Nananawagan ang NDFP-ST sa mamamayang Pilipino na magkaisa para muling ibangon ang sarili mula sa mga bagyo at iba pang sakunang nagdaan. Wala silang aasahang lakas kundi ang kanilang pagkakaisa sa gitna ng pambubusabos ng rehimeng US-Marcos II sa bayan. Kailangang labanan ang papet, korap, pabaya at pahirap na rehimeng US-Marcos II at kamtin ang […]
Ngayong ikalawang taon ng pagkamatay ni Josephine “Ka Sandy” Mendoza, marapat na bigyang buhay ang kanyang iniwang pamana sa muling pagpapasigla at pagsusustine ng mga pakikibakang bayan sa Timog Katagalugan. Ibinibigay ng NDFP-ST at ng mamamayan ng Timog Katagalugan ang ubos kaya nilang lakas upang muling likhain ang daluyong ng pakikibaka ng kasaysayan bilang pagdakila […]
Hindi na makaahon ang mga magsasaka ng palay buhat nang ipatupad ang Rice Tarriffication Law (RTL). Mula 2019, danas nila ang pababa nang pababang presyo ng palay sa farmgate. Ngayong Oktubre, sumadsad pa ang presyo ng palay sa abereyds na ₱8 kada kilo kahit pa pilit ang pagtatakip ng DA. Sa kabila nito, labis pa […]
Nagdiriwang ang rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan sa matagumpay na pagkilos ng mga kabataan para sa National Youth Day of Action Against Corruption noong Oktubre 17 sa harap ng samutsaring pakana ng estado na pigilan ito. Umabot ng lagpas 500 ang mga pagkilos sa iba’t ibang bahagi ng Calabarzon habang may naglunsad pang online na […]
Binulabog ang mga komunidad sa palibot ng Sityo Swerte, Barangay San Vicente, Roxas, Oriental Mindoro ng pitong beses na pambobomba ng 203rd Brigade noong Setyembre 9, bandang alas-10 ng gabi hanggang madaling araw kinabukasan. Nangyari ang pambobomba matapos ang labanan sa pagitan ng mga pwersang militar ng 203rd Brigade at yunit ng Lucio de Guzman […]
Desperado ang rehimeng US-Marcos II na patunayang “wala nang pwersang gerilya” sa buong bansa. Sa harap ng mga patutsadang “kapayapaan” ni Ferdinand Marcos Jr, todo-larga naman ang pang-aatake ng mga armadong pwersa ng estado sa bayan. Dahil dito, lalong pinapakita ni Marcos Jr ang insinseridad nito na makamit ng bayan ang tunay at makatarungang kapayapaan. […]
Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang pang-iistraping, panganganyon at pambobomba ng berdugong pwersa ng 16th IB sa ilalim ng 201st Brigade at 2nd Infantry Division sa Barangay Maguibuay, Tagkawayan, Quezon noong Agosto 2 sa pagitan ng alas-5 ng hapon hanggang ala-6:30 ng hapon. Dalawang heligunship ang ginamit ng pasistang tropa bilang desperadong hakbang na tugisin ang […]
Dapat singilin ng masang manggagawa at maralitang Pilipino si Ferdinand Marcos Jr. sa sumasahol na kalagayan ng sahod sa bansa na nagreresulta sa labis na kagutuman, kasalatan at desperasyon ng mamamayan. Hangga’t hindi tinutugunan ang panawagan ng bayan para sa nakabubuhay na sahod, lalong malulubog sa kahirapan ang bansa at tiyak na lalalim ang galit […]
Kinasusuklaman ng mamamayang Pilipino ang sarswelang pakulo ng rehimeng US-Marcos II para iantala ang paglilitis sa kasong impeachment ni Sara Duterte. Tumagal lalo ang paglilitis kay Sara sa pagbabalik ng Senado ng articles of impeachment sa Kamara at niresulta nitong serye ng palitan ng dalawang panig na umabot ng isang buwan. Ngayon, inihayag naman ng […]
Pinakamataas na pagpupugay at pagdakila ang iginagawad ng NDFP-ST kay Luis “Ka Louie” Jalandoni, internasyunal na kinatawan ng NDFP at isa sa matatagal nang negosyador ng NDFP sa pakikipag-usapang pangkapayapaan sa reaksyunaryong GRP. Pumanaw siya noong Hunyo 7 dahil sa isang karamdaman sa edad na 90 sa Utrecht, The Netherlands, sa piling ng kanyang pamilya […]