Archive of Human Rights

Bayan sa Laguna, isinasailalim sa militarisasyon sa tabing ng eleksyong pambarangay
October 01, 2023

Naiulat kamakailan ang pagtatambak ng mga sundalo mula sa 1st IB at mga tangke de gera sa bayan ng Santa Maria sa Laguna, isang bayan na nasa paanan ng kabundukan ng Sierra Madre. Ipinakat ang naturang mga tropa sa lugar sa tabing ng pagpapanatili ng seguridad sa bayan kaugnay ng nalalapit na halalang pambarangay sa […]

Hamon sa mga Bikolanong kagawad ng midya: isabuhay ang pakikibaka para sa malayang pamamahayag!
October 01, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Masbate |

Bilang kapwa nakikibaka para sa tunay at malayang pamamahayag, hinihikayat ng Artista at Manunulat ng Sambayanan-Masbate ang mga kagawad ng midya sa Bicol na higpitan pa ang paghawak sa mga prinsipyo ng sinumpaang propesyon. Bilang mga alagad ng katotohanan, mahalaga ang inyong paninindigan para sa tama at makatwirang pamamahayag. Sa kabila ng mga patunay na […]

Dala ng 2nd IBPA at 96th IBPA ang pasakit na hatid ng rehimeng US-Marcos Jr sa mga Masbatenyo
October 01, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Nagpakana ng panibagong pekeng labanan ang 2nd Infantry Battalion-Phil. Army matapos walang habas na magpaputok nang walang pagtatangi sa hangganan ng Barangay Maanahao, Matubinao, Liong sa bayan ng Cataingan at Barangay Mabini sa bayan ng Palanas nito lamang Setyembre 29, 2023, 4:50 ng umaga. Walang yunit ng NPA sa pinangyarihan ng insidente. Nagdulot ng malawakang […]

Dinukot ng miilitar na mga tagapagtanggol ng kalikasan, dumulog ng proteksyon sa Korte Suprema
September 30, 2023

Naghain ng petisyon noong Setyembre 28 para sa “writ of amparo” at “habeas data” sa Korte Suprema ang mga abugado nina Jonila Castro at Jhed Tamano, mga aktibistang tagapagtanggol ng kalikasan na nakalaya mula sa pagdukot at iligal na detensyon ng 70th IB. Humingi din ang sila ng pansamantalang proteksyon para sa dalawang aktibista at […]

46 bala ng kanyon, pinasabog ng AFP sa mga kabundukan ng Masbate
September 29, 2023

Malaking gambala ang idinulot ng dalawang araw na pambobomba ng 2nd IB at 5th Field Artillery Battalion sa mga bundok ng Bagulayag, Uac at Irong-irong sa saklaw ng bayan ng Uson, Mobo at Milagros sa Masbate. Hindi bababa sa 46 ulit na kinanyon ng AFP ang lugar noong Setyembre 23-24. Sa ulat ng Pambansang Katipunan […]

Pulang Saludo para kina Jonila Castro at Jhed Tamano! Ilitaw at palayain ang lahat ng dinukot ng pasista-teroristang militar!
September 29, 2023 | New People's Army | Eastern Visayas Regional Operational Command (Efren Martires Command) | NPA-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) |

Sinasaluduhan ng Arnulfo Ortiz Command-NPA Western Samar ang dalawang environmentalist na sina Jonila Castro at Jhed Tamano sa kanilang matapang na pagsiwalat ng katotohanan sa naging pagdukot sa kanila ng mga elemento ng 70th IB at SAF. Kapuri-puri ang kanilang katapangan at katatagan na kontrahin ang mga kasinungalingan ng NTF-ELCAC na bihasa sa paglubid ng […]

Kundenahin ang labis na pagtatambak ng pwersang militar sa Sta. Maria, Laguna
September 28, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Laguna (Cesar Batralo Command) | Magdalena Kalayaan | Spokesperson |

Kinukundena ng Cesar Batralo Command-NPA-Laguna ang labis-labis na pagtatambak ng pwersa ng 1st IBPA at pagpapasok ng mga tangke de gera nito sa Sta. Maria, Laguna. Kalabisan ang pagpapakitang-lakas na ito na nakatabing sa diumanong layunin ng AFP na magmantini ng seguridad sa panahon ng Barangay-SK Elections. Sunod-sunod ang pagpapapasok ng AFP ng tropang militar […]

NGO, lider-manggagawa sa Cebu, ginigipit sa kasong “terorismo”
September 28, 2023

Mariing kinundena ng Community Empowerment Resource Network (CERNET), Inc., isang non-governmental organization na nakabase sa Central Visayas, ang panggigipit ng estado sa mga tauhan at kaugnayan nitong organisasyon. Noong Agosto, nakatanggap ang NGO ng subpoena (pagpapatawag) mula sa Department of Justice kaugnay sa kaso ng “terrorist financing” ng 27 indibidwal na mga dati at kasalukuyan […]

Mga manggagawa sa Cebu, ginigipit gamit ang EO 23
September 28, 2023

Ibinalita ng AMA Sugbo-KMU noong Setyembre 25 ang dalawang beses na panggigipit ng mga pulis sa kanilang mga kasapi sa ngalan ng Executive Order 23 (EO 23 Binuo ng kautusang ito ang Inter-Agency Committee for the Protection of the Freedom of Association and Right to Organize of Workers, ang huwad na tugon ng rehimeng Marcos […]

Reaksyunaryong sistemang hustisya, di epektibo sa pagresolba sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao
September 28, 2023

Kinundena kamakailan ng grupo sa karapatang-tao ang sunud-sunod na mga desisyon ng Ombudsman at Court of Appeals kaugnay sa mga kaso ng mga paglabag sa karapatang-tao. Ayon sa grupong Karapatan, ang “nakababahala” na padron ng mga desisyong ito ay nagpapatunay sa kainutilan o kawalan ng mga mekanismo para harapin ang papalalang kalagayan sa karapatang-tao sa […]