Archive of Patnubay de Guia | Spokesperson

Lumalalang impyunidad sa ilalim ng ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte: DOJ, walang balak parusahan ang mga maysala sa Bloody Sunday Massacre
July 28, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Napakalupit ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng kalihim nitong si Jesus Crispin Remulla sa paulit-ulit na pag-abswelto sa mga mamamatay-taong pulis ng Bloody Sunday Massacre. Kamakailan, isinapubliko ng panel of prosecutors nito ang pasyang pagbasura sa apela ng mga kaanak nina Ariel at Chai Evangelista na pinatay noong Bloody Sunday, at kung gayon, […]

Maharlika Investment Fund, ibasura
July 19, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Lubhang pang-iinsulto sa sambayanan ang pagdiriwang ni Ferdinand Marcos Jr habang pinipirmahan ang batas na lilikha sa Maharlika Investment Fund (MIF). Napakalaking kataksilan ng pagsasabatas nito sa gitna ng malakas at malawak na oposisyon ng taumbayan. Nakagagalit na inuna pa ito ng gahamang Marcos sa gitna ng mga kalamidad at krisis na bumabayo sa sambayanan. […]

Hustisya para kay Kyllene Casao, Maximino Digno at lahat ng biktima ng teroristang estado!
July 19, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing nananawagan ang NDFP-ST ng hustisya sa unang taong paggunita sa pagpaslang ng 59th IB sa 9-taong gulang na si Kyllene Casao at magsasakang si Maximino Digno sa Batangas. Napakalaking sugat ang iniwan ng krimen na ito sa mamamayan ng Timog Katagalugan, lalo sa kanilang mga naulilang pamilya at komunidad. Hindi ito magsisimulang maghilom hangga’t […]

Fake news, ilantad at labanan! Iwaksi at itakwil ang SMNI at ikulong ang huwad at kriminal na Pastor Apollo Quiboloy
July 06, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Isinara ng Youtube at Tiktok nitong Hunyo 21 at Hulyo 3 ang dalawang account ni Apollo Quiboloy. Si Quiboloy ay sangkot sa karimarimarin na mga kaso na iniimbestigahan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa US. Noong Nobyembre 10, 2021, naglabas ang FBI ng warrant of arrest para kay Quiboloy sa mga kasong smuggling, sex […]

Tuloy ang laban ng mamamayan ng Sibuyan!
July 06, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Romblon sa nakamit nilang writ of kalikasan, isang tagumpay sa korte at dagdag balakid sa pagbabalik operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation sa isla ng Sibuyan. Ang positibong tugon ng Supreme Court (SC) sa petisyon ng mga taga-Romblon para sa writ of kalikasan ay resulta ng determinadong paglaban ng […]

Pantay na karapatan sa lahat ng kasarian, ipaglaban! LGBTQ+, lumahok sa rebolusyon, palayain ang bayan!
June 29, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDFP-ST sa lahat ng bakla, lesbiyana, bisekswal, transgender, iba pang may piniling kasarian at kasapi ng LGBTQ+ community ngayong Pride Month upang kilalanin at igiit ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa bansa. Ang pakikibaka rito ay hindi nahihiwalay sa pakikibaka ng mamamayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Sa okasyong ito, binibigyang pugay […]

Buklurin ang bayan upang labanan at ibasura ang Marcos Investment Fund!
June 01, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nananawagan ang NDFP-ST sa mamamayang Pilipino na ubos-kayang labanan at igiit ang pagbabasura ng pakana ng ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte na gawing ligal ang pagnanakaw nito sa pera ng bayan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF) na mas dapat tawaging Marcos Investment Fund. Nakagagalit ang pagmamadali ng dalawang kapulungan ng Kongreso na ipasa ang nasabing […]

Suportahan at makiisa sa makatarungang pakikibaka ng mga manggagawa ng Wyeth
May 24, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan sa welga ng mga manggagawa ng Wyeth Nutrition Philippines laban sa biglaang pagtatanggal sa 140 manggagawa, kabilang ang 125 mababang empleyado, 14 supervisor at isang manager. Makatarungan ang pakikibaka ng mga manggagawa laban sa iligal na tanggalan, para sa kanilang karapatan at regularisasyon sa gitna ng labis […]

Manggagawa, magkaisa! Matatag na ipaglaban ang karapatan ng sariling uri at ng sambayanang Pilipino!
May 01, 2023 | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ginugunita ng NDFP-ST ang ika-120 anibersaryo ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa nang may militanteng diwa na ipaglaban ang karapatan ng lahat ng manggagawa. Nagpupugay ang NDFP-ST sa mga unyon at liga ng mga manggagawa na matatag na lumalaban para igiit ang kanilang karapatan sa paggawa. Ilan sa mga ito ang mga unyon ng Gardenia Bakeries […]

Ibayong palahukin ang sambayanang Pilipino sa pambansa demokratikong rebolusyon! Palakasin ang National Democratic Front of the Philippines!
April 24, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Itaas at iwagayway natin ang mga pulang bandila sa ika-50 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)! Inspirasyon ng NDFP-ST sa pagdiriwang ng ginintuang anibersaryo ang buhay at pakikibaka ng mga kapita-pitagang lider na sina Benito “Ka Laan” Tiamzon at Wilma “Ka Bagong-Tao” Austria-Tiamzon, at iba pang mga rebolusyonaryong martir at bayani ng […]