Archive of Ang Bayan

Mga protesta
May 07, 2024

  Earth Day: Protesta kontra reklamasyon. Nagsama-sama ang mga mangingisda, grupong maka-kalikasan, mga taong-simbahan at residente ng mga komunidad sa paligid ng Manila Bay sa isang porum at protesta sa Caloocan City at Navotas City noong Abril 20, bilang bahagi ng paggunita sa Earth Day noong Abril 22. Iginiit nila ang kagyat na pagpapatigil sa […]

3-araw na protesta kontra jeepney phaseout
May 07, 2024

Noong Mayo 1, kasamang nagmartsa ng mga manggagawa ang mga drayber at opereytor ng dyip sa ilalim ng grupong Piston at Manibela para ipabasura ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) at kaakibat nitong pwersahang konsolidasyon ng prangkisa. Ito ang kulminasyon ng kanilang 3-araw na tigil pasada at kampuhan. Giit nila na ibalik ang 5-taong […]

Mga protesta sa mga unibersidad sa US laban sa henosidyo ng Israel, dinahas
May 07, 2024

Libu-libong estudyante at mga guro sa ilang pangunahing pamantasan sa US ang naglunsad ng panibagong serye ng mga protesta para itulak ang mga administrasyon ng mga unibersidad na iatras ang suporta at pamumuhunan ng mga ito sa Zionistang Israel. Maraming unibersidad ang mahigpit na nakikipagtulungan sa industriyang militar ng US, at sa gayon ay may […]

(Video) Sa madaling salita
May 07, 2024

Download

Sa madaling salita
May 07, 2024
Ang mga “makasaysayang aktibidad” ng Balikatan 39-24
May 07, 2024

Sinasabi ng US na ang kasalukuyang Balikatan 39-24 ay “makasaysayan” at marami sa mga aktibidad dito ay isasagawa sa “unang pagkakataon.” Kasabay nito, inianunsyo ng Armed Forces of the Philippines ang kunwa’y “pagpihit” nito sa eksternal na depensa alinsunod sa estratehiyang Comprehensive Archipelagic Coastal Defense (CACD) bilang “direktang tugon” sa “agresyon” ng China sa karagatan […]

Pagkakaso ng "terorismo," panggigipit sa mga progresibo
May 07, 2024

Hindi bababa sa 12 progresibo ang sinampahan ng rehimeng Marcos ng kaso ng “terorismo” at “terrorism financing” (pagpondo sa terorismo) sa nagdaang ilang linggo. Isinampa ang mga kaso para gipitin sila at kinabibilangan nilang mga organisasyon. Sa Quezon, sinampahan ng “terrorism financing” sina Paul Tagle, tagapagsalita ng Tanggol Quezon, at Fritz Labiano, koordineytor ng Kabataan […]

Mga protesta kontra Balikatan 39-24, inilunsad
May 07, 2024

Sinalubong ng protesta ng mga demokratikong organisasyon ang pagbubukas ng Balikatan 39-24 noong Abril 22. Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), nagprotesta sila sa hedkwarters ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo sa Quezon City para ipatigil ang war games ng tropang militar ng US at Pilipinas sa bansa. Noong Abril 26, […]

20th IB, salot sa mamamayan ng Northern Samar
May 07, 2024

Paparaming bilang ng mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao ang naitatala sa mga bayan ng Northern Samar sa harap ng walang-tigil na mga operasyong kombat ng 20th IB dito. Kamakailan, naitala dito ang mga kaso ng pambobomba, pamamaril, blokeyo sa pagkain at kabuhayan at sekswal na pang-aabuso ng mga sundalo. Sa bayan ng Las Navas, […]

Ka Lalay, kadre ng Partido, Pulang mandirigma, at bayani ng Lumad at mamamayang Pilipino
May 07, 2024

Binigyan ng pinakamataas na parangal ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Abril 22 si Aprecia Avarez Rosete (Ka Lalay), rebolusyonaryong pinuno at kadre ng PKP na namartir noong Pebrero 27 sa Barangay Malagad, Dumingag, Zamboanga del Sur. Sa panahon ng kanyang pagkamatay, si Ka Lalay ay kagawad ng Komite Sentral ng Partido […]