Archive of NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command)

Hindi kaibigan ng mga Mindoreño at iba pang masang api ang uhaw-sa-gerang halimaw na imperyalistang US!
July 07, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Ngayong Hulyo 4, ipinagdidiwang ng papet na gubyerno ang Philippine-American Friendship Day. Taon-taong ginugunita ang okasyon ng paggawad ng US sa Pilipinas ng huwad na kalayaan at pagtatatag sa papet na republika noong Hulyo 4, 1946 bilang Araw ng Pagkakaibigan. 79 na taon mula nang itatag ng US ang Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP), […]

Puspusin ang kilusang pagwawasto! Palakasin ang BHB at muling pagsiglahin ang armadong pakikibaka sa Mindoro bilang ambag sa pambansang pagsulong at pagbigo sa kontra rebolusyonaryong digma ng Rehimeng US-Marcos II!
March 27, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Maalab na pagbati at pagpupugay ang ibinibigay ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro sa lahat ng magigiting na pulang kumander at mandirigma ng Lucio de Guzman Command, mga kasapi ng milisyang bayan, at mga kasapi ng yunit pananggol sa baryo sa ika 56 anibersayo ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan. Malaking sampal ngayon sa AFP-PNP […]

Para kay BGen. Melencio Ragudo at buong 203rd Brigade: Kailanma'y di magagapi ng inyong terorismo ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Mindoreño
March 26, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Pagkamuhi ng mamamayang Mindoreño, madugong rekord ng paglabag sa karapatang tao at kabiguan ng kontra-rebolusyonaryong digma laban sa nakikibakang Mindoreño: Ito ang kahiya-hiyang legasiyang minana ni Melencio Ragudo—ang pinakabagong punong kumander ng 203rd Infantry Brigade. Nitong Marso 15, sa isang seremonyang tiyak na pinagwaldasan ng pondo ng mamamayan, pormal na ipinasa kay Ragudo ang pamumuno […]

Pekeng balita ang pahayag ng 4th IBPA, 203rd IBde at 2nd IDPA na labanan sa sityo Cabuyao, Panaytayan, Mansalay noong Marso 14, 2025
March 19, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Mariing pinabubulaanan ng Lucio de Guzman Command ang kasinungalingang ipinagkakalat ng 2nd Infantry Division (2nd ID), 203rd Brigade, at 4th Infantry Batallion sa diumano’y naganap na engkwentro sa pagitan ng NPA at tropa ng 4th IBPA sa Sitio Cabuyao, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro nitong Marso 14. Sa naganap kunong labanan ay napatay ang isang […]

Teroristang walang habas na pambobomba at pamamaril laban sa katutubong Mangyan ang ginawa ng 203rd Bde!
March 02, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Tila mga asong nauulol ang mga berdugong sundalo ng 4th IBPA ng walang patumangga nilang pinagbabaril ang kaingin ng mga masa sa Sitio Lomboy, Barangay Panaytayan, Mansalay Oriental Mindoro kahapon Marso 1, 2025. Hindi pa nakuntento, bandang alas-2 ng hapon, agad nilang pinalipad ang dalawang helicopter ng 203rd Brigade upang magbagsak ng apat na bomba […]

Matagumpay na aktibong depensa laban sa 76th IBPA, tagumpay ng masang Mindoreño!
February 22, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Nagbubunyi ang masang Mindoreño sa aktibong pagdepensa at pagbigo ng isang yunit ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro sa pag-atake ng pasistang 76th IBPA, 203rd IBde. Noong Pebrero 19, nagkaroon ng labanan nang sugurin ng mga pasista ang pwesto ng isang yunit ng NPA na nagsasagawa ng pagsisiyasat sa kalagayan ng mga mangingisda sa naging […]

4th IBPA, bigo na namang lipulin ang isang yunit ng NPA Mindoro
February 19, 2025 | New People's Army | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Bigo ang sumalakay na yunit ng 4th IBPA na ubusin ang inistrike na yunit ng LdGC NPA Mindoro sa Sitio Balugo, Barangay Budburan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Pebrero 15. Magiting na lumaban ang mga Pulang mandirigma kaya’t nagawang pinsalain ang mga berdugo. Dalawang patay, kabilang ang kumander ng platun, at siyam ang sugatan sa hanay […]

Ipagbunyi ang pagbigo ng NPA-Mindoro sa pasistang pananalakay ng 203rd BDE!
February 12, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Taas kamaong pagpupugay ang ibinibigay ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-BHB Mindoro sa mga Pulang kumander at mandirigma nitong bumigo sa magkasunod na strike operation laban sa dalawang yunit ng BHB ngayong araw. Sa mga labanan, nagtamo ng apat na kaswalti ang pasistang pwersa ng 203rd IBde habang ligtas namang nakaatras nang walang pinsala ang […]

Mamamayang Mindoreño, maging mga Katipunero ng bagong panahon! Isulong ang armadong pakikibaka para sa pambansang demokrasya!
November 30, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Sa ika-161 na taon ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, umaalingawngaw pa rin ang panawagan ng Katipunan: Masang anakpawis, mag-armas upang makamit ang pambansang kalayaan at demokrasya! Mahigit limang siglo na ang nakararaan, nagpapatuloy at lumalala ang pagpapahirap at panunupil sa sambayanang Pilipino, higit lalo sa masang anakpawis. Ang dating kolonyal at pyudal na kaayusan sa […]

Mamamayang Mindoreño, labanan ang sumasahol na terorismo ng rehimeng US-Marcos II sa pagdagdag ng isang pasistang batalyon sa Mindoro!
November 26, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Lubhang desperado ang 203rd Infantry Brigade at rehimeng US-Marcos II na makamit ang itinakdang deadline ng amo nitong imperyalistang US na madurog ang rebolusyonaryong kilusan ng sambayanang Pilipino bago matapos ang December 2024. Ito ang di maitatangging katotohanan sa likod ng pagdagdag ng isa pang panagupang batalyon ng AFP sa isla ng Mindoro. Isinapubliko ng […]