Archive of Teachers

Lala ng krisis sa edukasyon, tampok sa lubos pagbubukas ng mga klaseng F2F
November 03, 2022

Pinatampok ng lubos na pagbubukas ng face-to-face (F2F) harapang klase sa mga paaralan noong Nobyembre 2 ang lala ng krisis ng batayang edukasyon sa Pilipinas. Kaliwa’t kanan ang bumulagtang mga problema sa mga eskwelahan at hindi lahat ang kinayanang magbukas. Ibinunyag ng ng Alliance of Concerned Teachers of the Philippines ang maraming kaso ng kung […]

Mga guro, pinatatanggal ang modyul na tinatawag na “bagong lipunan” ang batas militar
October 21, 2022

Mariing iginiit ng mga guro sa Alliance of Concerned Teacher na iatras ng Department of Education ang isang modyul kung saan inilarawan ang batas militar bilang “yugto ng bagong lipunan.” Iniulat ng mga guro mula sa Quezon City at Iloilo ang gayong pinalalaganap na modyul. Ayon sa grupo, dapat agad na bawiin at tanggalin ng […]

Dagdag oras ng pagtuturo, dagdag pahirap at di sagot sa krisis sa edukasyon
October 05, 2022

Binatikos ng mga guro sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines, ang memorandum ng Department of Education sa Region 7 na nag-oobliga sa mga guro na magdaos ng mga “remedyal na klase” sa 10 eskwelahan para mga estudyanteng nahuhuling matutong magbasa. Ayon sa ACT, nagrereklamo ang mga guro sa maraming rehiyon dahil sa kautusang ito […]

Pagsasaayos ng mga eskwelahang nasira ng bagyong Karding, pinabibilis ng mga guro
September 27, 2022

Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Department of Education (DepEd) at gubyernong Marcos na kagyat na isaayos ang mga eskwelahang nasira dulot ng superbagyong Karding na tumama sa malaking bahagi ng bansa noong Sabado at Linggo. Ayon sa ACT, dapat mabilis na ayusin ang mga nasirang eskwelahan dahil makaaapekto ito sa 100% harapang […]

Mga sektor sa Pisay, tutol sa kasunduan sa RTF-Elcac sa West Visayas
September 18, 2022

Nagpahayag ng nagkakaisang pagtutol ang mga mag-aaral, guro, istap, alumni at mga organisasyon ng iba’t ibang kampus ng Philippine Science High School (PSHS o Pisay) sa binuong kasunduan ng PSHS-Western Visayas Campus (WVC) at ng Regional Task Force-Elcac Region 6 para itatag diumano ang mga “zone of peace” sa mga paaralan. Naniniwala silang bibigyang-daan nito […]

Dinggin ang mga guro! Padagundungin ang ating mga panawagan sa buong bansa!
September 16, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Katipunan ng mga Gurong Makabayan-Bicol |

Mga kapwa guro, Tayo ang tagapag-aruga ng ating bayan. Inialay natin ang ating mga sarili sa pagpupunla ng karunungan. Tayo ang mga tagapagtanggol ng edukasyon bilang likas na karapatan ng bawat Pilipino anuman ang kanyang pinagmulan. Ilinaan natin ang ating talino, lakas at kakayahan para sa kapakanan ng bansa. Marami sa atin ang nagbigay ng […]

Let teachers be heard! Let our demands reverberate throughout the nation!
September 16, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Katipunan ng mga Gurong Makabayan-Bicol |

To our fellow teachers, We are the nurturers of this nation. We have devoted ourselves to the cultivation of knowledge. We are the defenders of education as a birth right for every Filipino regardless of their roots. We have dedicated our intellect, strength and skills to this country’s welfare. Many of has have spent decade […]

Badyet 2023 para sa utang, pasismo at korapsyon
August 26, 2022

Pinabulaanan ng ACT Teachers Party-list ang pinalalabas ng rehimeng Marcos na ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking bahagi sa badyet na isinumite nito sa Kongreso. Ang totoo, ang pinakamalaking alokasyon ay nakalaan sa pagbabayad ng utang. Tinatayang aabot sa ₱14.63 trilyon ngayong taon ang utang ng Pilipinas. Halos sangkatlo (₱1.6 trilyon) sa ₱5.263 trilyong […]

Unang araw ng harapang klase, batbat ng problema; dagdag badyet sa edukasyon, iginigiit
August 24, 2022

Kaliwa’t kanan ang lumitaw na problema sa pagbubukas ng harapan o face-to-face na klase sa buong bansa noong Lunes. Matapos ito ng higit dalawang taon na pagkatengga at lubhang naantalang harapang klase dahil sa palpak na pagtugon ng gubyerno sa pandemyang Covid-19. Naantala na nga, batbat pa rin ng sandamakmak na suliranin ang unang araw–kulang […]

Dalawang bagong unyon ng mga guro, itinayo sa NCR
August 12, 2022

Inianunsyo ng panrehiyong balangay ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa National Capital Region (NCR) ang pagtatatag ng dalawang unyon ng mga guro sa Pasig City at Paranaque City. Ipinaskil ang anunsyo sa Facebook page ng ACT NCR. Ang ACT ay isang progresibong organisasyon ng mga guro na binuo noong Hunyo 26, 1982 para pagbuklurin […]