Archive of Peasants

Tatlong mamamahayag, dinahas ng pulis habang nag-uulat
July 16, 2023

Iniulat ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang naganap na panghaharas ng mga pulis sa tatlong mamamahayag sa Barangay Jones, Pastrana, Leyte noong Hulyo 14. Ang mga mamamahayag na sina Lito Bagunas, Noel Sianosa at Ted Tomas ay nag-uulat kaugnay sa isang kaso ng pangangamkam ng lupa sa naturang lugar nang palayasin […]

Mga samahang maralita sa Negros Occidental, ginigipit ng militar
July 12, 2023

Anim na aasosasyon ng mga magsasaka, manggagawang bukid at mangingisda sa apat na barangay ng Cauayan, Negros Occidental ang nag-ulat na sila’y tinatakot at ginigipit ng mga sundalo ng 15th IB at 47th IB simula Hulyo 10. Ayon sa ulat ng grupo sa karapatang-tao na September 21 Movement South Negros, pinatatawag ng mga sundalo ang […]

4 na magtutubo sa Batangas, inaresto ng pulis
July 04, 2023

Inaresto ng mga pulis nang walang mandamyento de aresto ang apat na magtutubo na kasapi ng Pagkakaisa ng Manggagawang Bukid sa Tubuhan (PAMATU) sa Barangay Tumalim, Nasugbu, Batangas nitong Miyerkules, Hulyo 3. Iniulat ang naturang insidente ng grupong Sugarfolks’ Unity for Genuine Agricultural Reform (SUGAR)-Batangas kahapon. Ayon sa SUGAR-Batangas, ang apat na biktima ay sina […]

Marcos, walang nagawa para sa magsasaka
June 30, 2023

Inutil si Ferdinand Marcos Jr sa pagharap sa krisis sa pagkain at agrikultura mula nang maupo siya sa poder, ayon sa grupo ng kababaihang magsasaka na Amihan. “Kung susumahin ang isang taon ni Marcos, bokya o walang nagawa para sa krisis sa pagkain at agrikultura dahil simula’t sapul, palaasa sa importasyon at puro bukambibig ang […]

Mga magbubukid, hindi lamang ayuda ang kayang makamit ng ating pagkakaisa!
June 23, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Batangas |

Tagumpay ang inisyal na inabot ng kampanya ng mga magtutubó para sa ayuda matapos ipamahagi ng DSWD nareng Mayo 30 ang unang bugso ng Php 10,000 hanggang Php 30, 000 kada pamilya ng magtutubó na apektado ng pagsasara ng Central Azukarera de Don Pedro, Inc. (CADPI). Kaisa rin ang mga magbubukid ng Batangas sa “Martsa […]

BHB-Albay, handang tumugon sa sakuna ng pagsabog ng bulkang Mayon
June 12, 2023

Handa ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Albay at ang rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya na tumugon, mag-ambag at sumuporta sa pamamagitan ng sama-samang pag-iipon ng anumang tulong pinansyal at materyal para sa mamamayang Albayano sa harap ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon. Sa pahayag nito, sinabi ni Ka Florante Orobia, tagapagsalita ng BHB-Albay, nananawagan siya ng suporta mula […]

Sa ika-35 taon ng batas sa huwad na reporma sa lupa na CARP, paigtingin ang anti-pyudal na pakikibaka at isulong ang rebolusyong agraryo sa Palawan!
June 10, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Tulad ng mga huwad na reporma sa lupa ng lahat ng rehimen, walang makabuluhang reporma sa lupa ang nakamit ng mga magsasaka sa 26 taong pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) mula noong 1988 sa ilalim ng rehimeng US-Corazon Aquino hanggang magtapos ito noong 2014. Hindi kailanman tinugunan ng mga batas sa huwad na […]

Ika-35 anibersaryo ng CARP, sinalubong ng protesta
June 10, 2023

Inilunsad ng mga magsasaka mula sa Southern Tagalog at Central Luzon kasama ng iba pang sektor ang 2-araw na kilos protesta nitong Hunyo 8-9 sa Maynila upang patampukin ang kanilang mga panawagan kasabay ng paggunita sa ika-35 taong anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ipinasa ang naturang batas sa panahon ng rehimeng US-Aquino I. […]

Marcos Jr, Ano nga ba ang Interes sa Albay?
June 09, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Albay (Santos Binamera Command) | Florante Orobia | Spokesperson |

Ngayong darating na Hunyo 14, planong bumisita ni Marcos Jr sa Tiwi at Tabaco ng Albay upang puntahan diumano ang itinatayong mga pabahay sa lugar. Ito ay sa pamamagitan ng pag-imbita sa kanya ni Mayor Cielo Krisel B. Lagman-Luistro ng Tabaco. Ano nga ba ang pangunahing dapat na sadyain ng isang presidente kung siya ay […]

Presyo sa pagbili ng kalabasa sa mga magsasaka, dapat itaas
June 08, 2023

Tone-toneladang kalabasa ang nabubulok sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa napakababang presyo ng bilihan nito kada kilo. Sa kasalukuyan, bagsak sa ₱3 ang isang kilo ng kalabasa sa Nueva Ecija at ₱2 kada kilo ang presyo nito sa Cotabato at General Santos City. Isinisisi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang napakababang presyo […]