Mariing kinukundena ng Communist Party of the Philippines-Southern Tagalog ang iligal na pag-aresto ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA sa isang nagngangalang Ernesto Panganiban sa Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro nitong Agosto 6. Ayon sa pulisya, si Panganiban na may alyas na Gavino/Joker/Istoy/Nori at Rato ay diumano’y isang kagawad ng NPA na may patong sa ulo […]
Matapos ang kanyang pulong kay US Defense Secretary Lloyd Austin noong Hulyo 29, pinatunayan ni Duterte ang pagiging tuta ng imperyalismong US sa pagtitibay ng bagong Visiting Forces Agreement (VFA) at pagbawi sa bantang abrogasyon nito. Ang VFA ay isa sa mga di-pantay na tratadong militar sa pagitan ng US at Pilipinas. Isang kasunduan ito […]
Ubos-kayang labanan at ipagwagi ang pakikibaka para ibagsak ang pasistang rehimeng Duterte. Sa Araw ng State of the Nation Address (SONA) ng tiranong si Duterte, nakahanda ang buong bayan na kalampagin ang bulok, korap, inutil at teroristang rehimen. Patuloy na kikilos ang buong bayan hanggang sa ganap na maibagsak si Duterte at wakasan ang kanyang diktadurang paghahari.
Sa taun-taong paggunita ng Araw ng Kalayaan, kaninong kalayaan ba ang ipinagdiriwang ng reaksyunaryong gubyerno? Ito ay kalayaan ng mga imperyalistang kapangyarihan na walang habas na dambungin ang patrimonyang yaman at yurakan ang pambansang soberanya ng Pilipinas. Pagdiriwang ito ng mga reaksyunaryong rehimen sa daang taong pagpapakatuta sa mga dayuhan upang panatilihin ang malakolonyal at […]
Itinatakwil ng mamamayang Pilipino si Duterte sa pagyukod sa China at pagtataksil sa bayan. Buong kataksilang ipinagkaloob niya sa China ang teritoryo at ang patrimonyang yaman ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) kapalit ng mga pautang, pondo at bakuna. Dapat papanagutin si Duterte sa pagsuko sa soberanyang karapatan ng mamamayang Pilipino sa sariling exclusive […]
Nagpupugay ang Communist Party of the Philippines (CPP)-ST at lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa rehiyon sa uring manggagawa at masang anakpawis sa buong mundo ngayong Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Nilantad at pinabilis ng pandemyang COVID-19 ang kabangkarotehan ng neoliberal na patakaran ng imperyalismo na sumasalanta sa buhay ng mga manggagawa. Sa gitna ng pandemya, dumaraming […]
Mariing kinokondena ng CPP-ST ang pang-aangkin ng China sa West Philippine Sea (WPS) at ganid na panghihimasok ng US. Hinihikayat ng CPP-ST ang mamamayang Pilipino na ipaglaban ang pambansang soberanya at paigtingin ang mga anti-imperyalistang pakikibaka sa harap ng kainutilan ng rehimeng Duterte na ipagtanggol ang integridad ng Pilipinas. Hindi lamang isinuko ng rehimen ang […]
Read in: Pilipino CPP-ST extends its red salute to the people of Myanmar for their almost daily protest spanning more than two months against the cruel military junta. Their struggle, unimpeded by the pandemic and state violence, is a huge inspiration to the world. It deserves support from all citizens who cherish freedom and democracy. […]
Read in: English Pulang pagbati ang ipinaaabot ng PKP-TK sa mamamayan ng Myanmar sa mahigit dalawang buwang halos araw-araw na pagprotesta laban sa mabagsik na huntang militar. Malaking inspirasyon ang kanilang pakikibaka na hindi napigilan ng pandemya at karahasan ng estado. Marapat lamang itong suportahan ng mga mamamayan sa daigdig na mapagmahal sa kalayaan at […]
Dapat na agad ng ibasura ang Anti-Terror Law (ATL), buwagin ang NTF-ELCAC at gawin ang buong makakaya upang ibagsak ang civil-military junta na rehimeng US-Duterte! Kagyat ang kahalagahan ng mga ito upang alisin ang sobrang pahirap sa sambayanang Pilipino at hawanin ang daan upang kamtin ang tunay na demokrasya at kalayaan sa bansa. Sa esensya, […]