Tiyak na magbabayad ang mga militar na sangkot sa pagpatay kay Jimmy Pautan, mahigit 50 anyos nitong Abril 11, 2024, 5:00am sa Sityo Tadloy, Barangay Luna, bayan ng Placer at kay Elorde “Nonoy” Almario sa Barangay San Carlos, bayan ng Milagros noong Abril 2, 2024. Matapos patayin, pinalabas si Pautan na isang NPA na napatay […]
Tahimik na binubungkal ng mga magsasaka ang lupaing Triple A sa bayan ng Cawayan, bahagi ng mga kinumpiskang yaman ng pamilyang Marcos. Mapayapa itong naipaglaban at nakamit ng mga magsasaka. Lahat ng ligalidad at pagiging lehitimo ay taglay ng mga magsasaka sa naturang lupain, lalupa’t nakapailalim ito kahit sa mismong huwad na programang agraryo ng […]
Panibagong palabas na labanan ang ipinakana ng 2nd Infantry Battalion-Phil. Army sa Sityo Cayang, Barangay Liong, bayan ng Cataingan noong Marso 11, 2024. Walang yunit ng NPA sa naturang lugar. Nagdulot ng takot, laluna sa mga senior citizen, ang walang habas na pagpapaputok ng militar sa naturang lugar. Dahil din sa takot, napuwersa ang mga […]
Malinaw na isa sa mga nakikitang motibo sa pagpatay sa matandang mag-asawang sina Pedro at Florencia sa Barangay Tuburan, bayan ng Cawayan ay ang plano ni Gov. Antonio T. Kho na palayasin ang mga magsasaka sa lupaing Triple A. Ang Triple A ay lupaing bahagi ng mga nakaw na yaman ng pamilyang Marcos na sinekwester […]
Ipinapaabot ng masang CamNorteño ang pakikidalamhati sa mga pamilya ng halos isang daang biktima na nasawi sa pagguho ng lupa sa Masara, Maco, Davao de Oro noong Pebrero 6. Gayun din, kaisa ng mamamayan ng Davao de Oro ang mamamayan ng Camarines Norte na mariing tumutuligsa at direktang kumukundena sa kumpanya ng Apex Mining Corporation […]
Sunud-sunod na mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao ang naitala sa Masbate sa unang bahagi ng 2024 matapos ang panibagong deklarasyon ng rehimeng US-Marcos na durugin ang NPA bago matapos ang taon. Karamihan sa mga biktima’y mga magsasaka sang-ayon sa nagpapatuloy na kampanya ni Marcos at lokal na tuta tulad ni Gov. Antonio T. Kho […]
Pinakamataas na parangal at pagpupugay ang iginagawad ng Partido Komunista ng Pilipinas-Camarines Norte kay Ruben “Ka Rocky/Ka Bruno/Ka Bru” Abiso, na namartir sa isang depensibang labanan sa Sitio Abuyog, Barangay Macugon Labo, Camarines Norte noong Noyembre 25, 2023. Si Ka Ruben na mas kilala ng mga masa at kasama na Ka Bruno o Ka Bru […]
Dapat puspusang labanan ng mamamayan ng Camarines Sur ang Cha-Cha na tiyak na aagaw sa kanilang karapatan sa lupa at kabuhayan. Para sa masa ng Camarines Sur, ano nga ba ang Cha-Cha o ang Charter Change? Ito ay ang pag-amyenda o pagrebisa sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987. May tatlong paraan sa pagbabago ng […]
Labis-labis ang puot at galit ng masang CamNorteño sa mga butangerong paksyon ng Marcos Jr at Duterte sa pag-aagawan ng kapangyarihan sa pulitika. Sa mando ng Imperyalismong US pinipilit isulong ni BBM at mga kroni nito ang Charter Change o ang pag amyenda sa Saligang Batas ng Pilipinas 1987 sa anyo ng Peoples Initiative para […]
Mapagpalayang pagbati sa mga kaibigan sa hanay ng midya! Napakakritikal ng institusyon ng midya sa pagbabago ng lipunan bilang inaasahang instrumento ng katotohanan at pagpapahayag ng mamamayan, laluna sa kasalukuyang yugto ng lipunan kung saan laganap ang disimpormasyon, misimpormasyon at iba pang porma ng kasinungalingan. Sa kasaysayan, ang karapatan sa malayang pamamahayag ay nagmula […]