Napigilan ng mga residente ng Barangay Bito-on sa Jaro District, Iloilo City ang tangkang pagdukot ng isang kilalang lider-masa nitong buwan. Sama-samang naipagtanggol ng kanyang mga kapitbahay si Wilfredo “Tay Pido” Panuela, 65, isa sa mga lider ng Katilingban sang mga Imol sa Syudad (Kaisog) laban sa dalawang ahenteng paniktik ng estado. Hinarang ng taumbaryo […]
SA PRE-STATE OF the Nation Address Economic and Infrastructure Forum nga mga upisyal sa ekonomya, tinawag ng mga upisyal ng gubyerno na isang “napakalaking nakamit na lehislatura” ang Republic Act 11203 o Rice Liberalization Act. Isa itong malaking kalokohan dahil ang katotohanan, ang itinuturing nilang “tagumpay” ay malaking sakuna para sa masang magsasaka ng palay. […]
Kinahanglang tibuok-kusog nga batukan ug tapuson ang paghari sa nasudnong traydor nga si Duterte. Kaugmaon sa tibuok katawhan ug kinabuhi sa matag usa ka Pilipino ang nabutang sa kaalautan sa padayon nga pagluhod ni Duterte sa mga imperyalistang gahum. Daw gihalad na ni Duterte sa altar sa China ang kadagatan ug natural nga bahandi sa […]
Download the issuePilipino: PDF | EPUB | MOBIBisaya: PDF | EPUB | MOBIEnglish: PDF | EPUB | MOBIHiligaynon: PDF | EPUB | MOBIWaray: PDF
DI BABABA SA pitong taktikal na opensiba ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga prubinsya ng Quezon at Kalinga nitong nagdaang mga linggo. Di bababa sa 12 ang naitalang kaswalti ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Limang magkakahiwalay na operasyon ang inilunsad ng BHB-Quezon (Apolonio Mendoza Command) simula Hunyo 11 hanggang 26. […]
TUMIBAY ANG MGA batayan para patalsikin si Rodrigo Duterte bilang presidente sa pamamagitan ng impeachment dulot ng pagpapahintulot niya sa China na mangisda sa teritoryong dagat ng bansa. Idinadahilan ni Duterte ang “berbal na kasunduan” nila ni Xi Jinping, presidente ng China, na nabuo nang bumisita siya sa China noong 2016. Napagkasunduan diumano nila na […]
Sa ika-73 taon ng Fil-Am Friendship Day LAMPAS PITONG DEKADA na ang nakalilipas matapos bigyan ng huwad na kalayaan ng US ang Pilipinas. Hanggang ngayon, malinaw na dominado pa rin ng US ang ekonomya, pulitika, militar at kultura ng bansa. Dapat na itong wakasan para ganap nang lumaya ang mamamayan sa pagkaalipin ng bansa sa […]
LUMOBO NANG P1.9 trilyon ang pambansang utang ng Pilipinas mula nang maupo sa poder ang palautang na si Rodrigo Duterte. Noong Mayo, pumalo ang utang sa P7.9 trilyon, mas mataas nang 32% sa naiulat na P6 trilyong utang noong Hulyo 2016. Tumaas din ito nang 1.7% kumpara sa naitalang P7.8 trilyong utang noong Abril 2019. […]
Hampas ng batuta, pambobomba ng tubig at malalaking tipak ng bato ang bumulahaw sa mahigit 200 manggagawang natutulog sa kanilang kubol sa harap ng pagawaan ng Peerless Products Manufacturing Corporation (Pepmaco) sa Calamba, Laguna noong Hunyo 28, ala-una ng madaling araw. Isinagawa ang atake ng 20 maton ng kumpanya para buwagin ang piketlayn ng mga […]
IKINASA NG MGA manggagawang kasapi ng Kilusan ng Abanteng Seksyon ng Anakpawis sa NutriAsia (KASAPINA-OLALIA-KMU) ang kanilang welga sa harap ng pabrika sa Cabuyao City, Laguna noong madaling araw ng Hulyo 6. Kinandado ng daan-daang manggagawa ang tatlong tarangkahan ng planta para pigilan ang operasyon nito at harangan ang paglabas-masok ng mga produkto. Bilang tugon, […]