Panununog sa Opol at iba pang kasinungalingan
Nilinaw ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Misamis Oriental na hindi sangkot ang Pulang hukbo sa ibinalitang panununog ng armadong tauhan sa apat na bahay at isang simbahan sa Barangay Limonda, Opol noong Mayo 28. Malaki ang posibilidad na ang panununog ay kagagawan ng 403rd IB na nagbalitang sumigaw pa diumano ng “Mabuhay ang NPA” ang mga salarin. Tanging ang mga sundalo ang nasa lugar sa panahong iyon.
Pinabulaanan naman ng BHB ng Northeastern Mindanao Region na nasawi sina Ka Maria Malaya at Ka Joaquin Jacinto, parehong tagapagsalita ng rebolusyonaryong kilusan, sa “serye ng labanan” noong Mayo 14-19. Pinalabas ng 401st IB na nasawi ng dalawang kasama, kasabay ng 18 pa, para pataasin ang makukuha nilang pabuya noong Mayo 28. Bago nito, inalok ni Duterte ng P2 milyon ang sinumang “makapagtuturo” ng mga “kumander” ng kilusan.