Pope Francis: Pondo sa pagbili ng armas, ilaan sa pananaliksik


Nanawagan noong Mayo 31 si Pope Francis na “maantig nawa ang konsensya ng mga lider nang sa gayo’y ang napakalaking halagang para sa pagbili ng mga armas ay ilaan sa pagsusulong ng pananaliksik nang sa gayo’y maiwasan ang mga sakuna sa hinaharap.”
Aniya, kinakailangan ng mga lider na “tumanaw nang malayo, tulungan ang mga naghihikahos ngayon at magpatupad ng pangmatagalang mga solusyong sosyoekonmiko.”
Sinuportahan ng PKP ang panawagan ni Pope Francis. Anang Partido, isa itong kagyat na panawagan laluna sa harap ng papatinding militarismo at pasismo ng mga gubyerno sa iba’t ibang panig ng mundo habang nananalasa ang pandemya.
Kabilang dito ang rehimen ni Rodrigo Duterte na nagtulak sa pagbili ng bagong mga helikopter, bomba, kanyon at iba pang gamit pandigma laban sa nakikibakang mamamayan. Sang-ayon sa panawagan ng Santo Papa, dapat ipanawagan ng mamamayang Pilipino na ibaling ang pondong pandigma ni Duterte sa pananaliksik at pagpapatupad ng mga hakbang sa kalusugan at ekonomya para maibsan ang hirap na dinaranas nila.