Archive of NDF-Southern Tagalog

Digmang Magsasaka Tanging Landas para sa Pamabansang Paglaya
March 29, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Southern Tagalog | Eduardo Labrador | Spokesperson |

Bago pa man pumutok at rumagasa ang mas masahol na krisis sa ekonomiya bunsod ng imperyalistang agresyon ng US sa mga bansang Venezuela at Iran nitong unang kwarto ng taong 2026 ay sukò na sa langit ang kahirapang dinaranas nang mamamayang pilipino. ‘Di mapigil na lingguhang pag-taas ng langis, krudo at gasul; kaliwa’t kanang kumbersyon […]

Bikas ng Pahimakas ni RA Santiago
March 28, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Southern Tagalog (Balangay Racquel Aumentado) |

Si Arante-Isita ay namartir, kasama ang dalawang iba pang Pulang mandirigma, sa Barangay Elvita (Tubahan), Rosario, Batangas noong Marso 26, 2024. Siya ay tubong Lipa City, Batangas at mula sa uring petiburgesya. Isa siyang mahusay na manunulat at makata.

Pag-ibayuhin ang pambansa-demokratikong pakikibaka sa gitna ng lumalalang kawalan ng trabaho, implasyon at oil price hike
March 21, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mataas na ang presyo ng bilihin, wala pang trabaho, o di kaya, kulang ang sahod o kita. Ito ang problemang kinakaharap ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng rehimeng US-Marcos II pagpasok ng 2026. Higit pa itong titindi sa gitna ng kahingiang tustusan ang pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino sa pagsirit ng presyo ng mga bilihin […]

Mga Marcos, coco levy fund scammer at magnanakaw, panagutin!
March 21, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog ang pagpanig ng Sandiganbayan sa naghaharing burukrata kapitalista, magnanakaw at mandarambong sa pagbinbin ng kaso ng pangungulimbat at pagpapasasa sa coco levy fund ng mga Marcos para lamang ibasura ito sa palusot na “inordinate delay” noong Marso 19. Nauna nang ibinasura ng Korte Suprema ang […]

Militar sa Barangay Panaytayan, salot sa mamamayan!
March 21, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Walang tigil at tuluy-tuloy na pagpapahirap sa mga mamamayan ng Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro ang pagkakampo at sustenidong operasyon ng militar sa buong saklaw ng barangay. Mula 2018 ay pinatindi ang atake ng 203rd Bde Philippine Army at PNP MIMAROPA na sumalanta sa buhay at kabuhayan ng mga katutubong Hanunuo-Mangyan sa lugar. Mula nang […]

Sustenidong operasyong militar dagdag pahirap sa mamamayan ng Bulalacao
March 21, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Pabigat sa dati nang hirap na pamumuhay ang hatid ng di-naglulubay at sustenidong operasyong militar ng 203rd Brigade-PNP MIMAROPA sa mamamayan ng Bulalacao at kanugnog barangay sa bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro. Mula Enero lamang, sinaklaw na ng mapanalasang operasyong militar ang kabuuang 43 sityo sa mga barangay ng San Roque, San Juan, Nasukob, Benli […]

Mamamayan ng TK, magkaisa, makibaka laban sa krisis, kahirapang hatid ng rehimeng US-Marcos II
March 16, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Tila isang kumukulong bulkan ang kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas hatid ng pahirap na neoliberal na patakaran ng estado na ipinataw ng imperyalismo. Sumambulat ngayong Marso ang pagsirit ng presyo ng langis na ibinunsod ng ipinutok na gera ng US-Israel laban sa Iran sa Middle East. Nasa kabilang dulo man ng Asya ang Pilipinas, ngunit ramdam […]

Kababaihang Mindoreño, makibaka laban sa sumasahol na pagsasamantala at pang-aapi ng rehimeng US-Marcos II
March 16, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis, nararapat lamang na kilalanin ang napakalaking papel ng kababaihan sa lipunan at sa rebolusyong Pilipino. Bilang magsasaka, manggagawa, kabataan at estudyante, propesyunal at maliliit na negosyante lumalaki ang papel nila sa produksyon at buhay panlipunan subalit pinapasan ng kababaihan ang higit na pagsasamantala at kaapihan ng kanilang […]

Makibaka para pangalagaan ang mga ilog, ipaglaban ang lupaing ninuno at kabuhayan
March 14, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDFP-ST sa pakikibaka ng mga mamamayan ng mundo sa araw ng Marso 14 bilang Pandaigdigang Araw ng Pagkilos para sa mga Ilog upang pangalagaan ang kalikasan, buhay at kinabukasan ng mga mamamayan laban sa pangwawasak at pandarambong ng imperyalismo at mga kasabwat nitong lokal na burukrata. Ang Pandaigdigang Araw ng pagkilos para sa […]

Makauring digma ang wawakas sa pang-aapi't pagsasamantala sa kababaihan at lahat ng mamamayan ng daigdig
March 08, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Pinagpupugayan ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog ang lahat ng kababaihan sa dagidig, laluna ang kababaihang anakpawis na nakikibaka para sa tunay na kalayaan at demokrasya ngayong Pangdaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis. Gunitain natin ang makasaysayang araw na ito sa higit pang pag-aalab ng ating rebolusyonaryong diwa. Patuloy nating isulong ang demokratikong rebolusyong […]