Wala pang dalawang linggo matapos ang pagkamatay ng isang residente sa Antipolo dulot ng landslide, dalawa na namang residente ng Rizal ang natagpuang patay noong Martes, Hulyo 25, matapos malunod sa baha dulot ng Bagyong Egay. Nakikiramay ang NDF-Rizal sa mga pamilya ng mga biktima. Natagpuang patay si Adelfa Escolano, 71, sa Brgy, Iglesia, Cardona […]
Isang taon na mula nang nakawin ang eleksyon, isang taon na ring niloloko ni Marcos Jr. ang taumbayan. Habang lantarang dumadausdos ang kabuhayan ng kalakhan ng mamamayang Pilipino, ipinipinta pa rin niya ang imahe ng kaunlaran sa ilalim ng unang taon ng kanyang panunungkulan bilang pangulo ng bansa. Isa sa ipinagmalaki ni Marcos Jr. ay […]
Ikinagagalit ng mga katutubong Mangyan at sambayanang Mindoreño ang walang tigil na mga operasyong militar ng 203rd Bde-PNP-MIMAROPA sa kanilang mga pamayanan at ang kaakibat nitong mga kaso ng karahasang militar sa mga sibilyan sa isla ng Mindoro. Sa ngalan ng kontra-insurhensya, mga sibilyan ang pangunahing biktima ng mapaminsalang operasyong FMO at RCSPO ng mga […]
Lubhang pang-iinsulto sa sambayanan ang pagdiriwang ni Ferdinand Marcos Jr habang pinipirmahan ang batas na lilikha sa Maharlika Investment Fund (MIF). Napakalaking kataksilan ng pagsasabatas nito sa gitna ng malakas at malawak na oposisyon ng taumbayan. Nakagagalit na inuna pa ito ng gahamang Marcos sa gitna ng mga kalamidad at krisis na bumabayo sa sambayanan. […]
Mariing nananawagan ang NDFP-ST ng hustisya sa unang taong paggunita sa pagpaslang ng 59th IB sa 9-taong gulang na si Kyllene Casao at magsasakang si Maximino Digno sa Batangas. Napakalaking sugat ang iniwan ng krimen na ito sa mamamayan ng Timog Katagalugan, lalo sa kanilang mga naulilang pamilya at komunidad. Hindi ito magsisimulang maghilom hangga’t […]
Ang naganap na landslide kahapon, Hunyo 17, sa Barangay Sta Cruz, Antipolo City ay patunay ng lumalalang krisis sa klima bunsod ng mapangwasak na aktibidad ng mga korporasyon ng mga monopolyo kapitalistang dayuhan, malalaking burgesya-kumprador at uring panginoong maylupa. Patanaw ang insidente sa maaaring kahinatnan ng mga barangay sa pagtatayo ng Wawa-Violago Dam. Kinitil ng […]
Isinara ng Youtube at Tiktok nitong Hunyo 21 at Hulyo 3 ang dalawang account ni Apollo Quiboloy. Si Quiboloy ay sangkot sa karimarimarin na mga kaso na iniimbestigahan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa US. Noong Nobyembre 10, 2021, naglabas ang FBI ng warrant of arrest para kay Quiboloy sa mga kasong smuggling, sex […]
Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Romblon sa nakamit nilang writ of kalikasan, isang tagumpay sa korte at dagdag balakid sa pagbabalik operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation sa isla ng Sibuyan. Ang positibong tugon ng Supreme Court (SC) sa petisyon ng mga taga-Romblon para sa writ of kalikasan ay resulta ng determinadong paglaban ng […]
Sa unang taon ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II, ibayong kahirapan ang dinanas ng mamamayang Palaweño sa higit na paglala ng pamalagiang krisis ng sistemang malakolonyal at malapyudal ng Pilipinas. Dahil dito, hinahatulan ng buong rebolusyonaryong kilusan sa Palawan ang unang taon ng panunungkulan ng rehimeng US-Marcos II na bigo sa paglilingkod para sa kagalingan, kabuhayan […]
Nakikiisa ang NDFP-ST sa lahat ng bakla, lesbiyana, bisekswal, transgender, iba pang may piniling kasarian at kasapi ng LGBTQ+ community ngayong Pride Month upang kilalanin at igiit ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa bansa. Ang pakikibaka rito ay hindi nahihiwalay sa pakikibaka ng mamamayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Sa okasyong ito, binibigyang pugay […]