“..Ang pakikibaka’y pinakamatalas, at ang kahulugan ng buhay ay nasusubok sa isang mapagpasyang sandali. Kagitingan hanggang huling hininga ang bumubuhay sa martir lagpas sa iglap ng kamatayan.” —1977, Papuri sa mga Martir, Jose Maria Sison Ngayong araw, itaas natin ang ating mga bandilang pula, alayan ng pinakamataas na pagpupugay at saludo ang magigiting na kabataang […]
Ipinapaabot ng National Democratic Front-Cavite at rebolusyonaryong mamamayan ng lalawigan ang pulang pagsaludo nito sa lahat ng mga Pulang mandirigma, kumander at kadre ng Bagong Hukbong Bayan ngayong ginugunita natin ang ika-56 taong anibersaryo nito. Sinasalubong natin ang anibersaryo bitbit ang diwa ng pagpapalawak at pagpapalalim ng kilusang pagwawasto, ibayong paghihigpit ng ugnayan sa masa […]
Tayo’y sama-samang magtirik ng mga kandila at mag-alay ng ating mga rebolusyonaryong awitin ngayong inaalala natin ang 14 na pulang mandirigma o ang binansagang Nasugbu 14 na namartir noong Nobyembre 28, 2017 sa isang operasyong ambus ng AFP-PNP sa National Highway sa Barangay Aga at Kaylaway, Nasugbu, Batangas. Ang kanilang yunit ay nasa proseso ng […]
Ngayong nalalapit ang ika-60 anibersaryo ng Kabataang Makabayan at araw ng anakpawis, marapat nating alayan ng pinakamataas na pagpupugay at Pulang pagsaludo sina Jian Markus “Ka Reb” Tayco, Royce Jethro “Ka Alex” Magtira at Gladys Cassandra “Ka George” Mendoza bilang mga magigiting na Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan na namartir nitong Hunyo 23, 2024 […]
Tahasang kinukundena ng National Democratic Front-Cavite (NDF-Cavite) ang tangkang demolisyon noong Nobyembre 15, sa mga kabahayan ng 6 na pamilya sa Sitio Tabon, Longos, Barangay Zapote 3, syudad ng Bacoor. Dumating ang mahigit 6 tauhan ng demolition team na may bitbit na mga maso at chainsaw, 3 tauhan ng opisina ng Bacoor Mayor Strike Revilla […]
Sa mga nakalipas na buwan, pinaigting ng pasistang rehimeng Modi ang kanilang gerang panunupil at kampanyang kontra-insurhensya laban sa isinusulong na armadong pakikibaka sa India na pinamumunuan ng Communist Party of India (Maoist). Mula Enero, ipinatupad ng reaksyunaryong estado ng India ang kampanyang Operation Kagaar na kabahagi sa mas masaklaw na kampanyang Operation SAMADHAN-Prahar na […]
Mala-bulldozer kung kumilos ang mga malalaking debeloper sa dami at lawak ng masasagasaan na mga komunidad sa pagtatayo ng mga proyektong imprastraktura nito sa probinsya ng Cavite. Isa rito ang tinatayong Light Rail Transit Line-1 Cavite Extension o LRT-1 Cavite Extension na isang proyektong ekstensyon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC). Sa proyektong ito, tatayuan […]
Sa araw na ito, mainit nating salubungin at gunitain ang ika-55 anibersayo ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ipinapaabot ng National Democratic Front-Cavite at ng lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa lalawigan ang pinakamataas na pagpupugay at pulang pagsaludo sa lahat ng pulang kumander, pulang mandirigma at milisya na nag-aalay ng kanilang buhay para sa […]
Mistula naging ‘fire capital’ ang lalawigan ng Cavite dahil sa dami ng naitatalang sunog nitong mga nakaraang linggo. Malaking bilang ng mga nasunugan ay matatagpuan sa syudad ng Bacoor na sinundan sa Imus at Kawit. Sa loob ng dalawang linggo, daan-daang pamilya at indibidwal na ang nawalan ng kanilang panirahan. Kasabay ng pagkawala ng kanilang […]
Ang National Democratic Front-Cavite at lahat ng rebolusyonaryong mamamayan sa lalawigan ng Cavite ay nagpupugay sa pinakamataas na pamamaraan kay Kasamang Jose Maria Sison sa komemorasyon ng unang anibersaryo ng kanyang pagkamatay. Namartir si Ka Joma sa edad na 83 noong Disyembre 16, 2022 dahil sa malubhang karamdaman. Dambuhalang inspirasyon ang hinuhugot ng mamamayan sa […]