Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ika-57 anibersaryo ng Partido, ipinagdiwang ng BHB-Leyte
Masiglang ipinagdiwang ng isang yunit gerilya ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Leyte ang ika-57 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) kahapon, Disyembre 26. Eksakto sa araw ng anibersaryo, matagumpay na naisagawa ng yunit ang kanilang aktibidad sa isang sikretong lokasyon nang lingid sa kaalaman ng mga armadong pwersa ng rehimeng US-Marcos. Sa isang […]
Isulong ang Kilusang Manggagawa Bilang Taliba ng Pambansa at Panlipunang Paglaya
Sa paggunita ng ika-57 na anibersaryo ng muling pagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang Katipunan ng mga Samahang Manggagawa (KASAMÀ) ay patuloy na nakikiisa sa buong rebolusyonaryong kilusan at muling pinagtitibay ang ating di-matitinag na pagkapit sa demokratikong rebolusyong bayan. Ang anibersaryong ito ay dumarating sa isang kritikal na panahon kung saan ang uring […]
Walang Phaseout na Makakapigil sa Rebolusyon! Mabuhay ang Ika-57 Anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas!
Ang Pambansang Samahan ng Makabayang Tsuper (PSMT) ay nagpapaabot ng pinakamataas na pagpupugay at militanteng pagbati sa ika-57 anibersaryo ng muling pagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas. Sa araw na ito, kinikilala natin ang dakilang ambag ng taliba ng uring manggagawa sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan sa bansa. Sa kasalukuyan, ang sektor ng transportasyon […]
Pagpupugay sa 57 taong dakilang pamumuno ng PKP! Labis na hinog ang kondisyon para magrebolusyon!
Buong galak na ipinagdiriwang at pinagpupugayan ng NDFP-Palawan, kaisa ng lahat ng rebolusyonaryong kilusan sa probinsya at buong bansa, ang ika-57 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas! Hindi nagmamaliw ang kawastuhan at kadakilaan ng proletaryong pamumuno ng PKP sa isinusulong na demokratikong rebolusyong bayan upang kamtin ang pambansang kalayaan at tunay na demokrasya para sa […]
Iangat ang ating kamulatan, iangat ang ating praktika, iangat ang digmang bayan tungo sa tagumpay!
Gunitain natin ang ika-57 taong anibersaryo ng ating pinakamamahal na Partido Komunista ng Pilipinas nang may walang-kaparis na rebolusyonaryong paninindigan at pagtanaw sa maniningning na hinaharap ng sambayanang Pilipino. Sa dakilang araw na ito, pinagpupugayan natin ang mga kasamang nagbuwis ng buhay at nabuwal habang nakikibaka. Binibigyan natin ng pinakamataas na pagpupugay si Kasamang Luis […]