Pinaslang ng mga sundalo ng berdugong 4th IB ang mga sibilyan na sina Mark Ederson Valencia Delos Santos at Jay-ar Mercado sa Barangay Happy Valley, Socorro, Oriental Mindoro noong Enero 31. Si Mercado ay boluntir na organisador ng Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Southern Tagalog na dinukot ng militar noong Enero 26. Inilibing […]
BINATIKOS NG MGA grupo ng mangggagawa ang PNP matapos nitong i-anunsyo ang pagtatayo ng mga Joint Industrial Peace and Concern Office (JIPCO) sa mga sonang pang-ekonomya sa Central Luzon noong Enero 22. Ayon sa Center for Trade Union and Human Rights, ililigalisa lamang nito ang malawakang paglabag sa karapatang tao sa mga sonang pang-ekonomya. Pinagtibay […]
HUSTISYA ANG PANAWAGAN ng mga aktibista at kaanak ng konsultant ng National Democratic Front of the Philippines na si Randy Felix Malayao, isang taon matapos siyang paslangin. Nagprotesta sila noong Enero 30 sa harap ng Camp Melchor dela Cruz ng 5th ID sa Gamu, Isabela. Marahas na binuwag ng mga pwersa ng militar ang protesta. […]
Sa Northern Samar, 15 magsasaka mula sa Barangay Osmeña, Palapag ang inaresto noong Enero 22 at 23. Dinakip ng mga elemento ng 20th IB sina Constancio Capate Martinico, Renaldo Longcop, Gonzalo Magayes, Jomar Orua, Delphin Meraya Jr. at JR Laoreno. Dinala ang anim na magsasaka sa kampo kung saan sila ininteroga. Sa sumunod na araw, […]
ILANG ARAW MATAPOS i-utos ng Regional Peace and Order Council 11 ang pagpapasara ng UCCP Haran Center sa Davao City, sinalakay ito ng mga paramilitar noong Enero 25. Bitbit ang mga sundang, sinira ng mga kasapi ng Alamara, grupong paramilitar na hawak ng berdugong militar, ang mga pader at bakod ng Haran kung saan tumutuloy […]
MULING NAGTIPON ANG mga progresibong grupo at kaanak ng mga biktima ng Mendiola Massacre noong Enero 22 upang gunitain ang ika-33 taon ng masaker. Anila, bigo ang rehimeng Duterte na bigyang hustisya ang pagkasawi ng 13 magsasaka noong Enero 22, 1987 sa Mendiola, Manila. Ang 13 magsasaka ay kabilang sa libu-libong nagtungo noon sa Mendiola […]
Sa paligsahan ng mga kapitalista, itinuturing ni Ramon Ang na mapagpasyang papabor sa kanya ang proyektong New Manila International Airport. Mas kilala ito bilang Aerotropolis na itatayo ng San Miguel Holdings Corporation sa 2,500 ektaryang baybay-dagat ng Barangay Taliptip, Bulakan, Bulacan. Ngunit para sa mga mangingisda at residente sa lugar, sa laro ng malalaking negosyo, […]
Nalantad noong Enero 31 ang maanomalyang paggamit ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa tagong pondo nito noong 2019. Ginamit ng upisina ang P300 milyon para sa gawaing paniktik sa internet na labag sa malayang pamamahayag at posibleng pakikialam sa personal na impormasyon ng bawat Pilipino. Isiniwalat ito ni DICT Undersecretary Eliseo Rio […]
Kamakailan ay inulit na naman ni Pres. Rodrigo Duterte ang kanyang pagmamaktol sa gubyerno ng US. Nitong huli, inanunsyo niya na itutulak niya ang pagbabasura sa Visiting Forces Agreement (VFA). Gagawin daw niya ito sa loob ng isang buwan, kung hindi aayusin ng US ang visa o papeles ng masugid niyang tagapalakpak, ngayo’y senador, na […]
Download the issue here Pilipino: PDF Bisaya: PDF English: PDF Hiligaynon: PDF