Archive of NDF-Southern Tagalog

Ipagtanggol ang kalayaan at karapatan! Buwagin ang NTF-ELCAC!
February 07, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ikinagagalak ng NDFP-ST ang rekomendasyon ni UN Special Rapporteur (SR) on Free Expression and Opinion Irene Khan na pagbuwag sa NTF-ELCAC at pagbubuo ng patakaran kontra red-tagging matapos ang kanyang 10-araw na bisita sa bansa. Higit nitong palalakasin ang lehitimong panawagan mula sa mga progresibo at mga organisasyong nagtatanggol sa karapatan at kalayaan ng mamamayang […]

Labanan ang makadayuhan at anti-mamamayang Cha-Cha at huwad na People's Initiative! Isulong ang tunay at makabuluhang interes ng mamamayang Pilipino!
February 05, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Batangas | Gliceria Marella Rosal | Spokesperson |

Umabot na sa Batangas ang “people’s initiative” na binabalahura at ginagamit ngayon ng mga alipores ni Marcos Jr upang baguhin ang konstitusyon ng papet na Republika ng Pilipinas. Sa halip na matapat na paliwanagan hinggil sa tunay na layunin ng papeles na pinapipirmahan, tinatakot o di kaya’y nililinlang ang mamamayan sa pagsasabing para ito sa […]

Panlilinlang at panlalason ng 59th IBPA sa mga unibersidad at kolehiyo sa Batangas, tungkuling labanan ng laksa-laksang kabataan at estudyante
February 05, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Kabataang Makabayan-Batangas | Edrian Hernandez | Spokesperson |

Sa desperado nitong panaginip na wakasan ang rebolusyonaryong kilusan at pigilan ang pagkamulat ng mga kabataan, di-mabilang na ulit na tinangkang linlangin ng 59th IBPA, AFP-PNP at NTF-ELCAC ang libu-libong estudyante sa porma ng mga ‘symposium’ sa iba’t-ibang kolehiyo at pamantasan sa lalawigan ng Batangas. Ilan lamang dito ang Batangas State University, TUP Batangas, PUP […]

Opisyal na pahayag sa unang taong pag-alaala sa pag-aalay ng buhay ni Kasamang Dani “Ka Karen” Lagrama
January 29, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Quezon | Kabataang Makabayan-Quezon | Ka Abet Peninsula | Spokesperson |

Sa kabila ng mga internal na balakid at banta ng pasistang estado ngayong taon, mapagpasya itong hinaharap ng mga kabataan at estudyante ng lalawigan ng Quezon para patuloy na palakasin ang pag-alab ng dekadang pagsusulong ng pambansang demokratikong rebolusyon. Taas kamaong binabati ng Kabataang Makabayan-Balangay Dani Lagrama (KM-DL) ang pinakamamahal nating Partido Komunista ng Pilipinas […]

Labanan ang inhustisya at pangangamkam ng lupa, isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon
January 28, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ginugunita ng NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan ang Mendiola Massacre noong Enero 22, 1987. Iniresulta ng masaker ang 13 magsasakang patay at higit 60 sugatan sa isang protesta para igiit ang lupa, karapatan at hustisya sa ilalim ng rehimeng US-Aquino I. Muling inaalaala at binibigyang pugay ng NDFP-ST at mamamayan ng TK ang mga […]

Kasarinlan at karapatan, lupa at kabuhayan, hindi chacha!
January 28, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDFP-Palawan, kaisa ng malawak na hanay ng mamamayang Palaweño, ang ginagawang pagraratsada ng rehimeng US-Marcos II na baguhin ang Konstitusyong 1987. Sa gitna ng krisis pang-ekonomya na nagdulot ng ibayong kahirapan at pagdurusa ng mamamayan, sukdulan ang pagpapauna sa makitid na makauring interes ng malalaking burgesya kumprador, panginoong maylupa at pangangayupapa sa […]

Digmang bayan ang tanging daan sa pagkamit ng hustisya sa mga biktima ng Mendiola Masaker
January 22, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Southern Tagalog | Eduardo Labrador | Spokesperson |

Sa ika-2 ng Enero, 37 taon, pampitong rehimen ang ilehitimong administrasyon ni Marcos Jr, wala pa ring natatamong hustisya ang 13 biktimang magbubukid ng karumal dumal na masaker sa paanan ng Mendiola. Malinaw ang may sala, ang militar at Philippine Constabulary o PC. Walang sinuman ang naparusahan. Larawan ito ng kabulukan at umaalingasaw na reaksonaryong […]

Masaker sa Mendiola, simbolo ng kawalang-hustisya para sa masang magsasaka
January 22, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Batangas | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Batangas |

Tatlompu’t pitong taon na ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa alaala ng maraming Pilipino ang Mendiola Masaker—ang walang-habas na pagpaslang ng berdugong pulis at militar sa 13 magsasaka na nagkilos-protesta upang singilin ang rehimeng US-Cory sa pangako nitong repormang agraryo sa mga magbubukid. Sa halip na tugunan ang matagal nang panawagan ng karaniwang mamamayan […]

Demilitarisasyon sa West Philippine Sea, ngayon na!
January 21, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Marapat na patuloy na kundinahin at papanagutin ang imperyalismong US at China sa ginagawa nilang militarisasyon sa West Philippine Sea (WPS) dahil paglabag ito sa pambansang soberanya at integridad ng Pilipinas. Ang kanilang presensyang militar sa WPS ay nagsasapanganib sa buhay ng mamamayang Pilipino lalo’t umiigting ang tensyon ng dalawang imperyalista sa rehiyong Asia Pacific. […]

Tanging Digmang Bayan ang daan para sa pangmatagalan at makatarungang kapayapaan at hustisyang panlipunan
January 17, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Southern Tagalog | Eduardo Labrador | Spokesperson |

Katawa-tawa, makaisang panig at nagpakita ng sukdulang kamangmangan ang mga pahayag ng Asistant Director General na si Jonathan E. Malaya ng National Securty Council sa kanyang panayam sa isang burges, reaksyonaryo at komersyalisado na lokal na istasyon ng radyo/telibisyon sa bansa. Puno rin ng salamangka at paglulubid ng buhangin ang kanyang sinulat sa Rappler. Bentang […]