Naglunsad ng pagtitipon ang iba’t ibang mga sentrong unyon at samahan sa ilalim ng All Philippine Trade Unions (APTU) noong Abril 26 para ianunsyo ang pagsasama-sama nila sa pagmartsa sa darating na Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Mayo 1. Ayon sa APTU, magmamartsa ang 10,000 manggagawa mula España patungo sa Mendiola sa Maynila para igiit […]
Nanawagan ng hustisya ang grupong BPO Industry Employees Network (BIEN) Philippines sa pagpaslang sa unyonista at kasapi nitong si Alex Dolorosa sa Bacolod City. Natagpuan ang kanyang bangkay sa Villa Sto. Rosario, Barangay Alijis noong Abril 24. Ayon sa BIEN Philippines, si Dolorsa ay isang paralegal at unyonista-organisdor ng balangay nito sa Bacolod City. Bahagi […]
Nagtagumpay ang mga manggagawa ng Globesco, isang kumpanya na nagpapanupaktura ng pintura sa Quezon City, sa pangunguna ng unyon nilang Globesco Free Workers Union, sa pagkamit ng dagdag sahod at karagdagang mga benepisyo sa Collective Bargaining Agreement (CBA) ng unyon at maneydsment noong Abril 18. Ayon sa ulat ng Alliance of Nationalist and Genuine Labor […]
Naglunsad ng protesta ng iba’t ibang mga grupo ng mangggawa at ibang sektor sa Monumento sa Caloocan noong Abril 15 para igiit ang dagdag na sahod ng mga manggagawa at pagtatanggol sa kanilang mga karapatan. Ayon sa Anakbayan South Caloocan, ang naganap na protesta ay bahagi ng “Payday Protest” at bahagi ng paghahanda para sa […]
Nagsampa ng pinag-isang petisyon sa Regional Wage Board IV-A ang 12 grupo sa paggawa sa ilalim ng Workers Initiative for Wage Increase (WIN4WIN) para sa dagdag-sahod kahapon, Marso 27. Layunin ng petisyon na itaas tungong ₱750 kada araw ang iba’t ibang antas ng sahod sa rehiyon. Sa kasalukuyan, mayroong apat na “klasipikasyon” ang sahod sa […]
Nagprotesta noong Marso 24 ang mga kawani ng gubyerno para ipanawagan ang pagbabasura sa Joint Circular No. 2 S. 2020 ng Department of Budget and Management at Commission on Audit na nag-awtorisa sa mga ahensya ng gubyerno na kumuha ng mga manggagawa sa mga labor agency. Isinagawa ang protesta sa harap ng upisina ng DBM. […]
Nagpiket ang mga manggagawa at kinatawan ng 15 lokal na unyon at walong pambansang pederasyon kahapon sa upisina ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – National Capital Region kasabay ng paghahain nila ng petisyon sa karagdagang ₱530 sa minimum na sahod. Pinangunahan ang sama-samang pagkilos na ito ng Unity for Wage Increase (Uwin). Bago […]
Tulad ng inaasahan, dumami ang bilang ng mga manggagawang Pilipino na walang trabaho noong Enero. Pinatingkad nito ang kahungkagan ng mga pahayag ng mga upisyal sa ekonomya ng rehimeng Marcos na “bumabawi na” ang ekonomya. Pinasisinungalingan din nito pahayag ni NEDA Sec. Artemio Balisacan na “masigla” ang istatus ng empleyo sa bansa at “tumataas” na […]
Nasa ikalawang linggo na ng welga ang mga drayber at konduktor ng bus ng Admiral Transport Inc. sa garahe ng kumpanya sa Quezon City. Ang mga bus ng kumpanya ay bumibyahe sa ruta ng EDSA Carousel. Ikinasa ng Admiral Transport Workers Union ang welga matapos tumanggi ang maneydsment sa hiling ng mga drayber na dagdag […]
Kasado na ang Ateneo Employees and Workers Union (AEWU) para sa isang welga matapos bumoto pabor sa welga ang mga manggagawa at empleyado ng Ateneo de Manila University noong Marso 10. Naitala ng unyon ang botong 201 na ‘Oo’ habang 4 ang botong ‘Hindi.’ Ang pagboto para sa welga ay isinagawa matapos humantong sa dalawang […]