Archive of Peasants

Ika-37 anibersaryo ng Mendiola Massacre, ginunita ng mga grupong magsasaka
January 23, 2024

Ginunita ng mga grupo ng mga magsasaka, kabataan at iba pang demokratikong sektor ang ika-37 anibersaryo ng Mendiola Massacre noong Enero 22. Higit 250 katao ang dumalo sa porum na pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at NNARA Youth UP Diliman sa University of the Philippines (UP)-Diliman, na sinundan ng […]

Lider-magsasaka sa Cebu, inaresto
January 22, 2024

Iniulat ng Karapatan-Central Visayas ang pag-aresto sa lider-magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP)-Cebu na si Allan Flores noong Enero 21 sa kanyang sakahan sa Sibagay 2, Barangay Cantabaco, Minglanilla, Cebu. Anang grupo, dinampot si Flores ng nakasibilyang mga ahente ng estado na umano’y naghain sa kanya ng mandamyento de aresto. Mayroong mga nakasampang kasong […]

Digmang bayan ang tanging daan sa pagkamit ng hustisya sa mga biktima ng Mendiola Masaker
January 22, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Southern Tagalog | Eduardo Labrador | Spokesperson |

Sa ika-2 ng Enero, 37 taon, pampitong rehimen ang ilehitimong administrasyon ni Marcos Jr, wala pa ring natatamong hustisya ang 13 biktimang magbubukid ng karumal dumal na masaker sa paanan ng Mendiola. Malinaw ang may sala, ang militar at Philippine Constabulary o PC. Walang sinuman ang naparusahan. Larawan ito ng kabulukan at umaalingasaw na reaksonaryong […]

Masaker sa Mendiola, simbolo ng kawalang-hustisya para sa masang magsasaka
January 22, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Batangas | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Batangas |

Tatlompu’t pitong taon na ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa alaala ng maraming Pilipino ang Mendiola Masaker—ang walang-habas na pagpaslang ng berdugong pulis at militar sa 13 magsasaka na nagkilos-protesta upang singilin ang rehimeng US-Cory sa pangako nitong repormang agraryo sa mga magbubukid. Sa halip na tugunan ang matagal nang panawagan ng karaniwang mamamayan […]

2 magsasaka, pinaslang ng 62nd IB sa modus na pekeng engkwentro
January 21, 2024

Dinampot at tinortyur, bago pinaslang ng mga sundalo ng 62nd IB ang dalawang magsasaka sa Barangay Sag-ang, La Castellana, Negros Occidental noong Enero 17 ng umaga. Para pagtakpan ang kanilang karumal-dumal na krimen, pinalalabas ng mga sundalo na napatay sina Boy Baloy, 60 anyos, at Bernard Torres, 50, sa modus nito na pekeng engkwentro. Sa […]

Tanging Digmang Bayan ang daan para sa pangmatagalan at makatarungang kapayapaan at hustisyang panlipunan
January 17, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Southern Tagalog | Eduardo Labrador | Spokesperson |

Katawa-tawa, makaisang panig at nagpakita ng sukdulang kamangmangan ang mga pahayag ng Asistant Director General na si Jonathan E. Malaya ng National Securty Council sa kanyang panayam sa isang burges, reaksyonaryo at komersyalisado na lokal na istasyon ng radyo/telibisyon sa bansa. Puno rin ng salamangka at paglulubid ng buhangin ang kanyang sinulat sa Rappler. Bentang […]

Mga magsasaka ng Lupang Ramos sa Cavite, sinisindak ng militar
January 16, 2024

Pinasok ng limang elemento ng Philippine Army Scout Ranger lulan ng isang trak ng militar ang komunidad ng Lupang Ramos sa Dasmariñas, Cavite noong Enero 15. Binatikos ng Katipunan ng mga Lehitimong Magsasaka at Mamamayan sa Lupang Ramos (Kasama-LR) ang pagpasok ng mga sundalong may dalang matataas na kalibre ng armas sa kanilang komunidad. Anila, […]

Panata ng pagwawasto mula sa NPA Masbate: Ibayong pagsulong ng armadong pakikibaka para sa katarungan
January 16, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Sa ilalim ng batas militar sa Masbate, ang biktima ang nagiging kriminal, at ang kriminal ang nagiging biktima. Sa resolusyon ng inutil na pamprubinsyang piskalya, lilitisin sa kasong frustrated murder ang mga biktimang sina Jamara Tumangan, Rowel Hagnaya, Alden Tumangan, Rico Cuyos at Senen Dollete na walang habas na pinagbababaril ng militar sa Barangay Balantay, […]

Kabataang magsasaka, dinukot ng 62nd IB sa Negros Occidental
December 27, 2023

Dalawang araw bago ang Pasko, walang renda sa paghahasik ng terorismo ang 62nd IB sa bayan ng La Castellana, Negros Occidental. Dinukot ng tropa ng 62nd IB ang kabataang masasaka na si Allan Paul Rayna mula sa bahay ng kanyang pamilya noong Disyembre 23 sa Sityo Tayubong, Barangay Puso. Hindi pa siya natatagpuan hanggang sa […]

Pagtatayo ng Cabacanan Dam sa Ilocos Norte, tinututulan
December 27, 2023

Nagpahayag ng matinding pagtutol ang Isnag Yapayao Balangon Tribal Council Inc (IYBTC) at Isnag Yapayao Ugayam Tribal Council (IYUTC) sa planong pagtatayo ng ₱800-milyong Cabacanan Small Reservoir Irrigation Project (CSRIP) sa kabundukan ng Barangay Saguigui, Pagudpud, Ilocos Norte. Nakatakdang magtayo ng malaking dam para sa proyekto sa naturang barangay at katabing Barangay Dampig na sakop […]