Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Ang buhay na sinisid ni Ka Renz
November 25, 2025 |

“Wag kang pumunta sa malalim!” ang madalas na sambit ng mga nag-aalalang magulang sa kanilang anak na naglalaro sa dagat. Subalit, iba ang sitwasyon para sa kabataang si Ka Renz at ibang katulad niya na sa murang edad ay kinailangan nang suungin ang bagsik ng lipunan. Si Ka Renz ay isang kabataang maralita na lumaki […]

Deklarasyon ng national state of calamity ng rehimeng US-Marcos II maniobra para sa pampulitikang kaligtasan hindi para sa bayan!
November 24, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Ang deklarasyon ni Marcos Jr na buong taong national state of calamity ay isang pampulitikang maniobra upang iligtas ang sarili sa bumubulwak na galit ng mamamayan sa pagkalantad ng gabundok na anomalya sa flood control project at iba pang imprastrukturang pang-agap sa mga sakuna. Inilabas ang deklarasyon noong Nobyembre 5 bilang tugon sa pinsalang iniwan […]

ELCAC-Serbisyo Caravan sa Sablayan, hindi para sa mga Katutubong Mangyan kundi para sa mapandambong na Mindoro Nickel Project!
November 23, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Mapanlinlang at punung-puno ng pasismo ang inilunsad na ELCAC-Serbisyo Caravan ng 68th IBPA at NTF-ELCAC sa mga hulong sityo ng Barangay Pag-asa, Sablayan, Occidental Mindoro noong Nobyembre 16-18. Ipinangalandakan ng berdugong batalyon ang kanilang pagsisikap na abutin ang kahulu-huluan ng naturang baryo para maghatid diumano ng serbisyo at ilayo ang mga katutubong Alangan at Iraya […]

Wasakin ang bulok na estado, itayo ang malaya, masagana, mapayapa at makatarungang lipunan para sa mga bata
November 21, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Ngayong World Children’s Day, ipinapanata ng Melito Glor Command (MGC)-NPA Southern Tagalog ang pagtatayo ng lipunang malaya, masagana at makatarungan para sa mga bata sa pamamagitan ng pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan. Sa ilalim ng bulok na sistemang malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino, walang magandang kinabukasang naghihintay sa mga bata. Patuloy na naghihirap ang […]

Pandayin ang lakas ng sambayanan sa gitna ng masidhing pampulitikang krisis ng rehimeng US-Marcos
November 21, 2025

Niyayanig ng masidhing krisis pampulitika ang rehimeng Marcos. Ito ay kasunod ng pagbubunyag ng dati niyang alyado at utusan sa kongreso na si Marcos mismo ang nasa tuktok ng malaking burukrata kapitalistang sindikato sa gubyerno na kumukolekta ng kikbak at suhol sa daan-daan bilyong pisong mga proyektong imprastruktura. Hindi ikinagulat ng taumbayan ang pagbubunyag na […]