Binigwasan ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Samar ang abusadong mga yunit ng Armed Forces of the Philippines na nagtatago sa likod ng umano’y “community organizing for peace and development” o COPD sa iba’t ibang baryo sa isla. Tugon ito ng BHB sa maraming reklamo ng mga magsasaka laban sa naturang mga […]
Sa nagdaang ilang buwan, pinatakbo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang palabas sa midya para lumikha ng huwad na larawan ng “suporta” para sa brutal na National Internal Security Plan o Oplan Kapayapaan na gerang panunupil ng rehimeng Duterte. Gamit ang kapangyarihang de facto martial law, inobliga ng AFP ang ilang upisyal […]
Pinapasok na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga engklabo ng paggawa o mga export processing zone bilang bahagi ng estratehiyang whole-of-nation approach ng National Task Force to End Communist Insurgency (NTF). Noong Marso 5, pinirmahan ng mga upisyal ng AFP, Department of National Defense at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang […]
Pinatay ng mga sundalo ng 71st IB noong Abril 15 si Cindy Tirado, 28, isa umanong lider ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Nangyari ang insidente sa Barangay Canocotan, Tagum City, Davao del Norte. Ayon sa ina ng biktima, buhay si Tirado nang dakpin ng mga sundalo. Matapos ang matinding tortyur, binaril si Tirado sa ari […]
Isang siyam na taong gulang na bata ang namatay matapos sumabog ang granadang inihagis ng isang lasing na sundalo ng 20th IB sa Barangay San Miguel, Las Navas noong Abril 17. Bumibili noon ang biktima na si Armando Jay Raymunde sa tindahan sa tapat ng bahay na ginawang kampuhan ng mga sundalo. Matapos ang insidente, […]
Ilang linggo bago sumapit ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa, ipinagyabang ng rehimeng US-Duterte ang estadistika nito sa kahirapan para sa unang semestre ng 2018 na nagpapakitang 21% lamang umano ng populasyon sa bansa (o 23.1 milyong Pilipino) ang mahihirap. Palatandaan umano ito ng umuunlad na kabuhayan ng mamamayan at kalagayan ng empleyo sa bansa. Ang […]
Kaisa ang mga mamamahayag sa buong mundo, ginunita ng mga grupo ng midya at Pilipinong mamamahayag ang Internasyunal na Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag (World Press Freedom Day) noong Mayo 3. Ayon sa mga mamamahayag, mula nang maupo si Rodrigo Duterte sa poder, prayoridad na niya ang paninira at pang-iintriga sa midya para itago ang […]
Naglabas ng kautusang writ of amparo at habeas data ang Korte Suprema pabor sa petisyon ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) noong Mayo 3. Nagsampa ng petisyon ang NUPL noong Abril 15 para ipatigil ang Red-tagging at panggigipit ng rehimeng Duterte at ng militar sa kanilang mga myembro. Alinsunod sa kautusang writ of amparo, […]
“Magkaisa para depensahan ang Pantaron Range!” ang panawagan ng mamamayang Lumad at mga tagapagtaguyod ng kalikasan sa araw ng paggunita sa Earth Day noong Abril 22. Mariin nilang kinundena ang napipintong pandarambong sa yaman ng Pantaron Range sa Mindanao at pagwasak ng malalaking dayuhang korporasyon sa pagmimina at pagtotroso sa kalikasan. Ang Pantaron Range ay […]
Sa pamumuno ng Cordillera People’s Alliance (CPA), libu-libo ang dumalo sa pagdiriwang ng ika-35 Araw ng Cordillera mula Abril 23-29. Ginunita ito sa pamamagitan ng mga protesta, porum, konsyerto at mga kultural na pagtatanghal. Nagkaisa ang mga pambansang minorya at mga tagasuporta sa temang “Labanan ang tiraniya! Isulong ang pulitika ng pagbabago at sariling pagpapasya!” […]