Binatikos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Ilocos ang kakarampot na ₱35 dagdag-sahod na inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong nakaraang linggo. Sisimulang ipatupad ang dagdag-sahod ng mga manggagawa sa Nobyembre 6. “Maliwanag na ang kakarampot na dagdag-sahod na ito ay hindi makasabay sa patuloy na pagsirit ng presyo ng bigas, langis at iba […]
Inilunsad ng mga demokratiko at progresibong organisasyon ang tatlong araw na parangal para kay Jude Thaddeus Fernandez, beteranong organisador ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sa University of the Philippines (UP)-Diliman noong Oktubre 10 hanggang Oktubre 12. Nagsimula ang parangal kay Ka Jude sa pagsalubong ng mga organisasyon sa kanyang labi noong Oktubre 10 upang ihatid […]
Nabawi na ng pamilya at mga kasapi ng mga progresibong organisasyon, ang labi ni Jude Thaddeus Fernandez, organisador at lider ng kilusang paggawa, kahapon, Oktubre 7. Mahigit isang linggong tumanggi ang mga pwersa ng estado na ibigay sa pamilya ang bangkay. Nabawi ang kanyang labi sa gitna ng mga protesta ng iba’t ibang grupo ng […]
Nilikida ng mga pulis ang organisador ng mga manggagwa na si Jude Thaddeus Fernandez sa kanyang tinutuluyang bahay sa Binangonan, Rizal noong Setyembre 29, bandang alas-4 ng hapon. Ayon sa mga ulat, nireyd ng mga tauhan ng mga pulis na kabilang sa CIDG ang tinutuluyan niyang bahay kung saan siya binaril. Matapos nito ay pinalabas […]
Tinawag ng mga manggagawa sa Central Luzon na “batay sa salamangka” ang iginawad na dagdag-sahod ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region III (RTWPB III) noong Setyembre 28. Nakasaad sa inilabas ng ahensya na Wage Order No. RBIII-24 ang kakarampot na ₱40 na dagdag sa kasalukuyang ₱460 arawang minimum sa mga empresang may 20 […]
Ibinalita ng AMA Sugbo-KMU noong Setyembre 25 ang dalawang beses na panggigipit ng mga pulis sa kanilang mga kasapi sa ngalan ng Executive Order 23 (EO 23). Binuo ng kautusang ito ang Inter-Agency Committee for the Protection of the Freedom of Association and Right to Organize of Workers, ang huwad na tugon ng rehimeng Marcos […]
Nagprotesta ang mga manggagawang kasapi ng unyon sa Nexperia Philippines sa planong pagsisante ng kumpanya sa walong manggagawa nito, kabilang ang tatlong upisyal ng unyon, sa pamamagitan ng mandatory separation. Tinawag nilang “tahasang pambabalusabas” sa kanilang collective bargaining agreement (CBA) ang gagawing tanggalan partikular sa probisyon na Last In First Out (LIFO). Para bigyan-katwiran ang […]
Naipanalo ng militante at makabayang unyon na Panadero ng Philfoods Fresh Baked Product Inc (PPFBPI)-OLALIA-KMU ang eleksyon sa sertipikasyon para sa unyong kakatawan sa mga manggagawa ng pagawaan noong Setyembre 22. Nakakuha ng 295 na boto ang unyon sa kabuuuang 341 bumoto sa eleksyon, habang 25 boto ang nakuha ng katunggaling unyon. Ang Philfoods Fresh […]
Naglunsad ng raling-iglap ang kabataan sa ilalim ng Anakbayan at iba pang grupo sa harap ng Camp Aguinaldo kahapon, Setyembre 23, para kundenahin ang pagdukot o pagkidnap, detensyon at pamimilit sa dalawang aktibistang pangkalikasan na sina Jhed Tamano at Jonila Castro. Kinundena din nila ang mga kasinungalingang patuloy na ipinalalaganap ng militar matapos matapang na […]
Naglunsad ng protesta ang mga manggagawa ng Valle Verde Country Club, Inc. Employees Union (VVCCIEU) sa Pasig City noong Setyembre 18 bilang pagkundena sa kasalukuyang deadlock o hindi pag-usad sa negosasyon para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) sa pagitan ng unyon at maneydsment. Anila, bagaman ibinaba na nila ang kanilang mga kahingian sa maneydsment ay […]