Pinatay ng mga bayarang ahente ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang magsasakang si Arnel Halum noong Nobyembre 5 sa Sityo Kamandag, Barangay San Pascual, Casiguran, Sorsogon. Tumutulong siya sa kanyang bayaw sa pagbubunot ng niyog sa panahong iyon. Si Halum, 42 taong gulang, ay isang magsasaka na residente ng Barangay San Pascual at […]
Mariing kinukundena ng rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon ang ekstrahudisyal na pamamaslang kay Arnel Halum kahapon, Nobyembre 5, sa pagitan ng alas 12 hanggang ala-1 ng hapon, sa Sitio Kamandag, Barangay San Pascual, Casiguran. Si Halum, 42 taong gulang, ay isang magsasaka na residente ng Barangay San Pascual, Casiguran at naging myembro ng NPA noong 2007-2009. […]
Mariin ang pagtutol ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM)-Rizal sa pagkakatalaga kay Francisco Tiu Laurel bilang kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura (Department of Agriculture-DA). Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Tiu-Laurel sa mga namuhunan sa kandidatura ni Marcos Jr. sa halagang limampung milyong piso. Dalawampung milyong piso para kanyang kampanya at tatlumpung […]
Binatikos ng mga grupong magsasaka, manggagawang-bukid at mangingisda ang pagtatalaga ni Marcos Jr kay Francisco Tiu-Laurel Jr bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA). Anang mga grupo, ang ipinalit ni Marcos sa poder ay katulad niyang walang alam sa agrikultura at walang rekord ng pagsisilbi sa bayan. Malinaw din umanong pabor ito ng pangulo kay […]
Nakatakdang i-demolis ngayon ang mahigit 100 na mga bahay sa panabing kalsada ng Purok 3, 4, 5 at 6 ng Barangay Exciban sa bayan ng Labo dahil sa pagpapalaki ng kalsada na bahagi ng pagpasok at pag-opereyt ng pagmimina ng MLEDC sa Barangay Dumagmang, katabing baryo ng Exciban. Ang nasa likod ng road widening na […]
Serye ng Focused Military Operations (FMO) ang inilunsad ng 7th ID sa hilagang bahagi ng Zambales Mountain Range sa buong taon ng 2023. Tuloy-tuloy at papaigting na kampanyang militar ng AFP ang kinakaharap ng mamamayan ng Zambales, Tarlac at Western Pangasinan. Nagmistulang war zone ang mga baryo. Dinaig pa ang panahon ng Martial Law noong […]
Sa atas ng mangangamkam ng lupa, dinemolis ng mga sundalo ng 88th IB at ng lokal na pulis ang 27 kabahayan, sa P4, Barangay Guinuyuran, Valencia City, Bukidnon noong Setyembre 26. Ang 69-ektaryang lupang inaagaw ni Dr. Roperto Kisteria simula pa 2016 ay pag-aari ng 26 na magsasakang mayroong hawak na papeles. Ayon sa pamilya […]
Tinatayang nasa 50.9 milyon o 44.7% ng mga Pilipino ang dumanas ng katamtaman (moderate) hanggang pamalagiang (chronic) “food insecurity” o kalagayang wala silang katiyakan kung saan kukunin ang sunod na makakain. Ang ganitong pagtaya ay nakabatay sa isinagawang sarbey ng United Nations na sumasaklaw sa mga taong 2020 hanggang 2022. Pinakamataas ang bilang ng mga […]
Nagdudulot ng malawakang kagutuman at kahirapan ang blokeyong pang-ekonomya na ipinapataw ng mga yunit ng 2nd ID sa mga barangay ng General Nakar, Quezon. Ang blokeyo ay ipinataw ilang linggo mula nang simulan ng 80th IB, 1st IB at Special Action Forces ng pulis ang kanilang operasyong militar sa naturang bayan noon pang Setyembre. Pangunahing […]
Nagdulot ng labis na takot at perwisyo sa mga residente ang isang linggong pambobomba at panganganyon ng 87th IB sa mga sakahan sa mga barangay ng San Nicolas at Aguingayan sa San Jose de Buan, Western Samar noong Setyembre 23 hanggang Setyembre 29. Araw-gabi ang pambobomba ng militar gamit ang 105mm at 155mm howitzer nito. […]