Ipinadala ng Department of Justice ang isang subpeona o pagpapatawag kina Jonila Castro at Jhed Tamano noong Oktubre 12 para harapin ang mga kasong perjury at slander na isinampa ng 70th IB. Naniniwala ang mga grupo sa karapatang-tao na ang mga ito ay pawang panggigipit at ganting-salakay matapos isiwalat ng dalawa ang ginawang pagdukot, tortyur […]
Apat na obispo sa Mindanao ang nanawagan para sa lubusang pagbabasura sa kasunduang nagpapahintulot sa Sagittarius Mines Incorporated (SMI) na minahin ang Tampakan copper-gold site sa Tampakan, South Cotabato. Isinumite ng mga obispo ang kanilang apela sa Presidential Action Center noong Oktubre 11. Isusumite rin nila ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). […]
Inihayag ng mga residente ng Barangay Pahanocoy, Bacolod City, Negros Occidental noong Oktubre 9 ang kanilang pagtutol sa 700-ektaryang proyektong reklamasyong nakatakdang isagawa sa baybayin ng kanilang barangay. Pinangunahan ng Pahanocoy Anti-Reclamation Movement (PARM), lokal na tsapter ng Bacolod Against Reclamation Movement, ang nagkakaisang pagtutol sa reklamasyong itinutulak ni Engr. Andres Taculod. Giit ng mga […]
Humarap sa dalawang magkasunod na konsultasyon sa mga ahensya ng gubyerno ang mga mag-aalimango at mangingisda sa Gubat, Sorsogon noong Oktubre 5 para igiit ang kanilang karapatan sa kabuhayan at ipahayag ang pagtutol sa pahirap na Fisheries Administrative Order (FAO) 264 at planong pagtatayo ng coastal road. Kinumpronta ng Save Gubat Bay Movement (SGBM) ang […]
Dapat kumilos ang masang CamNorteño at labanan ang nakaambang pagtatayo ng power plant sa bundok ng Labo–sa boundary ng Camarines Norte at Camarines Sur. Ang nasabing proyekto ay pangangasiwaan ng kumpanyang PGPCI na 100% pag-aari ng SM Investment Corporation ng pamilyang Lopez. Sasaklawin nito ang 93.34 km² ng kalupaan ng nasabing lugar. Matatandaang huling bahagi […]
Nag-eengganyo ang ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte ng walang rendang dayuhang pandarambong at malulubhang sakuna sa pagtutulak nitong palawakin at paramihin ang mga proyektong mina sa bansa. Sa prenteng kailangan ang pagmimina upang pasikarin ang ekonomya, isinasakatuparan nito ang imbing layunin ng imperyalismo na sairin ang likas yaman ng Pilipinas habang nagsusubi ang mga burukrata mula sa […]
Nanawagan ang Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan (PLM) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kagyat na bigyan ng ayuda ang mga maralitang residente ng Payatas, Quezon City na nalubog ng abot-baywang na baha noong huling linggo ng Setyembre. Dismayado sila sa kawalang aksyon ng gubyerno. Anila, ganito palagi ang sitwasyon ng mga residente […]
Naghain ng petisyon noong Setyembre 28 para sa “writ of amparo” at “habeas data” sa Korte Suprema ang mga abugado nina Jonila Castro at Jhed Tamano, mga aktibistang tagapagtanggol ng kalikasan na nakalaya mula sa pagdukot at iligal na detensyon ng 70th IB. Humingi din ang sila ng pansamantalang proteksyon para sa dalawang aktibista at […]
Iligal na pinasok ng armadong ahente ng estado ang mga tahanan ng 10 myembro ng Cota na Dako Crablet Workers Association at kinumpiska ang kanilang “duyan-duyan” o crab net noong Setyembre 22, bandang 6:30-7:30 ng umaga. Sinalakay ang mga bahay ng di bababa 25 elemento ng coast guard at pulis at mga tauhan ng Municipal […]
Nagdiriwang ang mamamayan ng Mindoro sa matagumpay na punitibong aksyon ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro laban sa quarrying contractor na Paolo Construction, pagmamay-ari ni Bongabong Mayor Elgin Malaluan, noong Setyembre 20, bandang 3:30 ng hapon. Sinira ng mga Pulang mandirigma ang isang bulldozer. Ipinaliwanag din nila sa ilang manggagawa ang mapaminsalang epekto ng quarrying […]