3-araw na protesta kontra jeepney phaseout

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaIlocoHiligaynon

Noong Mayo 1, kasamang nagmartsa ng mga manggagawa ang mga drayber at opereytor ng dyip sa ilalim ng grupong Piston at Manibela para ipabasura ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) at kaakibat nitong pwersahang konsolidasyon ng prangkisa. Ito ang kulminasyon ng kanilang 3-araw na tigil pasada at kampuhan. Giit nila na ibalik ang 5-taong indibidwal na prangkisa para sa kanilang kabuhayan.

Sa unang araw noong Abril 29, itinayo ng mga samahan ng mga drayber at opereytor, kasama ang kabataan at kanilang mga tagasuporta, ang mga sentro ng welga sa mga susing lugar sa Metro Manila at Southern Tagalog. Itinayo nila ang kampuhan sa Liwasang Bonifacio sa gabi nito.

Ikinasa rin ang tigil-pasada at mga pagkilos sa Baguio City, sa Calamba, Sta. Rosa, at Cabuyao sa Laguna, sa Rizal, Legazpi City, Cebu City, Bacolod City, Iloilo City at Davao City.

Nagsumite naman noong Abril 29 ang Piston ng karagdagang petisyon sa Korte Suprema para maglabas ng temporary restraining order laban sa PUVMP. Bago nito, nagpiket rin sila sa korte noong Abril 23 para itulak itong magdesisyon sa nauna nilang petisyon.

Samantala, muling nagprotesta ang mga drayber at opereytor na kasapi ng Manibela sa Metro Manila noong Mayo 6.

3-araw na protesta kontra jeepney phaseout