Dapat ilitaw at palayain ng AFP-PNP sina Ka Ed (Sonny Rogelio) at Ka Omeng (Sonny Sambutan), mga mandirigma ng Lucio de Guzman Command – NPA-Mindoro na nabihag ng 203rd Brigade at PNP-SAF matapos ang isang engkwentro noong Oktubre 17 sa Bongabong, Oriental Mindoro. Sugatan si Ka Ed at isang hors de combat o wala sa […]
Matagumpay na kinasahan ng aktibong depensa ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command-NPA Mindoro ang umaatakeng pwersa ng 76th IB sa ilalim ng 203rd Brigade sa Barangay Malu, Bansud, Oriental Mindoro kahapon, 16 Oktubre, ganap na ika-7:30 ng umaga. Napatay ang isang sundalo habang ligtas na nakaatras ang yunit ng Pulang Hukbo. Ang bigwas […]
Walang engkwentrong naganap sa Sityo Kulitob, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Oktubre 1. Sinungaling at desperado na ang 203rd Brigade sa kanilang pagpapakalat ng balita kaugnay sa engkwentrong naganap sa pagitan ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) at 4th Infantry Battalion (4IB) sa nasabing lugar. Sariling likhang […]
Matagumpay na isinagawa ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command-NPA-Mindoro (LDGC) ang punitibong aksyon laban sa quarry operation na pagmamay-ari ni Mayor Elgin Malaluan ng Bongabong, Oriental Mindoro. Naganap ang aksyong militar sa gitna ng Ilog Bongabong, Barangay Hagupit noong Setyembre 20, ganap na 03:30 ng hapon. Nagsisilbing mahigpit na babala ang aksyong militar […]
Sukdulan ang pagkundena ng Lucio De Guzman Command-NPA-Mindoro ang garapal na pakana ng rehimeng US-Marcos-Duterte na burahin ang kasaysayan ng pakikibaka ng mamamayan noong panahon ng Diktadurang Marcos. Kasuklam-suklam ang memorandum na inilabas ng Department of Education (DepEd) sa pangunguna ng berdugong si Sara Duterte na nagtatanggal sa salitang “Marcos” upang isalarawan ang Diktadurang Marcos […]
Pawang buladas lamang ang binanggit ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II na mga “tagumpay” sa kanyang ikalawang SONA. Tulad ng inaasahan, puros kahibangan at delusyon lang ang sinambit ng rehimen kaugnay sa tunay na kalagayan ng bansa. Bilang beteranong salamangkero, lumikha ito ng ilusyon na sa isang taon, naihatid ng kanyang rehimen ang pagbabago at kaunlaran […]
Bumubula ng kasinungalingan ang bibig ng 203rd Infantry Brigade (203rdBde) sa pamumuno ni BGen Randolph G. Cabangbang sa paghahabi ng kwento kaugnay sa matagumpay na ambus ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) noong Abril 25. Tinambangan ng isang yunit ng LDGC ang isang tim ng 4IB kung saan […]
Matagumpay na inambus ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) ang tatlo-kataong tim ng 4th IBPA sa Lipitan, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro sa ganap na ika 6:00 ng hapon ng Abril 25. Napatay si Pvt. Mayu-ay Onaw habang nakatakas ang dalawa niyang kasamahan. Nasamsam ang service firearm […]
Sa gitna ng dislokasyong nililikha ng oil spill sa Mindoro, kinokondena ng LDGC-NPA Mindoro ang makadayuhan at militaristang hakbanging ipinatutupad ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II sa kampanyang paglilinis at rehabilitasyon ng karagatan ng Oriental Mindoro dulot ng paglubog ng MT Princess Empress. Naging tuntungan ang oil spill upang tusong maipasok ang mga pwersang militar ng […]
Dalawang (2) pwersa ng Special Action Force (SAF) ng PNP-MIMAROPA ang nasawi matapos ang isinagawang aktibong depensa ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) laban sa isang kolum ng nakapokus na operasyon ng 10tn Special Action Force Battalion at 203rd Brigade sa Sitio Naksib, Brgy. Sta Cruz, bayan ng […]