Tanging Digmang Bayan ang daan para sa pangmatagalan at makatarungang kapayapaan at hustisyang panlipunan

,

Katawa-tawa, makaisang panig at nagpakita ng sukdulang kamangmangan ang mga pahayag ng Asistant Director General na si Jonathan E. Malaya ng National Securty Council sa kanyang panayam sa isang burges, reaksyonaryo at komersyalisado na lokal na istasyon ng radyo/telibisyon sa bansa. Puno rin ng salamangka at paglulubid ng buhangin ang kanyang sinulat sa Rappler.

Bentang benta sa hosts ng naturang programa ang mga kabalbalan at kasinunalingan ni Malaya. Ayon sa kanila, mula pa taong 1987 ay hindi na sinsero ang NDFP sa usapang pangkapayapaan. Malisyosong paratang din ang pahayag na “ang NDF ay pumapasok sa muli para sa peace talks, pero nanawagan ng Iwasto ang mga pagkakamali at palakasin ang Partido! Buklurin at pamunuan ang malawak na masa ng sambayanang Pilipino sa paglaban sa rehimeng US-Marcos! Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan! sa ika-55 pahayag ng PKP.” Ipinipilit pa rin ng dating ‘parrot’ ng DILG na si Malaya na ang pagpasok ng NDFP ay nasa balangkas at yuyukod sa reaksyonaryong saligang batas ng GRP. Ilan lang ito sa mga tampok na ipinutak ni Malaya sa kanyang panayam noong nakaraang Enero 15, 2024.

Hindi namumutaktakan ni Malaya na mismong ang papet na rehimeng US-Cory Aquino, ang kanyang Kalihim ng Tanggulang Pambansa o DND na si Heneral Fidel Ramos ang mga promotor at maysala sa pagdiskaril ng usapang pangkapayapaan noong 1987. Sa eksakto, ang Masaker sa Mendiola na kumitil sa buhay ng 13 magsasaka na humihiling ng Tunay na Reporma sa Lupa, ang isa sa malinaw na kawalan ng ng sinsiredad ng Rehimen ni Cory Aquino. Isa rin sa mortal na kasalanan ng rehimen ni Cory Aquino ay ang pagpapakita niya ng sukdulang pagkapapet ng pagnanais niya na manatili ang base militar ng Kano sa kabila na ito ay expired na ang pananantili sa bansa ng lagpas Septyembre 1991, ayon sa nakasaad sa 1987 na Saligang Batas. Ipinakita rin ang pangil ng rehimen ng ipinatupad niya ang “total war” na nakapadron sa US Low Intensity Conflict. Higit sa lahat, pakitang tao lamang ito ng rehimeng C. Aquino para makahinga at makapagkonsolida ng kanyang paghahari, pakatandaan, si Gng Aquino, ay Hasyendera at malaking burges komprador burges.

Ang mga sumunod na rehimen, mula sa mga Pangulong Heneral na si FVR, Joseph ‘Erap’ Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, Benigno Aquino, Jr, at ang mamamatay tao, pasista, tupaken at bengador na si Rodrigo Duterte ay nagsusulong at pinatigas ang interes ng kanilang naghaharing paksyon-reaksyonaryo at among Imperyalistang US. Ang pagpasok ng mga ito sa usapang kapayapaan, kailanman ay hindi para sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan. Iginigiit nila ang pag-yukod sa burges at reaksyonaryong saligang batas ang balangkas ng pag-uusap, hindi pagkilala sa mga naunang kasunduan (hal. JASIG, CARHRIHL), lokalisadong peace talks, pagsasalong ng armas at pag-iwan ng armadong pakikibaka. Sa tuwina ay para lamang makapagkonsolida ang bagong reaksyonaryong rehimen, para makapagpakawala ng mga magkakasunod na OPLAN laban sa kilusang rebolusyonaryo at mga pambansa demokratikong organisasyong nakikibaka at mamamayan.

Kung tunay ngang sinsero ang GRP sa peace talks, hinahamon namin ang anak ng diktador na si Marcos Jr, na kahit sa balangkas ng mga burges at reaksyunaryong batas ay magkakaroon siya ng programa para sa reporma sa lupa. Iabandona ang mga neoliberal na patakaran sa agrikultura, at mga pinasok na kasunduan sa GATT-WTO, RCEP; ihinto ang kaliwa at kanang palit-gamit at kumbersyon ng lupa at pananim. Lubayan ang planong Chacha at People’s Initiative.

Gayundin ang mga patuloy na pagpasok sa mga pagsasanay militar katuwang ang imperyalistang US at Japan na lalong maglalagay sa mamamayang Pilipino at bansa na target sa napipintong gyera ng mga imperyalistang bansa. Magnet ang nakakalat na base sa bansa, sa pamamagitan ng EDCA, na magigng lunsaran at pagpapatatag ng hegemoniya ng US sa Asia Pasipiko. Malinaw na indikasyon ng paghahanda sa gyera ay ang pag-iipon ng milyong litro ng petrolyo sa lalawigan ng Zambales.

Nakakahabag rin si Malaya na kwestyunin ang ika-55 taong pahayag ng komite sentral ng Partido. Pagpapakita ito ng kababawan sa pag-unawa ng dinamiko ng mga kasaping rebolusyonaryong organisasyon ng NDFP, ito ay konsultatibo, konsensual at nanatili ang inisyatiba. Ibig sabihen, taimtim na sinusunod ng CPP-NPA ang kanilang sariling saligang batas, programa, estratehiya at plano ng di nakakahon sa pagiging kasapi ng NDFP. Malinaw pa sa sikat ng araw na ang pagpasok ng GRP at NDFP sa usapang pangkapayapaan ay pagkilala sa Status of Beligerency. Rekognisyon ito ng GRP at maging ilang pandaigdigang institusyon.

Sa ultimo, G. Malaya, sa patron mong si Marcos Jr, at sa nakakubling kamay ng US, kailanman ay hindi bibitawan ng CPP-NPA ang armas at kakumplementang kilusang masa para sa pagkamit ng tagumpay ng pambansa demokratikong rebolusyon o kahit sa pagpasok sa usapang pangkapayapaan. Hawak ng PKP-MLM at NPA ang aral ng pagsalong ng armas sa mga kilusang rebolusyonaryo ng Nepal, Columbia at Turkey na nabuslo sa pagsuko at kapitulasyon. Ang CASER, ang ubod nito ay ang Repormang Agraryo at Kaunlaran sa Kanayunan o ARRD, kaya ang PKM-TK ay buo ng suporta sa pagkakaroon muli ng pag-sisimula ng usapang pangkapayapaan.

Higit sa lahat ang PKM-ST ay isa sa mga taimtim na tatalima sa panawagan ng ating mahal na Partido, ng Komite Sentral at partikular na panawagan ng Komite ng Rehiyon ng TK para ubos kayang pagsusulong at pagkamit ng kilusang pagwawasto. Sa pamamagitan ng pagpapanibagong sigla ng kilusang magsasaka sa rehiyon at mga probinsya at pag-aabante ng mga anti-pyudal na pakikibaka, pagbali ng galugod nang pyudalismo sa kanayunan, sa dulo sa pag-abot ng susunod na yugto ng ating digmang bayan at tagumpay ng PDR ng bayan.

Tanging Digmang Bayan ang daan para sa pangmatagalan at makatarungang kapayapaan at hustisyang panlipunan