Archive of Sectoral

Lider-aktibista sa Central Luzon, pansamantalang nakalaya
September 01, 2022

Nakalaya na kagabi and lider aktibista sa Central Luzon na si Pol Viuya matapos ang isang taong pagkakakulong. Si Viuya ang tagapangulo ng BAYAN-Central Luzon at ikalawang tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno. Inaresto siya noong Marso 30, 2021 sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives ng mga elemento ng estado. Nakalaya si Viuya […]

Labanan ang hindi makatwirang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo
August 30, 2022 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Dapat tuligsain at buong-lakas na labanan ng mamamayang Pilipino ang mga kumpanya sa langis sa pagpapataw ngayong araw ng napakabigat na dagdag na ₱6.10 kada litro sa presyo ng diesel at kerosene at ₱1.40 kada litro sa presyo ng gasolina. Ikalawang linggo na ito ng pagtaas ng presyo matapos ang animo’y limos na pagrolbak bago […]

Mensahe sa mga mamamahayag sa unang National Press Freedom Day sa bansa
August 30, 2022 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Nakikiisa kami sa mga mamamahayag, manggagawa sa midya, mga tagapamandila ng kalayaan sa pamamahayag at sa buong sambayanan sa paggunita ninyo ngayong araw sa unang National Press Freedom Day sa bansa. Katuwang ninyo ang Partido sa patuloy na paglaban at pagtataguyod sa kalayaan sa malayang pamamahayag, at laban sa nagpapatuloy na paniniil at pambubusal ng […]

Kontra-mahirap at kontra-manggagawa ang pagkaltas sa badyet sa PGH
August 28, 2022

Mariing kinundena ng All UP Workers Union-Manila/PGH sa isang pahayag noong Agosto 28 ang panukalang kaltas sa badyet ng Philippine General Hospital sa taong 2023. Sa isinumite ng Department of Budget and Management na panukalang pambansang badyet sa Kongreso, binasawan ng rehimeng Marcos nang ₱890 milyon ang badyet ng ospital mula sa ₱6.302 bilyon ngayong […]

Estudyante, mga sektor ng UP, nagprotesta kontra bantang kaltas-badyet
August 28, 2022

Naglunsad ng kilos protesta ang iba’t ibang sektor ng University of the Philippines (UP) noong Agosto 25 sa harapan ng Quezon Hall sa UP Diliman, Quezon City, kasabay ng inilunsad na pagpupulong ng Board of Regents sa naturang gusali. Tinututulan nila ang panukalang kaltas-badyet sa UP System sa 2023. Sigaw rin nila ang ligtas na […]

Organisasyon ng mga mandaragat sa Navotas, itinatag
August 27, 2022

Sa harap ng bantang pagpapalayas at pagbuwag sa mga tahungan at iba pang istrukturang pangisda sa Navotas, nagtatag ang mga mangingisda, magtatahong, at magbabaklad ng kanilang samahan noong Agosto 25. Katuwang ang pambansang pederasyon ng mga mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), itinatag nila ang Samahan ng mga Magtatahong, Magbabaklad, at […]

Badyet 2023 para sa utang, pasismo at korapsyon
August 26, 2022

Pinabulaanan ng ACT Teachers Party-list ang pinalalabas ng rehimeng Marcos na ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking bahagi sa badyet na isinumite nito sa Kongreso. Ang totoo, ang pinakamalaking alokasyon ay nakalaan sa pagbabayad ng utang. Tinatayang aabot sa ₱14.63 trilyon ngayong taon ang utang ng Pilipinas. Halos sangkatlo (₱1.6 trilyon) sa ₱5.263 trilyong […]

Unang araw ng harapang klase, batbat ng problema; dagdag badyet sa edukasyon, iginigiit
August 24, 2022

Kaliwa’t kanan ang lumitaw na problema sa pagbubukas ng harapan o face-to-face na klase sa buong bansa noong Lunes. Matapos ito ng higit dalawang taon na pagkatengga at lubhang naantalang harapang klase dahil sa palpak na pagtugon ng gubyerno sa pandemyang Covid-19. Naantala na nga, batbat pa rin ng sandamakmak na suliranin ang unang araw–kulang […]

Bagsak na edukasyon sa Pilipinas, isa sa pinakamalala sa buong mundo
August 17, 2022

Sadsad sa mga pamantayan ng pagkatuto ang katayuan ng batayang edukasyon sa Pilipinas ngayon. Pinalala ng maling patakaran ng absoluto at matagal na pagpapasara sa mga eskwelahan sa panahon ng pandemya ang dati nang mga masidhing krisis sa sistema sa edukasyon. Sa pinag-isang ulat na inilabas noong Hunyo ng iba’t ibang internasyunal na ahensya na […]

Manggagawang pangkalusugan, iginigiit ang One Covid-19 allowance
August 13, 2022

Nagpiket ang mga manggagawang pangkalusugan ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at Philippine Heart Center (PHC) sa harap ng NKTI sa Quezon City kahapon, Agosto 12. Iginigiit nila ang kagyat na pamamahagi ng One COVID-19 Allowance (OCA) para sa mga manggagawang pangkalusugan. Sa pangunguna ng Alliance of Health Workers (AHW), pinuna nila ang Department […]