Masakit na paalala ang Hunyo 10 ng napakatagal nang pagkakait ng estado ng tunay na reporma sa lupa at ang pagdurusang binabata ng mga magsasaka dahil sa patuloy na kawalan o kakulangan sa lupa. Noong Hunyo 10, 1988, ipinatupad ng rehimeng US-Aquino I ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa layuning linlangin ang mga magsasaka […]
Sa ika-126 taon ng paggunita sa Araw ng huwad na kalayaan, nararapat na papag-alabin ang patriyotikong diwa ng mamamayang Pilipino upang igiit at ipaglaban ang tunay na kalayaan at demokrasya. Higit itong napapanahon sa gitna ng labis na pangyuyurak pangunahin ng imperyalismong US, at ikalawa, ng China sa pambansang soberanya at integridad ng teritoryo Pilipinas. […]
Sa pagsapit ng ika-25 taon mula nang iratipika ng Senado ng GRP ang Visiting Forces Agreement (VFA), nakikiisa ang NDFP ST sa paggigiit ng mamamayan na ibasura ang tagibang na tratadong ito at lahat ng imposisyon ng imperyalismong US sa Pilipinas. Dapat ding palayasin ang mga tropang Amerikano at alisin ang kanilang mga kagamitan at […]
Ikinagagalak ng NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan ang hatol ng International Peoples’ Tribunal (IPT) na maysala (guilty verdict) sina Ferdinand Marcos Jr., Rodrigo Duterte, Government of the Republic of the Philippines (GRP) at US sa mga krimen nito sa mamamayang Pilipino at mga paglabag sa International Humanitarian Law (IHL). Makatarungan ang hatol na ito […]
Nagpupugay ang NDFP-ST sa mamamayan ng Timog Katagalugan na magiting na nagbabangon at lumalaban upang kamtin ang kanilang karapatan sa lupa at kabuhayan. Ang kanilang puspusang pakikibaka at matibay na paninindigan ay inspirasyon sa lahat ng inaapi’t pinagsasamantalahan at tinik sa lalamunan ng mga naghaharing uri. Dapat paigtingin at payabungin ang mga pakikibakang bayan at […]
Malaking kasinungalingan ang ipinagkakalat ng 91st IB at 7th ID ng Northern Luzon Command (NOLCOM) na isang Pulang mandirigma ang hinuli nilang buntis na sibilyan sa isinagawang reyd sa isang bahay sa Sityo Pinamaypayan, Barangay Umiray, Dingalan, Aurora noong Abril 21. Bahagi lang ito ng kanilang panlilinlang upang palabasing makatao ang AFP-PNP sa harap ng […]
Napapanahon at mahalaga ang paggunita sa Earth Day sa yugtong ito kung kailan pangita at ramdam ng mamamayan ang epekto ng krisis pangkalikasan na idinulot ng monopolyo kapitalismo. Sa halip na yakapin ang burges at artipisyal na pagdiriwang sa Earth Day na pakana ng mga kapitalista, dapat ituon ang okasyon sa pagsusulong at pagpapalakas ng […]
Marapat na kundenahin, tutulan at labanan ng mamamayang Pilipino ang mga mapanulsol na aktibidad ng US kagaya ng Balikatan Exercises sa Asia Pacific dahil sa bantang inihahatid nito sa mga mamamayan sa rehiyon, lalung laluna sa sambayanang Pilipino. Kailangang palakasin ang pakikibaka para ipaglaban at igiit ang pambansang soberanya at kasarinlan ng Pilipinas sa harap […]
Nagdiriwang ang rebolusyonaryong kilusan at mamamayan ng Timog Katagalugan sa ika-55 anibersaryo ng New People’s Army. Okasyon ito upang ipagbunyi ang nagpapatuloy na apoy ng armadong pakikibaka sa rehiyon at sa buong bansa sa nakalipas na mahigit limang dekada. Sa araw na ito, nagpupugay ang NDFP-ST sa mga rebolusyonaryong martir at bayani ng sambayanan na […]
Nananawagan ang NDFP-ST sa mamamayang Pilipino na magkaisa para harapin ang El Niño at singilin ang kainutilan at kriminal na pagpapabaya ng reaksyunaryong estado sa panahon ng sakuna. Habang nagdarahop ang mamamayang Pilipino sa matinding krisis sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na lipunan, tinatamaan ngayon ang bansa ng tagtuyot na dulot ng El Niño. […]