Apat na armas ang nakumpiska ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Samar matapos ang matagumpay na reyd sa detatsment ng Alpha Company, 63rd IB sa Sityo Little Lanubi, Barangay Lanubi (EJ Dulay), Lao-ang, Northern Samar noong Mayo 21, alas-4 ng umaga. Pinasabugan ng BHB at pinaputukan ang detatsment. Nakumpiska sa reyd ang tatlong ripleng R4, isang […]
Hindi lamang si Rodrigo Duterte ang may di-maipaliwanag na paglobo ng yaman habang nakaupo sa gubyerno. Noong 2018, nagtaasan ang halaga ng 15 upisyal ng kanyang gabinete ayon sa isinumite nilang Statement on Assets, Liabilities and Network o SALN. Pitong kongresista naman—karamiha’y kaalyado ng nakaupong rehimen—ang nakita ng paglobo ng yaman sa loob lamang ng […]
Ganap na karuwagan sa China ang ipinamalas ni Rodrigo Duterte na maninindigan ayon sa soberanong interes ng Pilipinas kaugnay ng insidente sa Recto Bank noong Hunyo 9. Malawak ang panawagang papanagutin ang China sa pagbangga at pag-iwanng isang trawler (bangkang palakaya) nito sa mas maliit na bangkang pangisda na may lulang 22 Pilipino. Sa halip, […]
Aabot sa 1,000 residente mula sa walong barangay sa Cawayan, Masbate ang nagprotesta sa harap ng munisipyo noong Hunyo 3-8. Kinundena nila ang matinding militarisasyon at iginiit na palayasin ang mga sundalo ng 2nd IB na umokupa sa kanilang mga komunidad mula pa Mayo 20. Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Masbate (KMM), dumarami ang bilang […]
Sa loob ng isang linggo, walong aktibista at magsasaka ang pinatay ng mga armadong elemento ng estado. Iba’t ibang insidente rin ng pandarahas at pananakot ang naranasan ng mga sibilyan sa iba pang panig ng bansa. Dalawang istap ng Karapatan-Sorsogon ang pinagbabaril at napatay noong Hunyo 14 ng umaga. Nakasakay sa isang traysikel sina Ryan […]
Kabi-kabilang pagkundena ang sumalubong sa arbitraryong pag-aresto at detensyon sa batikang mamamahayag na si Fidelina Margarita Valle ng mga myembro ng Criminal Investigation and Detection Group Region 9 noong Hunyo 9. Naghihintay si Valle ng kanyang byahe sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental pauwi ng Davao City nang siya ay arestuhin. Idinetine siya nang 12 […]
Binuwag ng mga pulis ang kampuhan ng mga bakwit na Lumad sa tabi ng kapitolyo sa Cagayan de Oro City noong Hunyo 18. Higit isang taon nang nakatigil rito ang mga Lumad mula sa Sityo Kamansi, Barangay Banglay, Lagonglong, Misamis Oriental dahil sa pagkampo ng militar sa kanilang komunidad. Bibigyang-daan ng okupasyon ng mga sundalo […]
Nagpahayag ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ng pagsuporta sa panawagan ng United Nations Human Rights Commission (UNHRC) na maglunsad ng imbestigasyon kaugnay ng sumisidhing kalagayan ng karapatang tao sa bansa sa ilalim ng rehimeng Duterte. Maliban sa malawakang pamamaslang, kinasangkutan din ng mga pwersang panseguridad ng estado ang mga kaso ng iligal na pag-aresto, […]
Malaking kalokohan ang kunwa’y pamamahagi ni Rodrigo Duterte ng mga pampublikong lupa sa mga magsasaka. Sa likod nito, iniraratsada ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang reklasipikasyon at pagpapalit-gamit ng mga lupang agrikultural. Kalokohan ang ipinagyayabang ni Duterte na “pamamahagi ng lupa” samantalang minamadali ng kanyang gubyerno ang rekonsentrasyon ng mga ito sa kamay ng […]
End ENDO mo mukha mo. Tila ito ang mensahe ng rehimeng US-Duterte sa mga manggagawa matapos iratsada ng Kongreso ang pagpasa sa Security of Tenure (katiyakan sa trabaho o SOT) Bill bago magsara ang ika-17 Kongreso. Simula pa lamang ng termino ni Duterte, bukambibig na niya ang pangakong ibabasura ang kontraktwalisasyon. Noong 2017 at 2018, […]