Mga opensiba sa Quezon at Kalinga

,

DI BABABA SA pitong taktikal na opensiba ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga prubinsya ng Quezon at Kalinga nitong nagdaang mga linggo. Di bababa sa 12 ang naitalang kaswalti ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Limang magkakahiwalay na operasyon ang inilunsad ng BHB-Quezon (Apolonio Mendoza Command) simula Hunyo 11 hanggang 26. Tatlo rito ay pananambang sa mga sundalo ng 80th at 85th IB na nagresulta ng tatlong patay at anim na sugatan sa mga sundalo.
Isa ang sugatan sa operasyong haras ng yunit ng BHB noong Hunyo 11 sa Lopez, Quezon. Inisnayp din ang mga nakahimpil na sundalo sa Barangay Malabahay, Macalelon noong Hunyo 26.
Isa naman ang napatay at isa ang nasugatan sa mga sundalo ng 50th IB sa Barangay Balantoy Balbalan, Kalinga. Pinaputukan sila ng mga Pulang mandirigma ng BHB-Kalinga (Lejo Cawilan Command) noong Mayo 30.

Mga opensiba sa Quezon at Kalinga