Ipinanawagan ng International People’s Front ang pagwawakas sa gera ng US at ng alyansang North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Ukraine isang taon mula nang ilunsad ito noong Pebrero 12. “Nananawagan ang International Peoples’ Front sa lahat ng mga mamamayan na magkaisa, mag-organisa at militanteng lumaban para wakasan ang gera ng US-NATO sa Ukraine,” ayon […]
Nagprotesta ang mga migranteng Pilipino, kaisa ng mamamayang Amerikano sa Times Square, Midtown Manhattan, New York City noong Pebrero 11 para kundenahin ang pagpapalawak militar ng US sa buong mundo at pagbabase ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas sa tabing ng tagibang na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Nagtipon ang mga grupo sa lugar kasabay […]
Umabot na 33,000 ang kumpirmadong nasawi sa lindol na yumanig sa hangganan ng Turkey at Syria noong Pebrero 6. Sa taya ng United Nations, maaaring umabot pa sa doble o higit pa ang kabuuang nasawi sa lindol na nasukat na may lakas na 7.8 magnitude. Ayon sa upisyal na mga ulat, 24,617 ka tao na […]
‘MARCOS DOROBO!’ o ‘Marcos magnanakaw!’ ang sigaw ng mga migranteng Pilipino sa isang protesta sa Tokyo Nihombashi Tower sa Tokyo City, Japan ngayong araw kasabay ng pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga Pilipino sa bansa. Si Marcos Jr ay nasa Japan muala Pebrero 8 hanggang 12. Binatikos ng mga migrante si Marcos Jr […]
Kinundena ng grupong Forum Against Corporatization And Militarization (FACAM) sa India ang panggigipit at pananakot ng mga pwersa ng estado sa 25 delegado ng isang fact finding mission ng Coordination of Democratic Rights Organisations (CDRO) sa bayan ng Dubbatota, Sukma District sa estado ng Chhattisgarh noong Pebrero 1-5. Layon ng misyon na mag-imbestiga kaugnay ng […]
Inilunsad ng halos kalahating milyong manggagawang bumubuo sa iba’t ibang unyon sa United Kingdom ang mga pagkilos noong Pebrero 1 para ipagtanggol ang kanilang karapatan sa pagwewelga. Nasa sentro ng paglaban na ito ang pagtatakwil sa ipinapanukalang batas kontra-welga (Strikes Bill). Laman ng panukala ang pagpwersa sa mga unyon na mag-iwan ng mga nagtatrabahong mga […]
Hustisya! Ito ang sigaw ng mga kamag-anak at kaibigan ni Jullebee Ranara, sampu ng mga kapwa niyang mga migranteng manggagawa. Si Ranara, isang kasambahay, ay natagpuang patay sa gitna ng disyerto ng Kuwait noong Enero 22. Siya ay pinaniniwalaang ginahasa bago pinatay. “Nananawagan kami na agarang resolbahin at dalhin sa kaparaanan ng hustisya ang pumaslang […]
Dalawang milyong mamamayan ang nagwelga at nagprotesta sa iba’t ibang bahagi ng France noong Enero 22 para labanan ang panukalang pagtataas ng edad sa pagreretiro mula 62 tungong 64 taong gulang. Layunin ng panukala na patagalin ang pagpiga pareho sa lakas-paggawa ng mga manggagawa at buwis sa kanilang mga sahod. Pinakamalaki ang protesta sa Paris, […]
Kinundena ng mga progresibong manggagawa at mamamayan sa Asia at sa buong mundo ang ginawang pagreyd ng gubyerno ng South Korea sa tanggapan ng Korean Confederation of Trade Unions (KCTU) noong Enero 18. Sa press conference na isinagawa ng komite sentral ng kumpederasyon, isinalaysay nito kung paanong pwersahang pinasok at 10 oras na hinalughog ng […]
Halos kalahating milyong manggagawa na kabilang sa mga unyon sa United Kingdom ang naghahandang magwelga para ipaglaban ang makaratungang pagtaas ng kanilang sahod sa gitna ng pagsirit ng implasyon at pagtaas ng cost of living sa bansa. Karamihan sa kanila ay halos isang dekada nang di nakatatanggap ng dagdag-sahod, at sa aktwal ay dumanas pa […]