“Katapangan hanggang huling hininga ang bumubuhay sa isang martir lagpas sa kanyang kamatayan.” – Ka Joma Sison Ngayong undas, pinakamataas na pagkilala at pagpupugay ang iniaalay ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid – Batangas sa lahat ng rebolusyonaryong martir ng probinsya at ng sambayanang Pilipino! Ginugunita natin ngayong araw ang makasaysayan at makabuluhang ambag ng […]
Kasuklam-suklam ang US sa lantarang paghadlang sa pagpapasok ng humanitarian aid para sa mamamayang Palestino habang tuluy-tuloy na sinusuportahan ang Zionistang Israel ng armas at rekurso sa gitna ng nagaganap na gerang Israel-Palestino. Sa kapinsalaan ng sanlibutan, hinihila ng US ang mga mamamayan ng daigdig sa paghahasik ng gera sa iba’t ibang sulok ng mundo […]
“Aba, dapat lang! Sa mga NPA, may nasugatan ba?” Walang pagsidlan ang tuwa at bilib ng mga magsasakang Batangueño matapos mabalitaang binigwasan ng mga Pulang mandirigma ng Eduardo Dagli Command-Bagong Hukbong Bayan ang nag-ooperasyong iskwad ng 59th IBPA nitong ika-16 ng Oktubre at ang kanilang aktibong depensa sa isang labanan noong ika-15 kapwa sa Barangay […]
Ngayong Buwan ng Magsasaka, pinagpupugayan ng NDFP-ST ang mga magsasaka na pangunahing pwersa sa produksyon ng bayan at pangunahing pwersa din ng rebolusyong Pilipino. Isinusulong ng NDFP-ST ang makatarungang pakikibaka ng mga magsasaka para sa lupa, kabuhayan at karapatan sa gitna ng pang-aatake sa magsasaka at pag-aabandona ng estado sa agrikultura. Napapanahon na ipamalas ng […]
Ngayong Oktubre, buwan ng mga Magsasaka, dinadakila ng National Democratic Front-Palawan ang malawak na hanay ng uring magsasaka kabilang ang mga manggagawang bukid at mga mangingisda sa probinsya at buong bansa. Dapat itanghal ang kanilang kabayanihan sa araw-araw nilang pagpapagod at pagpapakasakit, katuwang ang uring manggagawa, upang pakainin ang buong lipunan sa harap ng sukdulang […]
Pinagpupugayan ng National Democratic Front of the Philippines-Batangas ang mamamayang Palestino sa kanilang papalakas na armadong paglaban para muling mapasakanila ang lupang sinakop ng Zionistang Israel na siyang pwersahang nagpalayas at patuloy na kumikitil ng buhay ng libu-libong Palestino. Nakikiisa ang NDFP-Batangas at ang mga kaalyadong organisasyon nito sa lahat ng mamamayan, mga rebolusyonaryo at […]
Ngayon Buwan ng mga Pesante, iginagawad natin ang pinakamataas na pagkilala at pagpupugay sa lahat ng magbubukid sa buong bayan–ang pangunahing pwersa sa produksyon! Ipinapaabot din natin ang Pulang pagsaludo sa lahat ng Pulang kumander at mandirigma, at lahat ng kalahok sa demokratikong rebolusyong bayan na nagmula sa uring magsasaka. Kaalinsabay nito, ipinatatampok din natin […]
Habang walang ilusyong maghahatid ng makabuluhang pagbabago ang reaksyunaryong eleksyon sa bansa, nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa galit ng taumbayan sa lansakang pandaraya sa nakalipas na eleksyong 2022 na nagluklok ng pinakamasasamang angkan ng Marcos at Duterte sa tuktok ng estado-poder ng lipunang malakolonyal at malapyudal. Tulad ng isda na nahuhuli […]
Daig pa ang pulubing nang-aamot ng limos, walang kahihiyang isinasangkalan ng rehimeng US-Marcos II at mga galamay nito ang dumadausdos na ekonomya upang magganyak sa mga dayuhang korporasyon sa mina na mamuhunan sa bansa. Para tugunan ang makaisang-panig na neoliberal na polisiyang ipinapataw sa mga atrasadong bayan tulad ng Pilipinas, nagpahayag ang Foreign Affairs Secretary […]
Buhol-buhol ang dila at sinungaling si BGen. Cabangbang sa panibagong palabas niyang hindi pagdukot ang ginawa ng 203rd Brigade (Bde) kina Job Abednego David, Peter Del Monte, at Alia Encelo. Sa katunayan iligal na inaresto ng pasistang 203rd Bde sa Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong Setyembre 19 at noong Octubre 4 lamang nila inamin […]