Archive of Patnubay de Guia | Spokesperson

Palakasin ang Hukbong Bayan, Sumapi sa NPA!
April 06, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nagpupugay ang NDFP-ST sa ika-57 anibersaryo ng New People’s Army. Kahanga-hanga ang tuluy-tuloy na pagsusulong ng mga Pulang mandirigma at kumander ng armadong rebolusyon sa gitna ng maraming kahirapan at mga balakid kabilang ang pang-aatake ng rehimeng US-Marcos II. Sa diwa ng kilusang pagwawasto, ubos-kayang isusulong ng NDFP-ST at mga kaalyadong organisasyon nito sa rehiyon […]

Pag-ibayuhin ang pambansa-demokratikong pakikibaka sa gitna ng lumalalang kawalan ng trabaho, implasyon at oil price hike
March 21, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mataas na ang presyo ng bilihin, wala pang trabaho, o di kaya, kulang ang sahod o kita. Ito ang problemang kinakaharap ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng rehimeng US-Marcos II pagpasok ng 2026. Higit pa itong titindi sa gitna ng kahingiang tustusan ang pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino sa pagsirit ng presyo ng mga bilihin […]

Mga Marcos, coco levy fund scammer at magnanakaw, panagutin!
March 21, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog ang pagpanig ng Sandiganbayan sa naghaharing burukrata kapitalista, magnanakaw at mandarambong sa pagbinbin ng kaso ng pangungulimbat at pagpapasasa sa coco levy fund ng mga Marcos para lamang ibasura ito sa palusot na “inordinate delay” noong Marso 19. Nauna nang ibinasura ng Korte Suprema ang […]

Mamamayan ng TK, magkaisa, makibaka laban sa krisis, kahirapang hatid ng rehimeng US-Marcos II
March 16, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Tila isang kumukulong bulkan ang kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas hatid ng pahirap na neoliberal na patakaran ng estado na ipinataw ng imperyalismo. Sumambulat ngayong Marso ang pagsirit ng presyo ng langis na ibinunsod ng ipinutok na gera ng US-Israel laban sa Iran sa Middle East. Nasa kabilang dulo man ng Asya ang Pilipinas, ngunit ramdam […]

Makibaka para pangalagaan ang mga ilog, ipaglaban ang lupaing ninuno at kabuhayan
March 14, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDFP-ST sa pakikibaka ng mga mamamayan ng mundo sa araw ng Marso 14 bilang Pandaigdigang Araw ng Pagkilos para sa mga Ilog upang pangalagaan ang kalikasan, buhay at kinabukasan ng mga mamamayan laban sa pangwawasak at pandarambong ng imperyalismo at mga kasabwat nitong lokal na burukrata. Ang Pandaigdigang Araw ng pagkilos para sa […]

Makauring digma ang wawakas sa pang-aapi't pagsasamantala sa kababaihan at lahat ng mamamayan ng daigdig
March 08, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Pinagpupugayan ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog ang lahat ng kababaihan sa dagidig, laluna ang kababaihang anakpawis na nakikibaka para sa tunay na kalayaan at demokrasya ngayong Pangdaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis. Gunitain natin ang makasaysayang araw na ito sa higit pang pag-aalab ng ating rebolusyonaryong diwa. Patuloy nating isulong ang demokratikong rebolusyong […]

Pinatitindi ng PH-US critical minerals pact ang pandarambong sa yamang mineral ng Pilipinas
March 03, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ngayong anibersaryo ng pagsasabatas ng Mining Act of 1995, marapat na buong-lakas na labanan ang pagpapakatuta ng rehimeng Marcos sa imperyalistang pandarambong at pagwasak sa likas na yaman ng bansa. Sa harap ng panibagong kasunduang pinasok ng Pilipinas sa US na PH-US Critical Minerals Pact na lalong magsasailalim sa bansa sa walang-habas na pandarambong sa […]

Higit pang pasiglahin at palawakin ang mga pakikibakang bayan kontra-korapsyon
February 28, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Pinagpupugayan ng NDFP-ST ang mamamayan ng Timog Katagalugan at malawak na sambayanan sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power upang gunitain ang makasaysayang araw na nagpatalsik sa diktador at nagwakas sa Martial Law noong 1986. Sa okasyong ito, itinambol ng nagkakaisang mamamayan sa iba’t ibang panig ng bansa ang malakas na panawagan para sa pagpapanagot […]

Duterte at iba pang tulak ng gera kontra-droga, litisin at isakdal sa mga krimen sa bayan
February 19, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog sa panawagan ng mga kaanak ng mga biktima at ng bayan na panagutin ang dating pangulo ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte sa mga krimen kaugnay ng gera kontra-droga ng kanyang rehimen na nagresulta sa higit 30,000 pinatay na inosenteng biktima. Nagbubunyi […]

NTF-ELCAC, takot at mangmang sa kapangyarihan ng demokratikong gubyernong bayan
February 18, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Pinapatunayan ng kamakailang pahayag ng NTF-ELCAC hinggil sa inilabas na mga posters na naglalantad ng mga taksil sa rebolusyon at sa bayan sa rehiyong TK ang kamangmangan nito sa mandato ng Demokratikong Gubyernong Bayan na magpataw ng rebolusyonaryong batas at hustisya sa nasasaklaw nito. Bilang isang lehitimong pwersang nakikidigma, ang CPP-NPA-NDFP ay nagtatayo ng gubyernong […]