sa Barangay Development Program nito na nagbibigay umano ng P20 milyon para sa mga proyektong pangkaunlaran sa bawat “cleared barangay.” Pinangalanan pa nito ang Brgy. Puray, Rodriguez at Brgy. Sta. Inez, Tanay sa Rizal at mga […]

Pambansa-demokratikong rebolusyon ang sagot sa tumitinding kagutuman at kahirapang nararanasan ng mga manggagawa at sambayanang Pilipino! Wakasan na ang rehimeng US-Duterte!
April 24, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Kasama ng buong hanay ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan, ang Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU-NDFP-ST), ay nagpapaabot ng Pulang Saludo at taas kamaong pagbati sa ika-48 taong anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at sa libu-libong kasapian ng mga lihim na organisasyong masa. Binabati din natin ang mga kinatawan ng […]

Bayan Magkaisa! Ipagtanggol ang mga Community Pantry!
April 21, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kailangang magkaisa ang mamamayan at ipagtanggol ang mga community pantry laban sa malisyosong paninira, panggigipit at red-tagging ng NTF-ELCAC, AFP, PNP at ng mga bayarang troll armies ni Duterte. Labis ang pagkatakot ng rehimen at mga alagad nito sa NTF-ELCAC, PNP at AFP sa ipinamamalas na pagkakaisa, pagsasama-sama at pagdadamayan ng mamamayan na kahit ang […]

Tutulan at labanan ang malawakang red-tagging ng rehimeng Duterte!
April 20, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinokondena ng NDFP-ST ang tumitinding red-tagging at sunud-sunod na mga atake ng rehimeng Duterte sa mamamayan. Mula sa mga aktibista, oposisyon, kritiko ng rehimen at maging mga artista, humantong na rin ang gubyernong Duterte sa pang-re-red-tag ng mga guro, abugado, manggagawang pangkalusugan at mga kawani ng gubyerno. Dapat i-kriminalisa ang red-tagging at parusahan ang […]

Tugon ng rehimeng Duterte sa COVID-19, bigo! Panahon nang isulong ang rebolusyonaryong programa sa kalusugan!
April 14, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Bigo ang husga ng bayan sa tugon ng rehimeng Duterte sa COVID-19! Ngayong Abril 13, 2021, umabot na sa 15,286 ang namatay, 884,783 ang naimpeksyon at wala pa sa 1% ng populasyon ang nabakunahan. Pangalawa ang Pilipinas, sunod sa Indonesia, sa may pinakamaraming kaso ng Covid-19 sa Timog-silangang Asya. Apaw na ang mga ospital at […]

Magkaisa at labanan ang lantarang agresyon ng bansang China sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea!
April 09, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinokondena ng NDFP-ST ang karuwagan at kawalan ng kongkretong aksyon ng gubyernong Duterte sa harap ng lantarang panghihimasok at paglapastangan ng bansang China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Umaasa na lang ang gubyernong Duterte sa kinagawian nitong paghahain ng “walang ngiping” diplomatic protest sa pag-aakalang sa pamamagitan nito ay kusang […]